My first dance
Nagmamadali akong pumunta sa garahe kasi ihahatid na ni papa sina River at si Alapaap. Pinasabay ako ni Sir Miguel na ihatid sa school ko since fiance naman daw ako ng anak nya. Well nung una ayaw ko kasi nandoon si Alapaap pero naisip ko rin na first time kong pumasok na naka kotse, dati kasi eh jeep at tricycle lang. Pero pumayag naman na ako para maranasan ko naman ang aircon na sasakyan.
Hinatid muna ni papa si River sa school nya. Wow. Iba talaga ang mayayaman. Grade 1 palang si River pero ang laki ng school nya at lahat ng mga bata eh hinahatid ng mga magagarang sasakyan.
Bumaba saglit si papa para ihatid si River sa classroom nya kaya kami na lang ni Alapaap ang nandito sa kotse. Napatingin ako sa salamin at nakita ko na nakapikit sya. Aba gwapo rin itong ungas na ito pero mas type ko si bebe Jake.
Inihatid muna namin si Alapaap sa school nya at laking gulat ko na lang na mas malaki pala ang school nito kesa kay River. Tapos mamaya pa ay parang meron nagrarally sa harapan ng school nila. Pero karamihan ay mga babae na nagtititili. Anong problema nila? Biglang nagising tuloy yung halimaw.
"Manong si River na lang po ang sunduin nyo mamaya." Sinabi nya kay papa. Tapos sabay hikab at tinakpan nya pa ang bunganga nya. Himala at hindi nya ako pinansin pero ok na rin yun.
Pagkalabas nya pa lang ay biglang pinalibutan sya ng mga babae. Pero may mga lalake din naman na humarang sa dadaanan nya. Hindi muna kami umalis doon sa gate hanggang magsialisan na sila.
"Papa ano yun?" Bigla akong napatanong.
"Ah yun ba. Halos araw araw yan anak. Sikat dito sa school nila si Sir Sky maslalo na sa mga babae." Sabi ni papa. Kaya pala parang may nag rarally kanina. Asus... saan naman nagwapuhan yung mga yun kay Alapaap. Sigurado bulag yung mga yon. SI SKY GWAPO?... I DOUBT IT.
Nang makarating kami sa gate ng school. Siyempre famous din ako since I arrived in the school with a luxurious car. Bongga!
Pati mga teacher eh napabilib sa akin.
Maraming mga classmates ko ang nagtanong sa aking tungkol sa sasakyan. Siyempre sinabi ko yung totoo na driver si papa at pumayag yung boss nya na ihatid ako sa school gamit ang sasakyan nila. Well siyempre pinuri naman ng ma'am ko yung boss ni papa na walang iba kundi si Sir Miguel. Talagang sobrang bait naman talaga ni sir, ewan ko ba kung saan nagmana yung dalawang magkapatid ng kasamaan. Hehehe. Mabait din naman si ma'am Deserei na asawa ni Sir, at ubod ng ganda.
Ang bilis talaga ng panahon at gragraduate na kami sa grade 9. Yehey! Grade 10 na kami. Siyempre parehas pa rin ang section walang pinagbago. Ganun pa din si friendship.
Pero aba... ang pinaka-aabangan ng lahat ay ang darating na prom. Pwede na kasing makisalo ang mga grade 10 sa event ng mga senior high.
Sa totoo lang ayaw kong sumali sa mga ganyan pero kung makakasayaw ko naman si Jake eh kahit mag-mukha akong clown ok lang. Sana bumulis ang panahon at mag prom na, hindi na ako makapaghintay.
Sabi nga ni bestie na desperada na ako. Pero sige lang, desperada na kung desperada pero hindi ako bibitaw sa dream kong makasayaw si my labs. Ako yata ang number 1 fan ni Jake my labs.
Namili ako ng damit ko, siyempre yung maganda para naman mahulog na sa akin si Jake. Crush ko na kasi sya mula pa nung grade 7 kami. Pinag-ipunan ko naman yung damit ko kasi sobrang mahal. Hindi namin kaya. Pero nabuo ko yun... iba talaga ang nagagawa kung in-love ang isang babae. Aishh!!! Kinikilig ako. Iniimagine ko pa lang na nahawakan nya yung balakang ko eh baka mahimatay pa ako.
Araw na ng prom.
Dumating naman si Taliya.
"Bestie... maganda ba ako sa damit ko?" Alam ko na ang sagot nya pero gusto ko pa rin marinig.
"Oo bestie... ang ganda ng damit mo." Sagot nya.
"Hindi ko tinatanong kung maganda yung damit. Maganda na ba ako? Bagay na ba kami ni Jake." Tinanong ko ulit.
