Chapter 59
Sadabo at Linggo hindi ako lumabas ng bahay. Panay ang kulong ko sa kwarto ko, Wala akong ganang umalis kahit na ilang ulit akong niyaya ni Mike na lumabas manlang, Paulit-ulit din ako nakakatanggap nang text galing kay Ethan.
Kumain kana.
Matulog kana.
Wag kang magpapakapagod.
Ganun lang. Katulad padin sya nang dati, Masyado padin syang bossy. Hindi pakiusap ang lahat ng sinasabi nya kundi utos ito na kaylangan mong sundin.
Lunes ngaun, Start nang intrams at ngaun din ang araw nang play. Ginala ko ang tingin ko sa paligid. Nakita kong napapaligiran nang iba’t-ibang dekorasyon ang mga corridor, pati na ang mga rooms ibang-iba din ang design na nakalagay. Sinabi sa amin ni Josephine na kaylangan naming pumasok nang maaga para makapagbihis at maayusan na kami. Panay ang text at chat nya sakin kagabi. Medyo kinakabahan ako, dahil nagaaalala ako sa mga mangyayari. Mainit pa kami sa mga tao dito dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Pati na ang issue tungkol sakin, kay chea, kay Mike, Ethan at Lia.
Tumigil ako sa paglalakad nang madinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Kinuha koi yon sa bag ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ethan ang tumatawag.
Sinagot koi yon.
“Hello?”
“Asan ka?” tanung nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kapag sinabi ko sa kanya andito na ako sa school, Malamang i-insist nya na magkita kami. Pag nagkataon issue na naman kapag may nakakita sa amin.
Umubo ako kunwari. “Hm. A-anu.. Nasa bahay pa. Paalis palang ako eh.” Pagsisinungaling ko.
Matagal bago sya sumagot. “Talaga?”
“Ah. Oo. Ikaw? A-asan ka?” tanung ko sa kanya.
“Nasa likuran mo.” Simpleng tugon nya. Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay agad na napatingin sa likuran nya. Ibinaba ko ang cellphone ko. Agad na may humampas sa dibdib ko lalo na nang makita ang nakakunot nyang noon.
“E-ethan.” Bulong ko
Nakita kong kumilos sya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Umatras ako pero agad nya akong hinila.
“Uy, Uy teka. San tayo pupunta?” tanung ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Jusko. Mabuti nalang at maaga pa kaya halos wala pang estudyante dito sa corridor.
“Ethan!” sigaw ko. Hindi padin sya sumagot. Namalayan ko nalang na nasa parking lot na kami. Nadinig ko na pinatunog nya ang sasakyan nya pagkatapos ay sinandal ako doon.
Napasinghap ako. Mukha syang badtrip.
“Ethan naman..” utas ko. Nagsiliparan ang paru-paru ko sa tiyan nang ikulong nya ako sa pagitan nang mga bisig nya. Lumapit pa sya sa akin kaya amoy na amoy ko na ang mabango nyang hininga. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Para akong matutunaw sa mga tingin nya.
“Bakit kaylangan mong magsinungaling? Tss.” Aniya.
Tinignan ko sya. “Sorry. Kasi, Baka kung anung sabihin nila.”
“Nahihiya ka?”
Umiling-iling ako. “Hindi. Pero kasi, Baka ma-issue tayo.. Baka sabihin nila.. tay-“

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...