Chapter 7

7.1K 173 15
                                        

Chapter 7

Nasa pinakataas na floor ang condo nya. 30th floor to be exact, Napanganga ako ng makitang sa kanya lahat ang buong floor na ito. Ibig sabihin, Mayaman ang playboy na ito. Napatingin ako sa kanya na cool na cool lang habang binubuksan ang condo nya.

“Get in.” saad nya.

Pumasok ako. Nadinig ko ang pagsarado ng pinto. Napalingon ako agad, Nakita ko ang makangiseng mukha ni Ethan habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Pakiramdam ko, ito na ang pinakabaliw at pinakatangang desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko, Ang pumasok sa teritoryo ng playboy na ito. Dammit! Hindi ko tanggap na andito ako ngaun, Sa loob ng condo nya. At… Kaming dalawa lang.

“Oh, bakit mukhang kabado ka?” nakangiseng tugon nya sakin. Umirap lang ako. Pilit kong inaalala kong bakit kami humantong sa puntong ito!

“Simulan na natin!” saad ko.

Nadinig ko ang pagtawa nya.

“Alin?” utas nya sakin. Uminit ang pisnge ko tapos binato ko sya ng unan sa sofa.

“Bwisit! Bilisan mo na!” saad ko. May kung anung thought na naglalaro sa isip ko at hindi ko gusto kong anu man iyon,

“Easy. Magshoshower lang ako.” Utas nya. Tapos tawang-tawang umalis sa harapan ko. Hinawakan ko ang pisnge kong pulang-pula kanina pa. Damnshit! Matapos lang talaga ang play na un! I swear! Matatapos na din ang lahat ng ito!

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kulay puti nyang condo, Ang ganda dito. Ang linis. Halatang mayaman ang playboy na ito. Mukhang mamahalin ang bwat furniture at mga mwebles. Gayun din ang mga picture na nakadisplay.

Lumakad ako ng makita ang isang picture na nakapatong sa isang cabinet, kinuha ko iyon.

Mukhang mama nya ito. Ang ganda.. Hindi mukhang may anak nya, Binalingan ko ang isa pang picture, Nakita ko ang isang litrato ng bata doon. Gwapo. Mukhang sya ito, Base sa mata. Alam na alam mo ng si Ethan ang batang ito. Pinasadahan ko pa ng tingin ang picture, Hindi manlang nakangite?

Binitawan ko ang litratong iyon tapos bumalik sa iba pa pero wala akong makitang litrato nilang magkakasama ang buong pamilya, Puro silang dalawa lang ng mama nya. Bakit kaya?

Nagkibot balikat nalang ako tapos pumasok sa isang pang kwarto doon. Nakaawang ang pinto kaya itinulak ko na, Bumungad sakin ang isang napakalaking kwarto. Literal na napanganga ako ng makita iyon. Dammit? Parang doble ito ng kwarto ko ah.

May isang king size bed sa gitna, tapos may isang malaking flat screen na TV. May mini sla, tapos ang daming nakadisplay na action figure na kotse. May maliliit, may malalaki. Kung mahilig sya sa kotse, bakit motor ang gamit nya?

Lalabas n asana ako ng makita ang isang higanting litrato na nakasabit sa ulunan ng kama nya. Namilog ang mata ko ng makita ang litrato nya doon.

Nakatayo sya habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang batok, ang isa naman ay hinihila pababa ang suot nyang pantalon kaya nakikita na naman ang kanyang V-line. Nakalitaw pa ang brief nyang puti na may nakatatak na Calvin Klein. Wala syang pagitaas, Kaya kitang-kita mo ang ganda ng pangangatawan nya. Ung flat nyang tiyan, pati nadin ung anim na pandesal doon. Bahagyang nakataas ang ulo nya, Ganun padin sa signature look nya, Gulo-gulong buhok, matatalim na mga mata na pata bang nakikipagtitigan sayo, matangos na ilong, pati na din ung pulang-pulang labi nya.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon