Chapter 51
Hindi mawala sa isip ko ang klase ng pagtitig sa akin ni Ethan. Mga malalamig na tingin. Napaisip ako, Hindi nya naman ako tinitignan nang ganun dati. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay binaon ang mukha ko sa unana. Alas dos na nang madaling araw pero hindi padin ako makatulog. Sa bawat pagpikit ng mata ko, Ang nakikita ko lang ay ang mukha ni Ethan nang araw na ‘yun. Ni, Hindi ko na tuloy alam kung sa paanung paraan ko pa sya haharapin bukas.
Pinilit kong matulog kahit na tingin ko ay wala ding kwenta dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Bumangon ako nang mahapdi ang mga mata. Agad akong pumunta sa CR. Ilang beses ko pang inuntog-untog ang ulo ko sa pader.
“Hindi dapat ganito ang itsura ko mamaya sa harap ni Ethan. Shit.” Utas ko sa sarili ko. Naligo na ako pagkatapos, Sa hindi ko malamang kadahilanan ay sobrang ginanahan ako ngaung araw. Tatlong buwan lang nawala si Ethan. Kaya imposible naman siguro na nawala agad ang pagibig nya sa akin. Imposible iyon. Minahal nga nya ako sa loob ng maraming taon hindi ba? Kaya imposibleng sa tatlong buwan lang, Wala kaagad. Imposible.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpunta sa closet ko at pinili ang isa sa pinakamaganda kong damit doon. Ilang ulit pa akong nagpabalik-balik sa harap nang salamin at itinatapat iyon sa katawan ko. Hindi pa naman kami required magsuot nang uniform ngaun dahil sigurado akong hindi pa naman regular class, Pinili ko ang isang pink na bestida na hanggang ibabaw ng tuhod. Nagsuot din ako ng dollshoes. Hindi naman ganito ang madalas kong suot. Pero ngaun, Para bang gusto kong magayos dahil andyan si Ethan.
Paalis na ako nang magring ang cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makitang si Mike ang tumatawag.
“Hello.”
“Good morning.” Bungad nya sa akin.
Sinabit ko ang bag ko sa balikat ko. “Bakit ka napatawag? Ang aga-aga ah.”
“Ouch naman. Haha. By the way, Kaya ako tumawag ay dahil first day ngaun at..”
“at?”
“Nasa tapat ako ng bahay nyo. Hindi pa paba lalabas?” Aniya.
Napanganga ako. “W-what? Teka lang.” utas ko. Dali-dali akong bumaba pagkatapo ay lumabas. Agad na bumungad si Mike na nakasandal pa sa kanyang kotse. Ngumiti sya sakin.
Lumabas ako ng gate pagkatapos ay hinampas sya sa braso. “Aray naman!” Aniya.
Umirap ako. “Alam mo, ang dami mong alam!” natatawang sabi ko. Pumasok kami ng kotse nya.
Nilalagay ko ang seat belt ko nang pumasok na din sya sa loob at nagsimulang paandarin ang kotse.
“Asan ang parents mo?”
“Ah.Sa CC.” Ngumise ako. “Namiss daw nila,” Napatingin ako sa kanya, Pero natigilan ako ng makita ang makahulugang tingin nya sakin.
“Bakit?”
Umiling-iling sya. “Yan ba ang epekto nang paguwi nang kapatid ko? Nagpapaganda ka para sa kanya.” Tanung nya sakin. Umismid ako.
“Hindi no!”
Nadinig ko ang paghalakhak nya. “Ang swerte talaga ng hayop na ‘yun!” sigaw nya.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...