"Hay... si Jake na lang ba talaga ang mukhang bibig mo?"
Alam naman na nya kung ano ang isasagot ko kaya hindi nya na ako tinanong uli. Grabe kasi ako magmahal... ay ganun, mahal kaagad. Oo patay na patay ako sa kanya lahat gagawin ko mapansin lang nya.
During the ball, lahat na ata ng babae eh pinipilahan sya kaya eto ako wala akong magawa kung hindi pumila lang. Hangang alas dose lang ang prom at eleven na kaya kinakabahan na ako baka hindi ako umabot. Huwag naman po sana. Kahit siguro five seconds lang.
Pero hindi ako susuko... iyon ang sinabi ko. Hinding hindi ako susuko.
At yun pumatak na ang alas dose ni hindi pa rin kami nagsasayaw. Destiny hates us. Aalis na sana ako pero eto pa rin ako na naghihintay. Dumating na si papa para sunduin ako. Hindi ko maiwassan ang mapaluha dahil hindi ako nakakuha ng chance na makasayaw sya. Bad trip. Bakit na lang ganun palagi?
Matatapos na uli ang taon na ito at magiging senior high school na kami. Pero wala pa rin akong nagagawa. Meron inihandang surprise farewell party si ma'am, pero wala na akong ganang makisali. Sabi nya ay magjojoint ang dalawang klase namin. Pero hindi ko masyadong narinig ang sinasabi nya.
Nagkaroon ng party sa loob ng klase namin.
"Bestie bakit ang lungkot mo? Hindi ka ba masaya dahil senior highschool na tayo sa pasukan?" Tanong ni Taliya.
Tinignan ko lang sya.
"Ano ba ang masaya doon? Ni hindi ko nga nagawa na makasayaw si Jake." Pagmumukmok ko. Oo na kung OA ako pero hindi nyo lang alam kung gaano ko inasam na makasayaw sya.
Napatingin sa akin si bestie at binatukan ako sa ulo. Masakit ah.
"Yan lang ba ang problema mo?" nagalit sya at tumaas ang boses nya.
Biglang tumayo si bestie at dumeretso sya kay ma'am. Ano kaya ang gagawin nito?
"Good morning sa inyo!" Ayun kinuha nya yung mic at nag MC. Ano kaya trip ni Taliya? Parang hindi siya si Taliya na kilala ko.
"Wow naman... sa tingin ko ang boring nitong party natin, pero since ito na ang last day natin maging middle highschool, kailangan magsaya tayo. Hindi ba!" Hirit nya. Bigla naman nabuhayan yung kiddy party namin. Kaya napatayo ako.
"May naisip akong game. Gusto nyo ba!"
Lahat ng estudyante eh nagsigawan ng OO.
"Okay sige ito naman na ang last natin magpakaloko eh sagadin na natin. Sige magpatugtog tayo dyan ng isang waltz. " Biglang may nag play ng isang waltz. "O ngayon lahat ng lalake puntahan nyo na ang mga babaeng gusto nyong isayaw. O walang KJ, may parusa ang KJ."
Lahat naman ng mga boys ay isinayaw ang mga girls na gusto nila. Tinignan ko kaagad si Jake pero hindi sya tumayo sa upuan nya.
"O bakit si Jake Florante, KJ? Diba sabi ko may parusa sang KJ. O pati din ang best friend ko na si Bianca KJ? Well since KJ silang dalawa eh kailangan nilang sumayaw ng sampong minuto, dapat sampu ah." Napatingin ang mga classmate namin sa aming dalawa. Nahihiya naman daw ako pero sa loob ko ni halos mag wala na ako sa saya. Nice one bestie. Gusto ko na ngang gumulong gulong sa saya.
Biglang tumayo naman si Jake at lumapit sa akin. Hiningi nya yung kamay ko. Gusto ko nang ibigay pati braso ko pero dapat wag pahalata. Nakakahiya naman. Kaya dahan-dahan kong ibinigay sa kanya yung kamay ko. Nung nahawakan nya na ako, nag sayaw na kami. Ipinatong ko na yung kamay ko sa balikat nya at sya naman sa baywang ko. Halos manginig ako sa tuwa ang galak na nadadama ko. Ang landi ko lang teh!
Thanks talaga Taliya, kahit isang buong taon kitang ilibre eh sige lang. Salamat talaga. Tinitigan nya ako sa mata, "Anong nakakatawa?" sabi ni Jake pero umiling lang ako. Hay naku po pwede nyo na po akong kunin ngayon. Parang lalabas na sa ribs ko yung puso ko.
Kung alam lang ni Jake ang nasa loob ko.
Sana ganito na lang kami for the rest of our lives.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Novela JuvenilNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...