"Honey ano gusto mo? Pancake, waffles o pwede naman ako." Pagbibiro naman ni Blake. Grabe natatawa ako sa mga pick up lines nya. Malayong malayo na sya sa Blake na kilala namin nung high school.
"Tumigil kang ungoy ka! Hindi porket sinagot na kita pwede mo na akong tawagin sa kahit na anong pangalan!" Singhal ni bestie. Sa totoo lang hindi ko alam kung mahal ba talaga ni bestie si Blake, kasi naman kung tratuhin nya eh parang hayop lang sa katunayan mas masahol pa sa hayop.
"Ikaw nga baby tinatawag mo akong ungoy eh." Sagot ni Blake kaya naman napangisi na lang kami ni babe. May tama naman kasi si Blake.
Oo nga pala nandito kami sa harap ng hospital na pinagtratrabahuan ni Harry. Niyaya ko kasi si bestie na doon na lang kami mag breakfast malapit kay babe. Kaya tinawagan naman ni bestie ang ever pet boyfriend nya. Hahaha joke lang.
"Aba sinasagot mo na ako!"
"Hehehe... sige sige bibili na ako ng breakfast natin." Tiklop naman ni Blake.
"Sige pare samahan na kita." Alok naman ni babe.
Pagkaalis naman nila, ay lumapit naman ako Kay bestie.
"Mahal mo ba talaga si Blake kaya mo sya sinagot? Sorry Taliya ha, pero bakit ganun mo na lang syang tratuhin? Mahal na mahal ka ng tao eh." Tanong ko. Kasi naman kung tratuhin nya si Blake eh talagang parang aso nya lang. Teka, hindi ganun tratuhin ni bestie ang aso nyang si Oreo.
"Do you want to know the truth?"
"I'm dying to know the truth."
"Yes... I love him, no, I fell in love with him pero kahit gusto kong ipakita sa kanya yon eh hindi ko magawa." Malungkot na sagot ni bestie. Alam ko na mahal talaga ni bestie si Blake pero she just can't express herself.
Ang cute nilang couple.
Habang kumakain kami panay ang pagpapacute ni Blake sa kanya na nagiging dahilan para matawa ako. Pero napansin kong parang hindi na gaanong tumatawa si Harry.
Mayamaya pa ay may tumawag sa cellphone nya kaya sinagot nya ito.
Nagpaalam na sya sa amin dahil pinapatawag na sya sa loob. Pero bago sya umalis ay hinalikan nya muna ang noo ko.
Kahit hindi sabihin sa akin ni Harry ay ramdam ko na may problema sya at hindi nya kayang sabihin sa akin.
Natapos na ang day off ko at balik trabaho na ako. Pero iniisip ko pa rin kung anong problema ang kinakaharap ni Harry. Bakit hindi nya kayang sabihin.
"Miss Sandro, I need all the files that I send you in your e-mail, print it and place it on my table asap." Utos ni Alapaap.
Tumango lang ako at ginawa yung mga iniutos nya. Lumilipad pa rin ang utak ko.
Umuwi na lahat ng mga empleyado at kami na lang ni Alapaap ang naiwan. Busy kasi sya kaya busy rin ako.
Nagpatimpla sya ng kape at nung iaabot ko sa kanya ito ay natapon na lang ito sa pantalon nya.
"The f*ck! What do you think your doing! Look what happened! The files!" Sigaw nya.
"Sorry po, sorry po." Nataranta naman ako kaya kaagad kong kinuha ang mga files.
"If you ever have a problem don't bring it until here! Or better be bring your consciousness back here in the office!" Galit na galit na sigaw ni boss.
"I'm very sorry."
"Look I am going to be straight forward here. If it weren't for my dad, I already fired you! You are so incompetent and to tell you the truth you are not even good enough to be my secretary! Look at here Bianca Sandro, I dont need a secretary that doesn't even know how to handle simple stuff such as being professional in the office! Now, get the h*ll out of here! Hindi ko kailangan ng mga bobo na katulad mo! Bulyaw ni boss.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...