Chapter 26: Phobia

706 27 0
                                    

FEAR OF LIGHTNING AND THUNDER.




"Sabi ko nga lasing ka na, bingi!" Bulyaw ko sa kanya. Alam naman pala nya na lasing na sya tapos umiinom pa! Baliw talaga itong malignong ito.

Tumayo naman sya sa pag- aalalay ko. Grabe ang bigat nya ah! Pero payat naman sya?

Habang hinihiga ko sya sa kama nya ay bigla syang tumayo at tumakbo sa toilet nya. Sinundan ko rin sya at nakita ko na sumusuka sya. Kadiri ang baho! Lumabas ako ng tiolet. Sumunod naman sya at pinunasan nya ang bibig nya ng kamay nya. Yuck!

"Hoy Alapaap magbihis ka nga at ang baho mo!" Pagrereklamo ko. Aba siyempre kahit mahirap kami eh may kunting kaartehan pa din ako.

Lumabas ako ng kwarto nya at nagluto muna ng pagkain, nagugutom na rin kasi ako. Nagluto na lang ako ng favorite kong sinigang na bangus with matching shrimp pa yan ah and kangkong. Grabe nakakalaway talaga.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako para dalhan ng pagkain yung malignong halimaw. Oo alam ko na labag ito sa mga rules at regulation ko for Alapaap pero may puso pa rin ako. Nakabukas naman yung pinto nya. Hindi ko pala nasarado yung pinto kanina paglabas ko. Ano ba yan walang ilaw? Medyo madilim yung bandang kama ni Alapaap kaya naman nilapag ko muna yung tray sa sahig at hinanap yung switch.

Nasa tabi pala ng pintuan yung switch kaya. Pagbukas ko ng ilaw ay lumingon ako sa likod ko para gisingin yung tulog na halimaw. Pero biglang napatalon na lang ako ng makita kong walang pang-itaas na damit yung halimaw. Grabe nakatalikod sya pero yung mga muscles nya sa likod ay halata na nag pupunta sya sa gym. Bwisit naman itong lintik na pusong ito... bakit ang bilis tibok ng puso ko? Napatalikod ako at naramdaman kong tumaas ang dugo ko sa ulo.

"Hoy Alapaap! Gu...musing ka nga dyan at magbihis!" Sigaw ko na pautal-utal!

"Ahm..." Ungol nya.

"Tumayo ka na dyan at mag damit!" Grabe talaga ang bilis ng tibok na puso ko.

Nakaramdaman naman ako ng pagtayo. Pumunta ako sa table nya at nilapag nalang doon ang pagkain nya. Lumabas naman sya sa walk in closet nya.

Akala ko talaga na nakikinig sya pero pagharap ko ay naka boxer na lang ang walangjo. Napatalikod ako sa nakita ko. Sino naman ba kasi ang hindi mapapatalikod, may apat na mini pandesal na huhubugin pa at ang dibdib na magmamature pa. Seventeen pa lang sya ah... reminder ko sa inyo yan. Grabe ang makasalanan kong mata ay tinititigan na ang bigay na katawan ng lalaking ito. Wah!!!! Cheater ka na Biance! Papaano na si bebe Jake mo! Katawan yan ng lalaking kinaiinisan mo! Pero bakit nag-eenjoy ka!

Umupo naman si Alapaap sa higaan nya at nahiga pagkatapos. Pumunta ako sa tabi at bahagyang ginigising sya. Halos sa mukha nya lang ako nakatingin para maiwasan mapatingin sa bandang ibaba. Tumayo naman sya.

"Bakit ba ang ingay mong babae ka?" Iritang tanong nya.

"Kumain ka na dyan bago ka matulog. Sabi kasi mama kung ang isang lasing ay matutulog ng walang laman ang tiyan ay magkakasakit sya. Kaya kumain ka na at baka pagalitan pa ako ni Sir Miguel kung magkasakit ka. Diba sabi ni Sir Miguel bawal kang uminom kasi minor ka pa?" Oo nga no. Naalala ko na yung una syang uminom.... naging totong halimaw sya.

Napakapit ako sa katawan ko. Naku po sana nausawan na sya ngayon pang wala syang damit kundi boxer lang. Unti-unti akong lumabas ng kwarto nya. Teka aware ba sya na naka boxer lang sya?

Napatingin naman sya sa pagkain na dinala ko. Eto na ang chance ko para lumabas. Nasa pinto na ako nang marinig kong nagsalita sya.

"Wait!" Sigaw nya.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon