Chapter 23: Girl Talk

650 26 0
                                    

Girl talk.


Bianca P.O.V

Takot na takot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisigaw ko na ang pangalan nya. Please... kailangan ko ng tulong. Mamaya pa ay biglang tumigil kakahalik sa akin itong lasing na to at napalingon sa isang boses na natatandaan ko. Lumuwag na lang ang dibdib ko ng makita sya.

Sinugod ng tatlong lasing si Alapaap at nilabanan nya sila. Bigla na lang ako nag-alala ng makita kong napadapa sya at pinagsusuntok. Pero bumawi naman sya ng makakuha sya ng isang bakal na tubo at pinaghahampas sila. Nagsisitakbo naman yung mga lasing. Hahabulin nya pa sana pero natakot akong maiwan dito mag-isa kaya niyakap ko sya sa likod. Wala na akong pake-alam kung si Alapaap man yun... basta ayaw kong maiwan mag-isa.

Niyakap nya ako at pinapatahan. Bigla na lang akong napaluha at pagkatapos noon biglang nagdilim ang mga paningin ko.

..................

May naririnig akong boses... boses ng isang babae na umiiyak. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si mama na nasa tabi ko at si papa din. Tinawag ko sya. Napatingin naman sya sa akin at napangiti naman ito.

"Anak may masakit ba?" Halata ang mga mata ni mama na kanina pa sya umiiyak. Napalingon ako kay papa at nakita ko rin ang bakas ng mga luha sa kanyang mukha.

Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Sir Miguel. May bakas din sya ng mga luha sa kanyang mga mukha. Ngumiti naman sya.

"Kamusta kana Bianca? May masakit ba sayo?" Tanong nito.

"Ma, Pa, Sir Miguel ok na po ako. Huwag po kayong mag-alala, wala pong nangyari sa akin na masama kasi po dumating si Alapaap." Ayaw ko man aminin pero laking pasasalamat ko kay Alapaap sa pagtatangol niya sa akin.

"Buti na lang talaga at dumating si Sir Sky, kung hindi ano na ang nangyari sayo." Pag-aalalang sinabi ni mama.

Oo nga pala nasaan na sya.

"Sir nasaan na po sya? Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya." Sabi ko. Oo kahit enemies kami, magpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi dalawang beses na rin nya ako iniligatas sa buong araw na iyon.

"Umuwi na sya pagkatapos ng check-up nya. Alam mo naman yung batang yun takot na takot sa hospital. Pero ok naman na daw sya sabi ng doctor. Sinabi na nya rin ang nangyari sa buhok mo at bakit kayo napunta sa lugar na iyon. Sorry ha Bianca, dahil sa kanya bakit ka napunta sa ganoong klaseng sitwasyon. Hayaan mo parurusahan ko sya." Sabi ni Sir Miguel. Alam ko na sya lahat ang may kasalanan ng lahat pero sya pa rin ang nagligtas sa akin. Shems... kahit na anong mangyari sya pa rin ang maykasalanan noh!


Pinalabas na rin ako ng doktor.


Lumipas ang mga araw... bumalik kami ni Alapaap sa dating gawi namin, away-bati pa rin pero mas marami ang away. Magpapasalamat sana ako pero huwag na lang. I changed my mind.



Lagi na rin akong kinakausap ni Margaret at wala ng umaaway sa akin sa school. Anong nangyari? Hindi ako sanay sa ginagawa ng mga mahaharot at mayayabang na classmates ko. Nakakapangilabot.

Kumain kami ni bestie sa dating tambayan kasama si Margaret.

"By the way Bianca, I would like to thank you for helping me last time. I forgot to thank you back then. Salamat talaga." Ngumiti sya sa akin.

"Wala yun."

"Pero thank you talaga. If you didn't shout at him like that, maybe hindi pa kami magiging malaya at ipaalam sa lahat na ako ang girlfriend ni Sky." Masayang sabi ni Margaret. Biglang napatayo naman si bestie. AY! Nakalimutan ko na may gusto pala si bestie kay Alapaap.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon