CHAPTER 67: Clearing things up

644 21 0
                                    

BIANCA P.O.V

Naghahanda na ako ng breakfast namin dahil maaga pa ang meeting nung Halimaw. Siyempre po nakakahiya naman sa kamahalan at baka mamaya mapagtripan na naman ako. Grabe ha makasabog hininga yung prank na bago ni halimaw na halos kinabahan ako at natakot.

Lumabas naman ng kwarto itong halimaw at nakabihis na rin papunta sa last meeting nya. Pero siyempre tinawag ko munang kumain.

"Ang sweet naman ng faithful wife ko." Pang-aasar nya.

"Tumigil ka nga sa mga biro mo! Hindi na nakakatawa. Kinikilabutan ako!" Saway ko naman sa kanya.

"What's the problem? I mean that you said that you are a faithful wife therefore I will be your loving husband." Sabay subo ng bacon sa bunganga nya.

"OO na, OO na... sinabi ko na nga yun. Pero please naman huwag mo nang ipaalala dahil nandidiri na nga ako! Ang aga-aga para sa mga biro mo." Pagsuway ko na naman sa kanya. Pero parang mas lumalala nga pinagsasabi nya.

"Ok faithful wife... I'm already done eating. You should eat now ok. I'm sorry that I have to go early but don't worry 'FAITHFUL WIFE' I will be back immediately. This time your loving husband will treat you tonight." Sabay kindat at ngiti na halatang nangiinis. Bakit ko pa kasi nasabi yung faithful wife na yan!

Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko sa kanya. Kelan pa naging baliw yun? Nakakatakot! Mas ok pa noon na walang kibuan maliban sa business talk. Pero ngayon kahit sa breakfast lang may pangaasar pa.

Pero sa totoo lang, yung nangyari ng isang gabi ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko nakayanan kaya napaiyak ako at nakakahiya man aminin eh ang bilis ng tibok ng puso ko, ay mali, ang bilis ng kaba ko. Never pa nya akong kinausap ng ganon tapos bigla na lang syang naging sutil sa akin. Ugh! Ano ba Bianca! Wag kang ano dyan!

Kinagabihan eh dinala nya ako sa isang club, ang ingay nakakabasag ng ear drum. Umupo muna kami sa isang corner at mayamaya pa dumating naman si Blake kasama nya si Gab. Magkakaibigan pa rin pala sila.

"Hey Bianca how are you?" Pag greet ni Gab. Bibihira lang si Gab na makita mo kung saan saan. Pero itong si Blake ay lagi kong nakikita siyempre gf nya kaya si bestie.

"Gab kamusta ka na? I mean hindi ko na tatanungin si Blake kasi lagi ko naman sya nakikita eh." Kasi naman si Blake kung makasunod kay bestie wagas.

"Grabe ka naman sa akin Bianca." Pagbibiro ni Blake.

Mayamaya ay dumating na rin si Alapaap. Sabi nya ay nag order na sya ng maiinom. Wait iinom kami dito?

"Gab how's the life of being a father?" Basag ni Alapaap. Oh what! May anak na si Gab!

"I'm telling you dude it's amazing. But sometimes I feel so restless because baby Zeph is so loud. I mean Katrina and I can't sleep properly. Katrina doesn't want to hire a maid because she said she wanted to do it." Pagkwekwento naman ni Gab. Hindi talaga ako makapaniwala sa naririnig ko. Si Gab na syang tahimik sa lahat ay nag settle na.

"Is that so? Well that's life Gab... but congrats to you and to your family. I didn't actually expect that you are going to settle early. I mean the last time I remember, you hated Katrina so much but in the end you married her and now she's the mother of your child." Sabi ni Alapaap.

"To think that you the most strict person among the three of us, who always stand in life status will marry Katrina, your personal maid." Habol naman ni Blake.

Nagtawanan silang tatlo... well parang walang nagbago sa kanila dahil ganon pa rin sila. As if I am watching my old high school classmates. The three Prince: Blake the jolly one, Gab the serious one and Alapaap the evil one. Hahaha joke lang.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon