Chapter 52: Knowing her past

635 23 0
                                    

Harry P.O.V


Nandito ako ngayon sa obygyne kasama ang ina ng magiging anak ko na best friend ko rin. Attentive lang ako na pinapakinggan ang mga sinasabi ng doctor. Hanggang sa lumabas na kami ng hospital. Hinatid ko na rin sya sa bahay nila at pagkatapos noon at dumeretso sa bar nilulunod ko ang sarili sa alak para makalimutan ang kagagughan ko.

Mahal ko si Bianca at alam ko na mahal nya rin ako, pero papaano ko nagawang lokohin sya. She is so sweet and caring, wala akong nakita sa sakanya na ikagagalit ko. She always inform me about everything in her life at ano ang naging takbo ng buhay nya. She is perfect and that's why I wanted to be perfect like her. Kahit siguro kabataan nya at alam ko na para bang nandoon din ako nakasama sya.

I have a perfect plan for us. I will work myself up para makaipon at makabili ng singsing then I will ask her for marriage. Yun  talaga ang original plan kaya naman sobra akong nagtratrabaho for our future. I bought a small town house for us gamit din ang ipon at regalo ng mga kamaganak ko. They knew my plan and my parents are supporting me in this. I dreamed that we are going to get married and have at least three children living the house that is just bought. Happy life diba? Pero lahat ng yun ay naguho sa isang pagkakamali. Pagkakamali na idinamay ko pa ang best friend ko.

I am not blaming Rica because she was drunk that night and I was also drunk. We actually don't know what happened but nagising na lang kami na nasa loob Kami  ng isang kwarto, magkatabi sa kama na walang damit. Nagusap kami na kalimutan na ang lahat at nagkasundo na wala na sa amin yung nangyari. Akala ko ayos na pero after two weeks, she came and told me that she is pregnant with my child.

Nalaman to ng mga magulang namin at nagkasundo ng ipakasal kami pagkatapos manganak ni Rica. Sinabi din nila sa akin na dapat ipaalam ko na to kay Bianca pero hindi ko kaya na saktan sya. Binigyan ako ng panahon nila mama at papa na sabihin sa kanya. Ngayon halos madurog ang mundo ko na kalimutan na sya. Isang linggo na rin ang lumipas pagkatapos nun sinabi ko sa kanya.


Kinabukasan pinabili ako nila mama ng mga gamit ng bata. Maselan ang pagbubuntis ni Rica kasi naman hindi sya sanay dahil tomboy sya dati. Nakakatuwa nga kung nagrereklamo sya na ayaw nya daw magpalda. Habang naglalakad ako sa mall nakita ko naman si Taliya at si Blake. Akalain mo nga naman sinagot na rin ni Taliya so Blake. Katunayan habulin ng babae itong si Blake at napakayaman pa pero papaanong sila nagkakilala. 

Nilapitan ko sila upang batiin pero sinungitan ako no Taliya. Ano pa nga ba eh nasaktan ko ang best friend nya.

"Busy ka na pala sa mga gamit ng anak nyo ni Rica?" Sarkastikong bati ni Taliya.

Ano ba ang expectation mo sa best friend ng babaeng sinaktan at niloko mo?

"Maselan kasi si Rica kaya ako na ang bumibili." Sagot ko naman.

"Buti naman at pinanindigan mo at hindi no na ipinilit ang sarili mi kay bestie. Oo galit ako sayo pero mas magagalit ako sayo kung iiwan mo si Rica dahil sa kanya. Bianca is my friend and I am hurt of what you did, pero kilala ko si bestie kaya naman pinili nya na hiwalayan ka." She said.

Niyaya ko sila kumain para makipagusap at alamin na rin ang kalagayan ni Bianca. I do love her but I have now responsibilities.

"Harry anong feeling na alam mong magiging father ka na? From what you look? I guess you are excited." Tanong ni Blake.

"Oo na hindi. Pero masaya ako na magkakaroon na ako ng junior." Sagot ko.

"Is that so? Siguro dahil hindi si Bianca ang mother. Pero pakakasalan mo ba si Rica after she gave birth?" Paguusisa ni Blake.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon