New love story
Bianca P.O.V
Ito na nga ba ang sinasabi ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa ginawa ng malignong katabi ko. Papaano naman kasi, hindi na nya ako pinababa sa may kanto na lagi kong binababaan at sabay na kami sa kotse. Gosh! What a mess!
"Huwag kang assuming dyan. I did what I did yesterday to stop all the nonsense fight going on. I'm getting tired of people who are spreading rumours about my name." Sabi ni Alapaap.
"Eh ano naman. At least hindi tayo pinagpipiestahan ngayon." Komento ko naman.
Nakakaasar talaga itong lalakeng ito. Ngayon, ang tahimik kong buhay ay nawasak sa pinag gagawa nya.
--------------------------------
Habang naglalakad ako sa hallway ay kapansin-pansin na pinagtitinginan pa rin ako.
Pumasok ako sa toilet para umiwas sa mga matang malisyosa.
"Totoo ba ang usap-usap na hinalikan ni Sky yung girl na nakipag date sa kanya?" -tanong ng isang babae.
"Oo at nandito daw sa school yung girl. In fact mag classmates pa daw sila, hindi naman daw kagandahan yung girl but Sky did kiss her. Hindi ko inakalang play boy pala ang Prince natin." -malungkot na sabi ng isang babae.
"Gaga, kung playboy sya eh di mas maganda, cool nga eh. Pero hindi daw basta-basta yung babae kasi yun daw yung fiance nya."
"Really?" Gulat na gulat na komento ng isa.
Patuloy na naguusap yung mga babae hanggang sa lumabas na lang sila. Kinakabahan talaga ako sa mga fans nung maligno yun.
Biglang naalala ko na lang si bestie, siguradong magagalit yun sa akin kasi naglihim ako sa kanya.
Lumabas ako ng toilet at dali-daling hinanap si bestie at nakita ko sya sa puno na dati naming tambayan. Lumapit ako sa kanya at mukhang nagtatampo.
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo. Gusto ko naman talagang sabihin pero natatakot ako eh. Please bestie bati na tayo." Pagmamakaawa ko.
Tinalikuran nya ako at nanatiling tahimik.
"Taliya bestie. Please bati na tayo." Pagpupumilit ko. Pero wala pa rin. Sigurado akong galit na galit sa akin ito.
"Please... Please." Pagmamakaawa ko
"Nakakaasar ka talaga kasi eh. Bakit sa iba ko pa malalaman na engaged ka na pala at worse sa kanya pa. Biruin mo buong akala ko eh ayaw mo sa kanya yun pala ikaw ang fiance? To think na EX BF sya ng friend natin at crush ko sya tapos ikaw fiance nya na soon to be asawa! Eh sino naman ang hindi magagalit!" Nakasimagot na sabi ni bestie. Sabi ko na nga ba eh.
"Sorry na. Hindi ko naman talaga sya gusto at sya rin din naman eh. Napilitan lang kami kasi sa dad nya na boss ng papa ko. Kulang na nga lang magsapakan kami pero wala pa rin eh. Para hindi matuloy." Pagpapaliwanag ko kay bestie mamaya iba pa isipin nya.
"Alam mo ang nakakainis? Eh yung best friend ko na pinag-sasabihin ko kung sino ang crush ko at pinagpapantasyahan ko ay mismong fiance nya pala!" Sigaw ni bestie kaya naman natahimik na ako. Oo crush nya si Alapaap, alam ko.
"Sorry na."
Napaharap naman si bestie at niyakap ako. Nginitian nya ako at alam kong ito ang signal na bati na kami. Salamat naman dahil hindi ko matitiis na hindi nya ako kibuin.
Nagkwentuhan kami at sinabi ko sa kanya lahat lahat. Hindi ko alam kung ano ang meron pero parang kinikilig pa sya. Eh wala naman akong kinekwento kung hindi yung mga pag-aaway namin ni Alapaap.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...