Chapter 29: Marriage contract

690 24 1
                                    

Marriage contract




Pinatawag kami ni Sir Miguel sa office nya, ako at si Alapaap. Meron daw syang sasabihin sa amin, ano kaya iyon? Umupo si Alapaap sa upuan at nanatiling nakatayo pa rin ako. Siyempre nahihiya pa rin ako.

"Bianca you may sit." Sabi ni sir Miguel.

"I called you guys here because I want to tell you that the both of you will be going for a date tomorrow." Nakangiting sabi ni Sir Miguel.

Napatayo naman si Alapaap sa upuan nya at nagulat naman ako sa sinabi ni Sir.

"Dad! I can't go out with this creature!" Pagrereklamo niya.

Teka lang, tinawag ba nya akong 'creature' ng halimaw na ito?

"Sir paumanhin po pero... hindi ko po masisikmura na makadate itong si halimaw na maligno na si Alapaap. Baka nga po masakmal pa ako nyan eh." Sabay irap sa kanya.

Napatingin sa amin si Sir Miguel at napabuntong hininga.

"Look, what's the problem between you two? Date lang ang gagawin nyo at wala ng iba. Besides isang taon na lang at i-aannounce ko na ang engagement nyo. Akala ko nga na wala na kayong pag-asa pero meron pa pala." Nakangising sabi ni Sir.

"And what do you mean by that, dad?" Maangas na tanong ni Alapaap.

"I never actually imagined that the both of you are going to be more compatible. I am fully aware that you hated each other and about the gay incident gave me an idea to make you Sky as a straight man with the help of Bianca. But then I found out the truth why you do not have any girlfriend for the past years. I never actually realised that you were hiding your relationship behind me Sky." Nag-iba naman ang tono ng pananalita ni sir. Para syang galit na hindi.

"Well, hindi ko na sana itutuloy yung engagement nyo dahil sa nalaman ko. Sino ba naman ako diba? Nang nalaman kong girlfriend mo si Margaret ay nagalit talaga ako pero puso mo yan kaya wala akong magagawa. Pero ipinilit ko pa rin dahil akala ko may gusto si Bianca sayo, but I was also wrong. The day Bianca ask me to go for her date with this Jake... persuade me to cancel the engagement. But in the end I found out that you two kiss and you did that Sky. Then you two slept, in your room that you never actually allow any person to enter. So I decided to continue the engagement." Pagpapaliwanag ni Sir Miguel.

"Dad! Please! Hindi ko mahal si Bibingka at hindi rin nya ako gusto. Hindi rin kami compatible na halos araw-araw ay nagaaway kami!" Pagrereklamo ni Alapaap.

"Sir ayaw ko man aminin pero sa lahat ng sinabi ni Alapaap ay ngayon lang ako sasangayon." Sabi ko naman.

Napatingin sa amin dalawa si Sir Miguel at tumayo. Kumuha sya ng isang folder at nilapag sa amin yun. Binuksan naman ni Alapaap yun, at nang tignan ko ay isang marriage contract at nakalagay doon ang pangalan namin.

Napatingin ako kay Alapaap at mukhang gulat din sya na medyo galit. Bakit kami may marriage contract? Kinuha ko yung folder at nilabas ko yung paper, nakita ko naman na may pirma na ni Alapaap yun at yung sa akin na lang ang wala.

Parang naging bato naman itong kagabi ko na halos hindi na gumagalaw.

"Sir marriage contract po ito namin ni Alapaap, pero bakit po meron na kayo nito eh hindi pa naman kami kasal?" Inosenteng tanong ko.

"Ah hindi yan ang ipapakita ko." Kinuha naman ni sir yung folder.

"Dad!" Biglang sigaw naman ni Alapaap na mukhang asar na asar sa kanyang ama.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon