Chapter 70 - PART I

7.6K 137 17
                                    

Hello po. This is the end of To Reach You. Maraming salamat po sa lahat nang mga nagbasa at naghintay nang update. Thank you po talaga, Sana po ay nagustuhan ninyo. at sorry kung bitin man ang ending (ginawa ko po ang best ko. whahaha) and i would like to give credits doon sa mga readers na walang sawang nag-vote at nagcomment simula pa nung una. Kayo po ang inspirasyon ko. Lalong-lalo na si 'Fang' na walang sawang sumuporta, Alam kong ayaw mong magpakilala sa akin dito sa Wattpad kung anu Username mo, Pero salamat. haha. xoxoxo.

P.S: May Chapter 70 Part 2 pa po. Sana masuportahan nyo din ung 'My Bodyguard and I' pati na ung 'IARWAD2'  Thank you. Godbless! xoxoxo

_

Chapter 70 Part I

Hinawakan ni Ethan ang kamay ko pagkatapos ay hinila ako papasok nang University. Alinlangan akong sumunod sa kanya, alam ko kasing mainit pa ako sa madla dahil sa mga nangyari kahapon. Natatakot ako nab aka may mangyari na naman kung anu, at baka sa pagkakataong ito ay talagang sa Deans office na ang bagsak namin.

Hinila ko si Ethan. Napahinto sya pagkatapos ay tumingin sa akin.

“Ethan, Sandali lang.”

“Hm?” Aniya. Tumaas ang kilay nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay binalingan sya nang tingin.

“Anu.. Err. Baka kasi, May gulo na naman. Alam mo na ung nangyari kahapon.” Alinlangan na sabi ko,

Naramdaman ko ang pagdiin nang hawak nya sa kamay ko.

“Hindi kita papabayaan, Hindi naman kita hahayaang saktan nila.” Aniya.

Bumuntong-hininga ako.

Balisa padin ako, Nakaka-trauma naman kasi ang mga nangyari. Baka sa susunod, Hindi lang tubig ang ibuhos sa akin. Baka asido na. Nakakatakot ang pagiging possessive ni Chea.

Nadinig ko ang paghalakhak ni Ethan.

“Si Chea?” Aniya.

Tumungo-tungo ako.

Kinabig ako ni Ethan kaya napayakap ako sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya.

“Ethan. Nasa school tayo.” Utas ko pero hindi nya ako pinapakinggan. Panay lang ang ngisi nya habang pinapalo ko sya sa dibdib.

“Forget about Chea. Wala na sya. Hindi na sya manggugulo sa atin.” Aniya.

Inilayo nya ako sa kanya pagkatapos ay nilapatan nang halik sa noon.

Dumausdos ang kamay nya sa kamay ko. Hinila nya akong muli pagkatapos noon.

“Common. May ipapakita ako sayo.” Nakangiting sabi nya. Nagpatinaod nalang ako sa paghila nya.

Nakita kong papuntang classroom ang tinatahak naming daan. Suminghap ako nang umusal ang kaba sa dibdib ko lalo na nang Makita ang iilang estudyante na nadadaanan namin na nakatingin sa magkahawak na kamay naming ni Ethan. Umismid ako. Alam ko naman na kung wala si Ethan ngaun sa tabi ko, bubully-hin na naman nila ako. Hindi lang talaga sila makapalag kay ethan.

To Reach YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon