Chapter 50
Halos tatlong buwan na din ang nakakalipas. Hindi ko na alam pero unte-unte ay nakakaramdam ako ng kawalan nang pagasa. Bukas ay kinakailangan ko na namang bumalik sa maynila para magpaenrol, Kung hindi ko gagawin iyon ay baka maubusan na ako ng slot at talagang hindi na ako makapagaral.
Ang isa pa sa kinababagabag ng loob ko ay sa tatong buwan na ‘yun. Wala manlang kahit text o tawag galing kay Ethan, I’m starting to think déjà vu. Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay tumungo. Kung anu-anu nang pinaggagawa ko dito sa probinsya para magliwaliw.
Nung isang araw ay galing kami ni Ellie sa salon. Pasukan na kasi nila sa makalawa kaya nagpagupit sya nang buhok para daw bago ang kanyang hairstyle. Ako naman, Mahaba na ang bangs ko kaya puwede ko na syang iipit sa tenga ko. Hindi naman ako nagpagupit, ang dahil lagpas balikat kong buhok ay halos hanggang baywang na ngaun pagkatapos nagpakulay ako ng reddish brown naman.
Ayaw ko pa noong una, Pero wala din akong nagawa dahil sa panay ang pilit sa akin ni Ellie. Aniya ay bagay naman daw sa akin dahil maputi at makinis ako.
Damn. I miss ethan so much.
“Aw!” utas ko nang may humampas sa akin sa balikat.
Napaangat ang tingin ko. Umismid ako nang makita si Ellie na nakakunot ang noo sa akin.
“Problema mo?” masungit ng tanung ko sa kanya.
Umirap sya. “Hay naku, Ayan ka na naman. Hanngang kelan ka ba ganyan ha?”
Tumabi sya sa akin sa upuan. “Hayaan mo na ako.”
“Kasalanan mo naman nya, tinaboy-taboy mo ung tao tapos ngaun hahanap-hanapin mo? Tss. Baliw.”
“Baliw na nga ata ako. Pero, Posible ba ‘yun? Inlove sya sa akin sa loob ng halos ilang taon. Posible kayang sa tatlong buwan namin na hindi pagkikita mawala ‘yun? Mafa-fall out kaya sya?” tanung ko.
Tumingin sa akin si Ellie.
“Pinsan, kung ang tao nga napapagod. Puso pa kaya?” Aniya. Tuluyan akong nanlumo sa sinabi nya. Totoong sinabi ko noon na kung ma gmamahal si Ethan nang iba ay matatanggap ko at magiging masaya ako sa kanya. Pero ngaun, Kapag iniisip ko nab aka possible ngang mafall-out sya sa akin at magkaroon nang ibang babae sa buhay nya, Parang hindi ko kaya. Masakit sa dibdib, at lalong lumalala ng pagtusok-tusok nang mga paru-paru sa tyan ko.
Maaga akong nagising kinabukasan para bumyahe nang maaga paluwas nang maynila.
Paglabas ko palang nang kwarto ay agad na akong sinalubong ni Lola na nakangiti na sa akin. Tulog pa sila tiyo at tiya pati na si Joel at Ellie kaya ayaw ko na silang istorbuhin pa.
“Apo.” Utas ni Lola pagkatapos ay niyakap ako.
Niyakap ko din sya pabalik. “Magiingat ka sa biaje mo.” Aniya. Lumapit sya sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang basket na andoon pati na ang iilang supot.
BINABASA MO ANG
To Reach You
RomanceFight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo kayang lumaban? Sino ang uuwing wagi? Sino ang uuwing luhaan? Sino ang unang magmamahal? Sino ang u...