Chapter 16: Wrong; courage

700 30 2
                                    

Wrong though; Huge courage



Sky P.O.V

Friday Morning (reverse muna natin yung time)

Takte naman talaga yang buwisit na babae na yan. Talagang sa school pa nya sabihin yun ah. Nagtago kasi kami ni Margaret ng makarinig kami ng boses. Yun pala si Bibingka ka lang at yung nerd na kaibigan nya.

Aba first time kong makita si Bibingka na kinikilig. Tsh! Ang landi pala ng babaeng yan ngayon ko lang nalaman. Pake ko ba!

Nagiba ang daloy ng dugo ko ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. Kasal! Eh kami lang naman ang naka arriange marriage dito ah. Nalintikan na! May gusto rin pala itong bruhildang ito sa akin. Akala ko pa naman na sya na mismo ang uurong sa putakteng kasal na yun. At alam nya rin pala ang plano ni dad na magbakasyon sa sabado! Buwisit!

Narinig naman ni Margaret ang usapan nila. Putek na putek! Umiiyak na sya! Nagpaalam din naman kasi ako sa kanya na aalis kami ng buong pamilya ko at yung bruhildang fiance ko sa sabado. Worse, alam nyang nandito sa school yung fiance ko.

Umiyak ang pinaka-mahal kong babae dahil kay Bibingka. Humanda talaga sa akin yang babaeng yun kung makita ko man sya. Akala mo kung sinong walang gusto yun pala halos mabaliw makita lang ako.


(AUTHOR: feeling din naman kasi si Sky.)

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko naman itong babaeng ito na may pipino at kamatis sa mukha. Aba! Nakuha pang magpaganda eh panget naman. Binuhusan ko sya ng isang balding tubig. Nakita ko na galit na galit sya. Ewan ko ba pero nag-eenjoy akong tignan sya kung galit na galit sya. Sadista na kung sadista.

Inaway ko sya, pero talagang amasona itong babaeng ito at hindi baba sa ring. Kaya naman tuloy pa rin ang galit ko sa kanya hanggang napaiyak na lang sya. Shiz! Ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak. Nataranta ako kaya wala na akong nasabi. Lagot ako kay dad kung nalaman nya to.

Kinagabihan dumating na si dad at kumakain kami ng dinner ng biglang magtanong si dad. Putek! Huwag kang magsusumbong Bibingka ka kundi lagot ka talaga sa akin. Hindi naman ako takot sa kanya pero ang kinatatakutan ko lang eh ang pag-move nya ng wedding date.

Buti na lang at hindi nagsalita itong babaeng ito.


Tumingin si dad kay River at sinuhulan naman nya ito ng EK. Oo nga pala nandito ang magaling kong kapatid na investigator. Sinabi naman ni River kay dad lahat. Grabe din itong kapatid ko eh no, biruin nyo papaano naman nya nalaman ang lahat ng yun. But one thing for sure, galit na si dad.

Pinatawag nya ako sa study room at kinausap. As usual pinag-sasabihan at tinakot na padadaliin ang kasal.

Pinatawag na rin nya yung bruhildang yun. Pagpasok nya pa lang ay kidlat kaagad ang panigin sa akin. Shiz! I hate that stupid woman!

Kinausap sya ni dad at kinukumbinsi syang patawarin ako, as if kailangan ko yun.

"Sir pasensya na po ah. Hindi ko rin naman po gusto si Alapaap eh. Sa katunayan po ay hindi po kami bagay sa isa't isa. Hindi ko naman po kasi sya mahal, baka mauwi din po kami sa hiwalayan sa bandang huli." Sabi nya. Ok ah parang gusto nyang iurong. May pakinabang ka naman pala bibingka. Pero laitin ba naman ako. "Tsaka ang sama po ng ugali nang anak nyo. Halimaw talaga na walang puso at walang kwenta. Maligno at demonyo kung tutuusin!"

Buwisit talaga!




Bianca P.O.V

Ano ba talaga problema nitong maligno na ito. Akala nya ba sya yung tinutukoy ko? Eh may labas naman talaga kami ni bebe Jake ha.

"Sir hindi po ako makakasama talaga bukas. Kung gusto nyo po eh susunod na lang po ako." Paki-usap ko. Gagawin ko ang lahat upang makasama lang si bebe Jake.

"Bianca malayo ang tagaytay at baka hindi mo alam kung papaano pumunta. Sige give me one reason kung bakit hindi ka makaka-Punta?" Sabi ni sir.

Ano ba yan? Ano ba ang magandang dahilan at para payagan nya ako. Gusto ko talagang makita si bebe Jake. Eh papaano kaya kung sabihin ko na lang ang totoo baka mabago pa ang isip nya at huwag ng ituloy ang kasal. Tama, sasabihin ko na lang.

"Sir alam nyo naman po na kayang gawin po ng isang tao ang lahat kung nag-mamahal sya." Sinabi ko. Biglang napatingin naman sa akin sir at si Alapaap ng seryoso. This is it Bianca. This is your one last shot to convince them.

"Oo... bakit Bianca?" Biglang naging seryoso si sir. Napatingin naman ako kay Alapaap at nakita ko na bigla syang kinabahan.

"Kasi sir... kasi po... Ano po..." nauutal ako. Natatakot ako kasi first time ko ito na magtapat. But I will do it in the name of love. "May gusto po ako sa isang lalake, matagal na po kaso wala po syang pake sa akin. Halos maging stalker na po ako at mabaliw kakaisip sa kanya para masulyapan nya lang po ako. Hangang sa lumipat po ako ng school ay ganun pa rin po sya sa akin. Masakit po iyon ha pero hindi po ako tumigil umasa." Napatigil ako sa pagkwento ko tapos nakita ko naman na maluha-luha si sir na kinikilig pa ata.

Napalingon ako kay Alapaap at nakita ko na sinesenyasan ako na itigil ko ang sasabihin ko. Anong pake nya ba? Kitang nagsesenti ako dito eh.

"Tapos..." -Sir Miguel.

"Yun po... nakita ko po sya sa mall na may kasamang ibang babae at kumirot yung puso ko. Ang sakit po ah sir. Pero po nung nakaraang mga lingo pagkatapos po nung play, sabado po yun. Pumunta po ako sa mall at nakita ko nanaman po sya na mag-isa. Nilunok ko po lahat ng pride sa mundo at gumamit po ng the moves at lumapit po sa kanya. Buti na lang po at mabait yun kahit bad boy. Nag-usap po kami at naging magkaibigan, nilibre nya po ako at nagkwentuhan po kami. Nag exchange din po kami ng cellphone number ni bebe Jake ko. Kaya nga po sana may date... ay este, lalabas po kami bukas. Kaya nga po ako nagpapaganda para sa kanya tapos itong malignong anak ninyo ay binuhusan ako ng isang baldeng tubig." Pagkwekwento ko with matching feelings pa yun oh.

Biglang tumawa naman si sir ng napakalakas. Tumingin sya sa akin at kay Alapaap. Nagulat naman ako sa ginawa ni sir kasi first time ko ring makita syang tumawa ng malakas.

Pagtingin ko naman kay Alapaap nakita ko na napangiti naman sya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero first ko rin naman kasi syang makita na ngumiti. Bakit kaya hindi na lang syang kasi ngumiti para mas magandang tignan.

Napatingin naman sya sa akin at sumimangot. Putek! Namamalikmata lang ba ako.

"Sige... sige... hahaha... pwede ka ng makipagdate sa lalaking yun, kay bebe Jake." Pagpayag ni sir.

"Talaga po sir! Thank you po!" Sa sobrang saya ko ay napatalon ako sa tuwa.

"Oo papasundo na lang kita sa papa mo bukas pagkatapos ng date ninyo para makasunod ka. Papayagan kitang makipagdate kay Jake pero hindi ibig sabihin noon ay ikakansel ko na ang kasal nyo ni Sky, maliwanag." Sinabi ni sir na seryoso ang mukha. Akala ko pa man din ay ikakansel na pero gagawan ko na lang ng sulusyon yun kung malapit na pero ngayon tuloy ang date namin ni bebe Jake my labs ko.

"By the way my dear Bianca, I will take Jake as your friend and not as your boy friend ok. He can be you MALE FRIEND, but not as in your boy friend. Kung malaman kong may relasyon kayo I don't have any choice but to put both of you ni Sky in the matrimony as soon as possible ok." Nakangiting sabi ni sir pero may malalim na meaning ang mga salita nya. Pag-eemphasize pa lang nya sa male friend ay nakakatakot na.

Pero for today I am really happy. Magpapaganda na lang ako ng bonga para mapansin ako ni bebe Jake my labs.

"Opo sir!" Tumango naman ako sa kanya.

Minsan pala nakakatakot din pala si sir akala ko kasi all fun father sya.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon