Dilemma Date
Nandito kami ngayon sa mall, maraming tao at mga couples na nagdedate. Nakakaingit nga eh, kung si bebe Jake Lang siguro kasama ko eh di masaya ako pero si Alapaap itong kasama ko. Hay! :(
Pumunta kami sa isang mamahaling jewellery shop at pumili ng isang engagement ring. Hindi ko alam kung ano ang meron dito sa shop na ito pero feel ko tinitignan kami ng mga sales lady dito. Freaky!
"Sir ano po ang hinahanap nyo? Baka po may maitulong ako. " Pacute na sabi ni ate. Wow... nagpapacute, eh kanino?
"Do you have a ring that is worth of 100 thousand pesos?" Sagot naman ni Alapaap. Ang galing din naman nito eh no! Hindi na lang namili sa mga nakadisplay.
Nagulat naman yung isang babae at bahagyang pumunta sa loob at tinawag ang manager. Lumabas naman yung manager nila at inentertain sya habang pasulyap-sulyap ako sa mga ibang singsing. Mayamaya pa ay na bato ang mata ko sa isang singsing na napakasimple pero napakacute. Tinignan ko naman yung presyo pero laking gulat ko na lang na worth of lagpas sa 100 thousand ito. Wow ang mahal! Kaya napaurong na lang ako.
Lumapit naman yung babae.
"Good morning po ma'am... gusto nyo po ba ito?" Tinuro naman yung tinititigan ko. Kinuha nya ito at pinahawak sa akin. "Ma'am nag iisa lang po yan at naka promo po. Actually engagement ring po yan may pares po iyan." Kinuha naman nya yung pares nung singsing. Ang cute talaga! Sinuot ko ito sa akin at sakto lang. Kung si bebe Jake ang magsusuot nito ay hindi ako magrereklamo.
Tatanggalin ko na sana pero tumabi naman si Alapaap.
"Yan ba ang gusto mo?" Tanong naman nito habang naka tingin sa singsing.
"Sir magkasam po ba kayo?" Tanong naman ni ate. Pero itong bastos na halimaw na ito at tinignan lang sya.
"Kukunin namin yang singsing na yan. Hindi na kasi maalis sa daliri ng babaeng ito." Masungit na sabi nya. Kinuha ni Alapaap yung credit card nya at ibinigay iyon. Sinabi nya na rin yung resibo.
Sinuot na rin ni Alapaap yung singsing nya. Habang naglalakad kami, lagi ko na lang tinitignan yung daliri nya. Gosh! Bakit ganito ang nararamdaman ko! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Nakarating kami sa food court. Ang ganda na ng mood ko pero biglang naiba ng nakita ko si bebe Jake na kumakain at nakikipag kwentuhan sa isang haliparot na babae kaya hinila ko si Alapaap para magtago.
"Ano ba!" Sigaw nya.
"Shhh! Huwag kang maingay!" Tinuro ko kung nasaan si bebe Jake.
"I don't know those people, so I dont really care. Let... let go of me!" Pagrereklamo nya. Kasi naman hinawakan ko yung colar ng shirt nya.
Nakita ko naman na aalis na sila kaya tumayo ako at hinila ang kamay ni Alapaap para sundan sila. Reklamo ng reklamo si Alapaap pero patuloy pa rin ang hila ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng pupunta na sila sa loob ng sine. Kaya naman dali-dali akong tinignan kung anong palabas ang papanoorin nila. Nang makumpirma ko ay dumeretso ako sa counter.
"Ate dalawang ticket sa Spiderman: Home coming." Dali-dali ko naman sinabi baka kasi mawalan na kami ng upuan.
Pagkabigay ni ateng cashier ay bumili muna ng popcorn su Alapaap at dumeretso na kami sa loob. Nakita ko naman kung nasaan nakaupo si na bebe Jake at si higad. Buti na lang at free sit ang nakuha namin.
Habang ang mga ibang tao ay nanonood ng palabas, ako naman ay pinapanood ko naman si bebe Jake ko mamaya kasi biglang sakmalin pa ni higad si bebe Jake. Nang nakita ko naman na parang sasandal ang ulo ni higad ay kinuha ko naman yung popcorn at pasadyang binuhos sa kanya yun. Hahahaha evil plan complete. Nagsory naman daw ako kunwari, para hindi halata. Madilim naman kaya hindi ako makikilala ni bebe ko.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...