Chapter 55
Agad akong nilapitan ni Josephine pagkatapos noon.
“Galing. Kahit walang script.” Utas nya. Tinignan ko lang sya, Hindi ko alam kung anung pinaplanu ng babaeng ‘to. Oh, kung anu ba talaga ang tumatakbo sa utak nya.
“josephine.” Utas ko.
Nakita ko kung paanu lumambot ang tingin nya sa akin. “Sinabi ko naman sayo, Hindi masusunod ang nasa script. Mas masusunod padin ang laman nyan.” Aniya pagkatapos ay tinuro ang puso ko. Lumunok ako nang madaming laway. Maraming bumabati sa akin pero hindi ko sila pinapansin, Kung alam lang nila na totohanan na ang nangyari kanina.
Sobrang kumikirot ang puso ko ngaun. Para bang hindi ko na kayang tagalan ang isang araw pa na ganun ang pakikitungo nya sakin. He’s so cold. I miss him so damn much. Pero anung magagawa ko? Pakiramdam ko isinusuka nya ako. Ni, titigan ako hindi nya magawa. I don’t know why. Siguro talagang ganun ko lang sya nasaktan kaya nawala na ang pagmamahal nya sa akin. Pero nawala na nga ba? Hindi ko alam. Basta, ang alam ko. Para bang hindi ko na ‘to kaya pang tagalan.
“You should tell him.” Biglang sabi sakin ni Mike kinabukasan. Napalunok ako.
“H-huh?” wala sa sariling utas ko.
Tiniklop ni Mike ang hawak nyang papel. Binabasa nya ang script nya sa play. Iyon ang scene na prapraktisin namin mamaya. Tinitigan nya akong mabuti gamit ang mapanuri nyang mga mata.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanung ko.
Kumunot ang noo nya. “Mukhang umiyak ka na naman buong gabi.”
“E-eyebags lang yan.” Utas ko.
“Really?”
“Nagaral ako eh.”
“Kahit 3 weeks pa bago ang exams?” tanung nya.
Hindi ako nakapagsalita. Kinagat nya ang ibabang labi nya at humulukipkip. Nakatitig lang sya sa akin.
“Sabihin mo na sa akin.” Aniya.
Bumuntong-hininga ako. “W-wala nga, Mike.” Utas ko. Nakita ko kung paanu lumaki ang mata nya nang mabasag ang boses ko. Para akong tanga! Oo! Alam ko, Wala na akong ginawa dito kundi ang umiyak nalang. Bwisit! Hindi ko naman ‘to ginusto!
“Stop crying! Bullshit! Lagi nalang, Abby!” Sigaw nya sakin.
Humagulgol ako nang iyak. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. Hinila nya ako pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. Ayaw nyang kumalas kahit na tinutulak ko na sya palayo. Sa tingin ko ay tama na din ito, Dahil baka isipin nang mga estudyante na para akong tangang umiiyak nang dahil sa wala. Naiinis na din ako sa sarili ko, Pero wala naman akong magawa. Shit.
“Bullshit, Mike. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.” Utas ko habang pumuputang-ina.
“What is happening?”
Kumalas sya sa akin. Pinunasan ko ang luha ko. “Ung nangyari kahapon. Parang totoo, Kahit na praktis lang naman iyon. Hindi nya sinunod ang nakasulat sa play. Hindi kaya, ‘yun talaga ang gusto nyang sabihin? The Game is Over Mike. Iyon ang sabi nya.” utas ko
Tumunganga si Mike. Hindi sya nagsalita at nakatitig lang sa akin.

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomansaFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...