Chapter 34: Nearly busted

652 30 0
                                    

Nearly busted

Bianca P.O.V

Nakalabas na rin ako sa hospital. Halos dalawang araw din ang pagka-confine ko dun. Kasi naman tuluyan na akong nagkasakit. Sinabi din nila mama at papa kung sino ang nagdala sa akin dito. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaction ko nang malaman ko na si Alapaap pala ang nagbuhat at nag dala sa akin dito. Na conscious tuloy ako sa timbang ko mamaya nabigatan sya sa akin.

Pumasok na rin ako sa school at nakita ko sya na nakikipag usap sa mga classmates namin. Well, lagi naman, dahil sya ang centre of attraction dito.

Napatingin ako kay Margaret at mukhang malalim ang iniisip. Pero bakit? Diba ok na sila ni Alapaap nag halikan pa nga eh.

Dumating naman na yung teacher namin.

"Good morning class. Well may announcement ako para sa inyo. May good news at bad news tayo ngayon. Ano ang gusto nyong marinig?" -male teacher.

"Sir yung good news muna." -Blake.

"Well two of our top students are going to a competition and those students were choosen from this class, which is Sky Avulante and Bianca Sandro." -Sir

Napatingin ako kay Alapaap at parang walang pakealam sa narinig nya pero na excite ako. I love competitions kasi.

"Sir hindi naman good news yan... sige na sir yung bad news na." -one classmate

"And the bad news is malapit na ang closing day then it means hindi na ako ang advisor nyo sa grade 12 ninyo." -Sir.

Nagsitayuan naman ang mga classmates ko at nagpalakpakan. Grabe, hindi man lang nila ginalang yung teacher na nasa harapan. Well kelan naman ba kasi nila ginalang yung mga teachers namin.

Oo nga pala malapit na akong maging grade 12, ilang buwan na lang. Pero bakit may competition ngayong malapit na ang closing?

Pinatawag ako ni Sir sa office nya at nakita ko naman na nandoon na si Alapaap. Nawala na yung sakit na naramdaman ko dati. Umupo ako sa upuan.

"Nasabi ko naman na sa inyo na kayo ang pupunta sa competition. You will work as a team. Sky as the first player and Bianca is the supporting player." -Sir.

"Sir bakit supporting player lang ako?" Pagrereklamo ko. Nasanay kasi ako na ako ang first player.

"Mas mataas kasi ang average ni Sky, Biance." -Sir.

"98 po ang average ko. Eh mas mataas naman po yun diba." Tinignan ko si Alapaap at inirapan.

"Yes but he has a 100% average. He get everything right and there is no mistake in his exams, quizzes and other activities." - Sir.

Lumaki ang mga mata ko ng narinig ko ang sinabi ni Sir. Kelan pa naging matalino itong si halimaw? Hindi ko nga sya nakikita na nag-aaral tapos 100%. Impossible naman ata yun.

"Sir it is about quiz bee right? Well I got it so can I leave now?" Pagpapaalam nya. Aba kung makaasta parang alam nya na ang gagawin nya.

Quiz bee na at kinakabahan ako kasi ng yayayain ko si Alapaap para mag review eh lagi na lang tulog. Naku po mamaya wala syang maisagot.

Nagtanong na ang mga judges at laking gulat ko na alam nya ang sagot at para bang bored na bored pa sya. Halos lahat ng sagot nya ay tama, at wala ba sa vocabulary nya ang word na matalo?

Natapos na ang quiz be at nanalo kami. Gusto kaming ilibre ni Sir pero ayaw ni Alapaap pero ako gusto ko. Sumama ako kay sir at walang nagawa yung halimaw na maligno kung hindi sumama sa amin.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon