Chapter 2: Who's crush?

1.5K 42 3
                                    

My crush

Sky P.O.V

Nakakabuwisit naman o. Anung nakain ni dad para mag-ayos sya ng arrange marriage para sa akin? Hindi lang yun ah... paghinalaan pa akong bakla! Kaya pala ng nakaraan lingo may nakabala na Barney movie sa laptop ko, may biglang naghubad na babae sa harapan ko at napuno ng mga prostitutes ang kwarto ko. Kagagawan lahat yun ni dad kasi pinaghihinalaan nya akong bakla! Really! Ano ba ang nagawa ko para paghinalaan nila akong bakla? Siguro may kinalaman yung babaeng yun, yung miss feeling na yun. Ang lakas ng loob nya na tawagin akong 'alapaap'.

Humanda talaga sa akin yang babae na yan. Dahil sa kanya kaya lahat ng ito nangyayari. If my life become miserable then I will drag her with me.

Bianca P.O.V

Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin, siguro may nagsasalita ng masama sa akin. Well for all I know ay si Alapaap lang naman ang gagawa noon.

Nag-aaral ako sa isang public school at si Alapaap naman ay sa isang private school. Ano pa ba ang ikakagulat doon, siyempre mayaman sya at ako at isang mahirap lang. Pero kahit ganun eh hindi ako nagrereklamo since enjoy naman ang buhay ko. May mga kaibigan akong true talaga sa akin at sila ang kasama ko kung nanonood kami ng k-drama. Crush namin si bebe Kim Soo-hyun, Song Joong-ki and last but not the least si Park Bo-gum. Sila ang crush namin pagdating sa Korean artist pero pagdating sa Filipino artist siyempre si James Reid, Daniel Padilla, Enrique Gil at si bebe Tony Labrusca.

Personal bebe ko si Tony, hindi si Tony Stark but my werewolf guy na so Tony Labrusca.

Well anyway, ako ang pinaka matalino sa buong klase namin. Hindi sa nagyayabang ako pero totoo ang sinasabi ko. Sa katunayan ay candidate ako para sa validictorian. Dito sa school talaga ang buhay ko at wala doon sa bahay. Kasi naman nandoon yun bagyo.

Katulad ng ibang mga babae, may crush din ako at yun ay si Jake Florante. Pamatay kasi yung mga tingin nya at yung smile nya... kung sya ang magiging fiance ko ay kahit bukas eh magpakasal na kami. Baka tumakbo pa ako papunta sa altar kung makita ko sya doon sa dulo na naghihintay sa akin. Feeling ko no.

Ito nga pala si Jake Florante.

Bad boy na kung bad boy pero hindi nyo maaalis sa akin na mainlove sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bad boy na kung bad boy pero hindi nyo maaalis sa akin na mainlove sa kanya. Pinagpapantasyahan sya ng buong kababaihan sa school. Grabe naman kasi ang appeal nya.

Hangang tingin lang ako sa kanya kasi naman eh napaka gwapo nya sinu naman ako diba. Isang nerd na walang ginawa kung hindi magpantasya. Lagi kasing nakasalamin kaya yun nagmukhang manang.

Eto pala ako ang nagiisang Bianca.

Eto pala ako ang nagiisang Bianca

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda ko no. Die hard fan pa ni Jake. Talagang lahat ay gagawin ko mapansin lang nya. Grave kasi ang kapogihan nya.

Well anyway meroon din akong best friend na kung makapanermon sa akin tungkol sa pagkabaliw ko kay Jake ay sagad kung magsalita. Sya naman ay si Taliya. Mahirap din syang katulad ko pero sya ang best friend ko.

Scholar yang si Taliya kaya wag nyong ma small small yan at kung hindi eh baka mapuno yang utak nyo ng maraming vocabolaryo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Scholar yang si Taliya kaya wag nyong ma small small yan at kung hindi eh baka mapuno yang utak nyo ng maraming vocabolaryo.

Walang secret sa amin ni Taliya. Kilala nya rin ang mga magulang ko at ang kapatid kong si Gloria. Bahay at school lang ang pinupuntahan nya. Ayaw nya din ang lumalabas parati sa mall. In other words ay isang anti-social.

Habang naglalakad ako papuntang canteen nabangga ako ng isang lalake. Natumba ako at pati mga project ko ay nagkalaglag sa ibaba.

"Ano ba yan! Nakita no naman na marami kaming hawak tapos paharang-harang ka pa dyan!" Napasigaw kong sinabi. Papaano naman kasi nasira yung project namin ni Taliya.

Laking gulat ko na lang na makita ko si Jake sa harapan ko na tumutulong sa akin mag dampot. Nung nagkatapat ang aming mga mata at para bang biglang tumigil ang mundo ko. Ang mga mata nya ay kumukusilap na para bang crystal. OMG! Pipikit na sana ako pero si bestie naman kaagad akong hinila papataas. Panira talaga ito ng moment.

"Ano ba! Hoy ikaw Jake tumingin ka naman sa dinadaan mo at para hindi ka makaabala. Tignan mo itong ginawa mo oh. Project namin yan sa Physics sira na tuloy. Anong gagawin mo ha? Deadline yan ngayon!" Sigaw ni bestie. Naku po yung armalite na bunganga nya ay nag simula ng tumalak. Hirap pa naman patahanin nyan.

"Sorry ah. Meron naman kasing library eh bakit pa kasi kayo pupunta dito sa canteen." Papilosopong sagot ni bebe, ay este ni my labs, ay mali ni Jake pala.

"Wala kang pake doon! Eh sa gusto naming dito gawin ang project namin may problema!" Sagot naman ni Taliya.

"Taliya tama na yan. Gagawin ko na lang ulit." Ibinulong ko sa tenga nya.

"Sige na bebe Jake... ay este alis na kayo." Yes at nasabi ko rin ang gusto kong itawag sa kanya. Hindi naman napansin ang pagtawag kong bebe sa kanya pero si bestie kumunot ang noo at tinignan ako.

Alam kong galit ito kasi naman yung pinaghirapan naming project ay wasak na. Pero buti na lang may super glue kaya madaling naayos. Pagkatapos namin gawin yon eh kumain na kami. Hindi ko maiwasang mapangiti, na face to face ko si bebe.

"Hoy... baliw ka na ata dyan at ngingisi-ngisi ka dyan." -Taliya

"Nakita mo ba yun bestie... nagkatitigan kami. AaaaaY! ang gwapo talaga nya at hanggang ngayon ay nanginginig itong tuhod ko. Papaano kaya kung nahawakan ko yung kamay nya?" Napatanong kaagad ako. Siguro kung nangyari yun ay baka nawalan ako ng malay.

"Baliw ka na nga talaga. Sus, kailangan mo na ata pumunta sa doctor at ipa check mo yang ulo mo. Nasira na nga lang itong project natin dahil sa kanya tapos nagpapantasya ka pa dyan." Kill joy talaga itong best friend ko. Hindi ba nagwagwapohan si bestie kay Jake? Sya lang ata ang tanging babae na kilala ko na walang gusto kay Jake.

"Ito naman. Kill joy. Ang gwapo nya kasi." Pahabol ko.

"Gwapo yun lang. Wala namang brain, nasa section 2 sya best!" Comment nya.

Grabe kasi ang standard ni bestie. Kahit section 2 ay hindi na papasa sa kanya. Matalino si Jake, sa katunayan ay sya ang top 1 nila sa klase nila. Yun nga lang dalawang section lang kasi kami at ako kasama ni bestie ang nasa section 1.

"Well kung sino sino ang pinagpapantasyahan mo dyan. Bakit hindi na lang yung fiance mo." Sabat ni bestie kaya ko kaagad tinakpan yung bibig nya. Baka kasi may makarinig.

Ang ingay talaga nitong best friend ko baka may makarinig at matsismis pa ako. Baka kasi magalit si bebe Jake kung malaman nya. Hindi pa kami pero baka maudlot. Charot.

Panira talaga si Alapaap sa buhay ko at plano ko sa future. Ngayon kasama na sya sa plaplanuhin ko dagdag sagabal talaga itong halimaw na ito.


Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon