Chapter 51: New beginning

690 21 0
                                    


Bianca P.O.V



Bakit ang lambot ata ng kama ko? Pero sige lang ang bango naman at parang silky pa. Ano kayang fabric conditioner ang ginamit ni mama dito? Sana ganito na lang ang kama ko.

Ayaw ko pang buksan ang mga mata ko kasi naman parang puyat na puyat ako, tsaka wala naman trabaho ngayon.

Pero bakit ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang may thousand needle na tumutusok sa puso ko. Oo nga pala... Harry and I are over.


Naiyak na lang ako habang nakasobsob ang mga mukha ko sa isang unan. May tumutugtog ng piano, pero wala naman kaming piano. Siguro, binuksan nila mama yung radio.

Ang ganda ng tinutugtog nyang peice at nakakagaan ng pakiramdam. Biglang gumaan  kasi ang damdamin ko at bahagyang nakalimutan ko ang nangyari kahapon.

Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na hindi ko pala kwarto at kama ang tinutulugan ko. Gosh! Anong nangyari?

Isip isip Bainca... teka bakit naka t-shirt ako ng panglalaki. Gosh! Ano to!


Flashback! Flashback! Flashback!

...

...

...

?

one two three?

Sh*t! Bakit wala akong maalala!

Teka narinig ko sa mga office mate ko dati na masakit daw ang unang ano. Alam nyo na yun? Pero wala naman akong nararamdaman na masakit sa katawan maslalalo na sa ibabang bahagi ko. Ang masakit lang ay ang  ulo ko.

Tumayo na ako at hindi ako nagkakamali na kwarto ito ng lalake. Kasi naman Gray, black and white lang ang kulay ng kwarto. Saan kaya yung mga damit ko?

Binuksan ko yung pinto at nakita ko naman ang lalakeng ubod ng gwapo na tumutugtog ng piano na naka salamin.  Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko habang tinitiganan sya.

"Gising ka na pala?" Sambit ng lalake. Tinigil nya ang pagtugtog ng piano at tinanggal nya ang salamin nya.

Napaatras ako ng nakita ko na si Alapaap pala yung gwapo na tumutugtog... pero ungoy pala.

"Bakit ako nandito?" I asked.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at kumuha ng dalawang baso at nag buhos ng kape. Lumapit sya at ibinigay nya sa akin yung isa.

"Don't get it wrong. Gab saw you at the bar and you were dead drunk. He tried to phone Blake but he is not answering and he forced me to fetch you. So you ended up here." Pagpapaliwanang nya.

"Eh bakit hindi mo ako inuwi sa bahay namin?"

"I tried to bring you to my dad's house but instead he chased me out when he found out that you were with me and you are drunk. I even tried to asked him your address but he refuse to tell. I went to Blake's house and I found out that he is out of town and he forgot his phone. I had no choice but to bring you here at my condo." Pagpapaliwananag nya.

"Eh bakit hindi ko na suot damit ko? Oo nga Sino ang nagpalit sa akin.?" Ngayon ko naalala na hindi ko pala suot ang damit ko kundi t-shirt nya lang. Wait! T-shirt nya lang ibig sabihin wala akong suot na shorts.

Bigla akong napatakbo sa loob ng kwarto nya. Gosh lumabas pala ako ng kwarto na walang suot na salawal. Hindi ko mahanap ang damit ko kaya binuksan ko muna mga kabinet nya at nakakita ako ng shorts kaya sinuot ko to at lumabas.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon