Chapter 66
Hinatid ako ni Ethan nung lumalim na ang gabi, Pagkapasok ko palang sa kwarto agad na akong nagbukas ng computer para makita ang mga litratong in-upload nang mga echoserang fan girl ni Ethan.
Napahawak ako sa bibig ko.
“Grabe.” Bulong ko habang binabasa isa-isa ang mga comment sa picture namin ni Chea.
“Malandi.”
“Akala ko pa naman matino sya, Dati nga ayaw nya naman kay Ethan. Pero ngaun, Parang linta kung makakapit.”
“Hindi ako naniniwalang may gusto talaga sya kay Ethan, Baka sex lang!”
“Hindi naman yan warfreak dati, Lumabas din ang tunay na ugali! Hmp.”
Bumuntong-hininga ako. Ganito ba talaga ‘yun? Anu bang problema nila? Bakit ba ang bilis sa kanilang manghusga e, Hindi naman nila alam ang totoong nangyari? Damn.
Tinignan ko pa ang iilang picture doon. Nakita kong may kuha nang pumasok kami ni Mike sa loob ng sasakyan nya. Sa kuha nang caption mukha kaming nagtataksil kahit na hindi naman talaga, Binuksan ko ang facebook ni Ethan, Nakita ko ang iilang post doon nang mga fan girls nya. Umismid ako.
“Ethan. Hiwalayan mo na yan. Hindi ka madadamay dito, We will support to till the end.”
“Hindi sya bagay sayo. Kayong dalawang magkapatid pa ang pinatulan nya. Manloloko yan.”
“Hindi kami papayag na lokohin ka nya, Kay Chea ka nalang!”
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay pinagre-repost sila isa-isa. Mga inggitera!
Nakita kong may nang pop-up sa notification ko. Nakita kong ang isang post doon na alam kong galing kaya Chea. Nakapost ito sa Wall ko. Tinignan ko ito.
“#mangaagaw! #trador! #pokpok! Hindi na virgin kaya naghahabol kay Ethan. Kala mo mauubusan nang lalaking sa mundo, Ang kapal nang mukha mo!”
Nanginig ang kamay ko habang nakahawak sa mouse. Halos mapunit na ang labi ko sa kakakagat ko dahil sobrang naiinis na ako sa kanila, Naluluha ako habang nakikitang unte-unteng dumadami ang mga likes noon at patuloy ang pambabash sa akin, Kahit na wala akong ginagawang masama. Masakit padin. Damn!
Pinunasan ko ang luha ko nang madinig ang pag-ring ng cellphone ko. Tumayo ako at kinuha iyon.
Calling: Ethan
Umupo ako sa kama pagkatapos ay sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Baby.” Aniya.
Kinagat ko ang labi ko. Napatingin ako sa orasan. 11:00pm na nang gabi, Bakit hindi pa tulog ‘to?
“Bakit ka napatawag? Gabing-gabi na?”
“Ikaw, Bakit gising kapa?”

BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...