Chapter 45: Bagyo

661 23 0
                                    

* PLEASE VOTE  *

Two days na kami dito sa Palawan. Halos nag eenjoy itong boss ko kasi naman pagkatapos ng mga meeting nya hindi mo na alam kung saan mahagilap. Samantalang ako eh nagmumukmok dito sa tabing dagat. Ngayon kasi ang anniversary namin ni Harry. Alam ko hindi sya masaya  ngayon kasi naman kinancel ko yung date namin. Pero babawi ako sa kanya. Bibilhan ko na lang sya ng souvenir.

Bukas naman na kami uuwi kaya konting tiis na lang ang titiisin ko kasama itong maligno na to. Papaano naman kasi bigla bigla na lang mawawala tapos kung saan saan sumusulpot.

Habang naglalakad ako may nakita akong souvenir na magugustuhan ni Harry kaya binili ko.

Kinabukasan uuwi na sana kami pero may bagyo daw na paparating kaya na cancel lahat ng flight. Bumalik kami dito sa hotel pero occupied na daw yung mga kwarto namin.

" Miss kaka checked out lang namin two hours ago, tapos may naka checked in na sa dati naming room?" Ang bilis naman kasi kaya magrereklamo ako.

"Sorry po ma'am pero dahil po kasi sa bagyo. Wala na po kaming ibang room na available. Pero meron po kaming economy room with two beds po." Sabi ni ateng cashier. Two beds pero one room! No way!

"Miss wala na bang iba?" Pagpupumilit ko. Kasi naman ayaw kong makasama itong halimaw na ito. Alam nyo naman na dalagang pilipina ako.

Dumating naman itong boss ko at pumayag na sa offer ng cashier. Napatingin naman ako sa kanya at medyo sinungitan. Lalake pa rin sya at babae ako, isapa kung hindi ko lang alam kung anong klase syang lalake eh do walang malisya, pero alam ko kasi eh.

Eto wala akong magawa, pumayag na rin ako tsaka magkahiwalay naman kama namin. Buwisit naman kasi itong bagyo na to eh.

Kaagad naman nahiga itong boss ko at natulog, palakas ng palakas na yung ulan at hangin. Biglang nag ring itong cellphone ko.

(Cellphone conversation)

"Babe ok ka lang ba dyan, sabi sa balita may bagyo daw dyan kaya naman nag-aalala ako sayo." Pagaalala ni Harry. Swerte ko talaga sa kanya.

"Oo babe eh... sorry cancel na naman date natin. Nahihiya ako sayo at ikaw pa nag aadjust ngayon." Maluha-luha kong sinasabi. Tulog naman si boss kaya ok lang ang umiyak.

"Babe ok lang basta safe ka. Babawi na lang tayo sa pagdating mo dito. Huwag ka ng umiyak, mas lalo akong nag aalala eh. Sige babe tinatawag ako ngayon sa OR, ingat ka ha. I love you." Sabi ni Harry.

"I love you too." Sabi ko. Tapos may narinig akong may tumawag sa kanyang babae. Kaya binaba nya na yung cellphone. Siguro pinapatawag na sya ng ibang mga nurse.  

Paglingon ko ay tulog na tulog itong boss ko. Ano kaya problema nya ngayon at parang pagod na pagod sya. Normally kasi nasa laptop naman sya. Pero ngayon halos walang pake kung saan sya matutulog. Mukhang pagod na pagod. 

Mamaya pa ay may kumatok sa pinto. Binigay nya sa amin yung pagkain namin. At sinabihan kami na mamayang gabi ay mawawalan kuryente dahil sa bagyo. Nagcharge na ako ng cellphone at power bank ko ganun din ang loptop ko. May ibinigay naman silang mga kit in case of emergency. May kandila din silang binigay. Wow... well prepared itong hotel na to.

Gumabi na at ibinigay naman na yung last na pagkain namin na part ng hotel. Pero tulog pa rin itong boss ko.

Ginigising ko sya pero laking gulat ko na lang ng napaka init nya. Inaapoy ng lagnat itong boss ko.

"Sir... nilalagnat po kayo!" Pagaalala ko sa kanya.

Namumula na ang mukha nya. Kaya pala hindi nagrereklamo at nagsasalita kasi may lagnat. Buti na lang at lagi akong may dalang gamot.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon