CHAPTER 61: Jealousy

696 16 0
                                    

Salamat naman at walang sinabi si River sa kanila, kung hindi baka may ibang gawin na naman ang mga magulang namin na mahilig gumawa ng mga bagay-bagay na hindi naman dapat.

Umalis naman kaagad itong halimaw na ito, alam ko naman kung saan sya pupunta. Saan pa? Eh di doon sa kabit nya. Naku po! Wag ko lang sila talaga makita kung hindi baka ano pa magawa ko.

Pumasok na ako sa trabaho at may nagbubulong-bulungan sa buong opisina. Makitsimis nga muna para naman mawala itong asar ko. Teka nga, bakit ba ako naasar?

"Late ka na naman girl? Sayang at hindi mo nakita yung asawa ng boss mo. Talbog lahat ng miss universe. Naiintindihan ko na kung bakit nagpakasal si sir sa kanya. Wala tayong laban ate. Pero sa body size naman panalo ka pa rin naman hahahaha." Kumento ng bakla kong kaibigan na si Nancy, real name Nando. 

"Tumigil ka nga dyan Nando. Asawa kaagad? Sure ka ba na asawa nya yun mamaya kabit nya. Kilala naman natin yang halimaw na yan, BABAERO." asar kong kumento.

"Eto naman si girl galit kaagad. Tsaka, don't call me Nando it's Nancy. Sino pa ba ang hindi asawa eh hinalikan kaya nung girl si Sir sa harap namin. Oh my gosh, parang nahiya naman kasi itong si sir kaya hinila nya kaagad sa office nya. Grabe ha, ang tagal nila dun tapos lumabas naman sila at hangang ngayon wala pa."

"Ay buti na lang at wala ako dito at baka mamaya masuka ako. Yuck!"

"Ano ka ba! Napaka negga mo kay sir. Mabait na nga lang sayo si Sir tapos negga-negga mo pa. Bakit nagseselos ka?"

Biglang napaatras ako sa sinabi nya. Ako nagseselos? No way! Hindi ako magseselos sa mga pinag-gagawa nya. No in my freakin way na pagseselosan ko babae nya no way.

Niyaya ko na lang na mag trabaho si Nancy at baka mamaya saan pa mapunta to.

Umuwi naman ako sa bahay at biglang ng ring phone ko. Sinagot ko na lang.

"Hello"

"Hey Bianca, I'm not going home today." -caller

Teka nga, Sino ba itong tumatawag at nagpapaalam na hindi makakauwi. Eh unknown number naman.

"Kung sino ka man na hinayupak ka huwag mo nga akong ma prank call- prank call. Kung hindi ka makakauwi sa bahay nyo eh wag kang umuwi, wag kang mag paalam sa akin. Pagod ako at wala akong time na makipag biruan sayo. Kung gusto mo wag ka ng umuwi sa bahay nyo forever. Good bye."

Masungit na sagot ko. Sino naman kasi hindi maaasar, napaka bad mood ko tapos may mag praprank call pa.

Nag ring na naman yung phone.

"Bianca it's me... I'm just saying..."

"Hoy baliw na walang magawang matino sa buhay! Gagawin mo pa akong manghuhula para sabihin mong "ITS ME" malay ko ba kung sino ka. Nag research ka pa talaga para malaman yung name ko. Oh my gosh, fluttered naman ako, pero hoy unggoy may asawa akong mas baliw sayo, sya tawagan mo  malay mo magkaroon pa kayo ng history."

Binaba ko kaagad yung phone at nagbihis para matulog na. Maya-maya ay nag ring na naman yung phone. Sino ba kasi itong unknown number na ito at pinag iinit ulo ko.

"Hello please listen before you talk..." may medyo galit na sa boses nya. Aba sya pa may gana magtaas ng boses.

"Ikaw na naman unggoy! Bakit ba ang kulit mo ha! May worms ka ba sa puwit mo? Matutulog na ako tsaka ka tawag-ng tawag ang galing mo rin mangistorbo. Humanap ka ng peperwisyohin mo!"

"Just wait! Let me finish!"-caller

"Ano ba ha! kung magpapaalam ka na hindi ka uuwi eh di wag kang umuwi. Dyan ka na sa dumpsite kasama mo mga higad bagay naman kayo eh. Mga makakati!"

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon