Chapter 40

5.4K 110 5
                                    

Chapter 40

Late na late na ako sa first subject kaya second subject nalang ang pinasukan ko sa klase, Panay ang tanung sakin ni Chea pero hindi ko sya magawang sagutin. Isa pa to sa nakakapgdagdag sa ala-alahanin ko, Hindi ko na alam ang mangyayari kapag nalaman pa ni Chea ang tungkol sa amin ni Ethan, She loves ethan very much kaya hindi ko kayang saktan sya. But it happens,

MINAHAL KO RIN ANG TAONG MAHAL NYA.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto. But, it happens. Bullshit.

Habang nagkakaklase ay napapansin ko ang palagiang pagsulyap-sulyap sakin ni Mike. I know, Simula noong hinatid nya ako sa bahay ay hindi ko na magawang sagutin ang mga tawag nya. ni, hindi ko nadin sya madalas pang pinagpapansin. Naguguluhan ako, pakiramdamo kasi, ako lang ang nakaharang sa kanilang lahat.

Mahal na ni Lia si Mike. Mahal ni Chea si Ethan. Mahal ko si Ethan at mahal nya din ako pero mahal din ako ni Mike. Naguguluhan at nasasaktan lang ako kaya mas mabuti nalang sigurona wag nalang nang wala ng masaktan.

“Dumating na daw si ethan. I wonder kung papasok sya ngaun.” Utas nya sakin habang nakapalumbaba sa harapan ko habang kumakain kami. Kinagat ko ang ibabang labi ko, Kanina lang nagkita kami ni Ethan, Sinabi nyang mahal nya ako at humingi sya ng tawad sa akin pero tinalikuran ko sya.

“Wala ka atang gana ate, Masama na naman ang pakiramdam mo?” tanung nya sakin. Napatingin ako sa kanya ng dahil doon, Umiling-iling ako pagkatapos ay ngumite.

“H-hindi. Busog pa kasi ako.” Utas ko sa kanya. Ngumiti sya pagkatapos ay pinagpatuloy lang ang pagkain nya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ilang beses nang pinupulupot ang puso ko ngaun araw.

Pinilit kong kumain kahit na hindi ko talaga kaya. Nagitla ako ng magring ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa bag ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ethan ang tumatawag.

“Importante ate? Sagutin mo na.” utas ni Chea sakin. Umiling ako pagkatapos ay pinatay ang tawag.

“H-hindi ko kilala. Unknown number.” Utas ko sa kanya. Kumunot ang noo nya sakin pero pinagsawalang bahala ko lang iyon.

Maya-maya pa isang text naman ang natanggap ko galing sa kanya.

From: Ethan

Puntahan mo ako or else, pupunta ako sa mga babae ko Abby.

Kumunot ang noo kong nagreply sa text nya.

To: Ethan

Pumunta ka kung gusto mo. Hindi mo na ako kaylangan pang takutin ethan.

Pinagdikit ko nang mariin ang labi ko. May isang malaking puwang sa puso ko ngaun. Ayokong pumunta sya sa mga babae nya kaya hindi ko talaga alam ang issue ko ito, Kung gusto ko bang sakin sya pumunta o anu.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon