Chapter 13: Arrival

694 25 0
                                    

Arrival

Sa sobrang saya ko sa mga nakalipas na mga araw, hindi ko na namalayan na lunes na pala. Shiz! Sabi ko na nga ba eh, na mayayari ako sa mga fans ng si malignong si Alapaap. May mga nagbubulong-bulungan sa paligid ko na para bang nakakaloko. Dumating na si bestie at masaya akong nakita sya. Nginitian nya ako at bahagyan tinukso kay Jake. Oo nga pala, friends na kami ni Jake.

Pumasok ako sa loob ng classroom namin at lahat naman sila ay nagsitinginan sa akin. Anong problema ng mga ito?

Lumapit naman si Denise sa akin at bigla akong sinampal.

"How dare you do that to Sky? Ang kapal naman talaga ng mukha mong halikan sya!" Nanggagalaiti nitong mga sinabi. Bakit kasalanan ko ba, eh sya ang pumatid sa akin.

Tumayo ako at tiningnan ko sya ng masama at sinampal din sya.

"Hoy bruha! Bakit kasalanan ko ba yun? Ikaw ang pumatid sa akin malamang tutumba ako. Hindi ka rin nagiisip no?" Pinandilatan ko sya ng mga mata.

Nangsasampalin nya ako uli biglang may humawak sa kamay nya. Biglang gulat naman namin na si Alapaap pala ang tumigil nun. Ala anong nakain nito? Ni hindi naman kami nagkikibuan at mas lalong hindi kami bati.

"Stop it the two of you! Ayaw kong banggitin nyo ang nangyari before mas-lalo pa today." Binaba nya ang kamay ni Densie at tumingin sa buong klase. Bakit may awra syang nakakatakot. Seryoso sya ngayon at galit. "All of you! Who ever dares to say a word what happened last friday afternoon is going to answer me." Pagbabanta nito. Humarap sya sa akin. "Specially you!"

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Napatitig ako sa mga mata nya at nakita na talagang seryoso sya. Anong nangyari?

Hindi ko alam kung kaba ba itong nararamdaman ko o takot. Hindi na sya yung Alapaap na kilala ko na always fooling around. He changed as if takot sya at hindi galit.

Nag ring ang bell at nagsi-upuan kami sa mga kanya-kanya naming upuan. Himala at walang late ngayon. Ano ba ang nangyayari sa mundo ngayong araw? Strange.

Pumasok si sir gwapo at nakatingin sa amin.

"Well we have a new student today. Hindi ko masasabi na new student but returnee. Will you all welcome your new classmate, Margaret Sandoval." Nagpalakpakan naman ang buong klase. Teka lang bakit ganito sila umasta eh bakit noon hindi man lang ako winelcome.

Pumasok naman ang isang babae na naka-uniform namin. Mahaba at medyo maypagkakulot ang buhok nya. Makinis ang balat at maputi, grabe ang ganda at parang super model talaga ang dating. Pero parang nakita ko na sya dati hindi ko lang alam kung saan.

Nagsalita sya at ipinakilala ang sarili, pati pananalita nya ay napakalambing.

Pina-upo sya ni sir sa unahan ko kaya parang may mga mata na sumusunod sa akin. Ano kaya ang meron?

Nag ring na ang bell kaya dali-dali akong lumabas ng classroom. Pumunta ako sa sa kanteen para bumili ng pagkain kasi nakalimutan kong magluto.

Nangpapunta na ako sa ilalim ng puno para magkita kami ni Taliya, biglang nahagip naman ng mata ko si Alapaap na may kausap sa loob ng lumang classroom. Wala akong paki-elam kung sino man ang kausap nya kaya umalis na lang ako.

Makalipas ang dalawang araw at humupa na rin ang mga tsismosa. Habang naglalakad ako sa hallway ay may narinig akong piano na tumutugtog at alam ko ang pyesa na yun. Nang lumingon ako, nakita ko sa bintana ng music room na tumutugtog si Margaret ng piano. Wow! Ang galing nya pero may mali sa pyesa na nilalaro nya. Gusto ko sanang pumasok at ituro yun sa kanya pero nakita ko si Alapaap na nakaupo sa gilid habang natutulog. Ang galing din naman nitong mokong na ito, ginawang music box yung tunog ng piano.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon