Chapter 6
“Bakit kaylangang sabay pa kami magpraktis?” reklamo k okay Josephine.
“Kasi, Ang hirap ng sched eh. Kaylangan pakapagpraktis kayo ng magkasama dahil mostly, Ung mga scenes ay sa inyong dalawa lang.” utas nya.
Napaisip ako. Ayoko.. Pero.. Urgh! Bakit ganun? Ayokong mapalapit sa kanya. Anak ng tokwa.
“Anu na, Abby? Please.” Nakapuppy eyes na saad nya. Tumango ako. “Ok. Fine.”
Nagklase na kami pagkatapos, Hindi pumasok si Chea dahil ngaun daw ang dating ng Lola nya galing states, Kaya magisa ako ngaun. Kadalasan kasi, Si Chea lang talaga ang kasama ko. Hindi ako ung tipo na maraming circle of friends.
“Ok, class dismiss.” Utas ng professor namin. Agad na nagsitayuan ang mga kaklasi ko at lumabas na, Naiwan ako para ayusin ang mga gamit kong nagkalat sa desk ko.
Wala na tao sa room. Papalubog na din ang araw. Maraming salamat at tapos na ang araw. Sinabit ko ang bag ko sa balikat ko at naglakad na papuntang pinto, Nakatungo ako kaya ikinagukat ko ng may mabunggo akong kung sino..
“Sor---“ napatigil ako sa pagsasalita ng maamoy ang pamilyar na pabangong un, Agad kong inangat ang ulo ko at nakita ang mukha ni Ethan na nakangese sakin. I swear. Mukha syang demonyo. Inisnaban ko sya at akmang lalagpasan ng muli nya akong harangan.
“Problema mo?” singhal ko sa kanya. Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa bulsa nya at inilapit ang mukha nya sakin.
Nanlaki ang mata ko. Halos magdikit na ang mukha namin, Kitang-kita ko talaga ang perpekto nyang mukha. Ang kinis.
“Ang ganda mo..” saad nya. Umabot sakin ang mabango nyang hininga. Amoy mentol na ewan. Uminit ang pisnge ko kaya itinulak ko sya.
“tigilan mo nga ako! Uuwi na ako.” Sabi ko. Ngumese sya tapos kinaladkad ako palabas. Nagpumiglas ako pero masyado syang malakas.
“Oh no. Magprapraktis tayo..” sabi nya. Nanlaki ang mata ko. “Anu ba! Ayoko nga! Bitawan mo nga ako! Bwisit!” saad ko.
Nakarating kami sa parking lot, ibinato nya sakin ang isang helmet. “Anu ‘to?” saad ko.
“Suot mo.” Simpleng tugon nya tapos may isinuot ding isa pa. Tsaka ko lang narelized sa sa motor pala kami sasakay. Sumampa na sya doon, samantalang ako. Hindi ko maabsurb ang pangyayari.
Oh my Gosh! This can’t be true! Kasama ko sa ethan? Sasakay ako sa motor nya? Magprapraktis kami ng kami lang? No way!
Binato ko pabalik sa kanya ang helmet nya. “No way! Di ko isusuot yan! Di ako sasama sayo! At mas lalong hindi ako sasakay dyan!” saad ko.
Kumunot ang noo nya tapos marahas akong hinila at sapilitang isinuot sakin ang helmet na ayun.
“Anu ba!” singhal ko pero di sya natinag, Ngumise lang sya tapos hinila na ako sa motor nyang itim kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay doon.
“hanggang 8pm lang ako!” sabi ko. Nasa likod nya ako ngaun. Hindi nya padin pinaandar ang motor.
“Anu na!” saad ko. Lumingon sya sakin. Ay holy cow! Kung hindi lang kami nakahelmet baka nagdampi na ang mga labi namin,
Nanlaki ang mata ko. Halatang-halata ko ang pagngise nya.
“Hindi kaba kakapit sakin?” tanung nya. Napatingin ako sa posisyon namin. Nakamotor nga pala kami. Shet! Unang beses akong sasakay ng motor kaya natatakot ako pero, For pete sake! Hinding-hindi ako hahawak sa kanya.
“A-ayoko nga!” saad ko.
Hinawakan nya ang dalawa kong kamay tapos ipinulupot sa bewang nya, Nanlaki ang mata ko. Akmang tatanggalin koi yon pero hindi sya pumayag.
“Mahuhulog ka.” Saad nya.
“di baling mahulog ako, Wag lang kitang hawakan!” saad ko.
Pinisil nya ang kamay ko dahilan par magsitayuan ang balahibo ko sa katawan. “Kumapit ka sakin, Para kapag nahulog ka. Ako ang makakasalo sayo.” Utas nya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba sya sa sinabi nya.
Nagsimula na syang magdrive, Nanginginig ang kamay kong nakapulupot sa bewang nya. I swear to God. Wala akong mahawakang taba. Talagang maganda ang pangangatawan nya.
Sa kalagitnaan nya biaje at bigla nyang isiningit ang motor sa nasa unahan naming truck, Nagover-take sya, sa sobrang pagkabigla ko ay dumausdos pababa ang kamay ko. Galing sa bewang nya at napunta ang kamay ko sa hita nya. Nanlaki ang mata ko. Of all gods! Thank you, Dahil hindi ang anu nya ang nahawakan ko!
Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. Uminit ang pisnge ko, Agad kong tinanggal ang kamay ko pero nahawakan na nya agad ito at inilagay muli sa hita nya.
“bwisit ka!” sigaw ko.
“Dyan kana humawak, Mukhang mas komportable ang pagkakahawak mo dyan. Eh,”saad nya. Gusto ko syang suntukin at sapakin, Pero mamaya nalang dahil baka maaksidente kami!
Ang kapal ng mukha ng hayop na to! Hayop!
Ihinto nya ang sasakyan sa tapat ng isang matayog na building, Tingin ko ay puro condo unit ang andito. Ang yaman! Sa condo nakatira, Pagkatapos nyang ipark ang sasakyan ay agad ko syang sinapak sa braso.
“Walanghiya ka! Akala ko mamatay na ako sa pagpapatakbo mo!” saad ko. Ngumese lang sya kahit na panay ang habol ko sa hinanga ko, hindi padin nawawala ang kaba ko, Akala ko mamatay na ako doon!
“Easy. Hindi ka mamatay. Mauuna muna ako. Kinilabutan ako sa sinabi nya.
Dinuro ko sya. “Wag mo akong itutulad sa ibang babaeng nakukuha mo gamit ang matatamis mong dila! Hindi ako tulad nila!” singhal ko sa kanya,
Tinanggal nya ang helmet nya. Lumapit sya sakin tapos tinanggal din ang helmet sa ulo ko,
Ngumese sya. “Hindi naman kita itutulad sa kanila,” utas nya.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomansaFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...
