FIRST DAY OF SCHOOL.
Dumeretso ako sa principal's office para magpakita bago ako pumasok sa classroom ko. Isang matandang lalake ang principal at mukhang masungit. Kung hindi ako nagkakamali siguro ay nasa sixty na sya.
"Good morning iha, I am Gregorio Del Rosa, your principal... welcome in Domino High school. Highly recommended ka ni Sir Miguel Avulante. Seeing your previous grades I can say that you are a clever girl. I am looking forward for your contribution in our school. Sir Miguel Avulante also said that you are the fiance of his son, Sky Avulante whom also is well respected in our school for scoring hundred percent in each and every academics and sport. In my own opinion, two geniuses people is a perfect match."
"Thank you sir for all the comments. I might as well to ask a favor. Kung pwede po sana na walang makakaalam na fiance ako ni Alapa---, what I mean is ni Mr. Avulante." Muntik na ako doon buti na lang matalino ako. Tumango naman ang principal namin.
Sinundo na ako ng teacher ko. Wow... he is so gorgeous parang si Jake my labs. Namimiss ko tuloy si bebe. Habang naglalakad kami sa corridor napatingin ako sa paligid at namangha ako sa sobrang gara ng mga bagay doon.
Maya-Maya pa ay bigla akong nabangga sa isang pader dahil hindi ako nakatingin sa dinadaan ko. Ano ba ayan epic fail naman. Buti na lang wala nang iba pang nakakita kundi si Sir lang.
Pagpasok ko sa loob ng classroom eh may napansin akong nagkukumpulan sa isang sulok. Pina-upo na ni Sir yung mga studyante nya. Nang laki ang mata ko ng nakita ko si Alapaap sa isang sulok kasama yung mga kaibigan nya. Nang laki din ang mga mata nito.
"Ok class we have a new student." Humarap sa akin si sir. "Please kindly introduce yourself."
"Hi my name is Bianca Sandro and I am sixteen years old." Pagpapakilala ko.
"Well... isa syang skolar from Avulante group of companies. So be nice to her."
Habang nag-tuturo si sir ay nakatingin lang ako sa labas. Tulala ako at tinitignan yung ground. Ibang mundo itong pinasukan ko at sa tingin ko ay hindi ako bagay dito.
Tumunog yung bell at lahat ng mga estudyante ay kanya-kanyang naglabas ng mga baunan. kaya pala hindi na nagbabaon itong si Alapaap dahil marami syang pagkain na naghihintay lang sa kanya.
Break time namin kaya naman nagpasya akong maglibot. Actually, escape plan ko yun since ayaw kong makasalumuha si Alapaap baka ano pa ang gawin sa akin noon. Sa likod ng isang lumang building may isang parang isolated classroom na nandoon. Ano ba 'to? Para bang haunted house kung saan maraming estudyanteng nagpapakamatay? Joke lang.
Lalapitan ko sana pero may aso na biglang tumahol sa akin. Sa sobrang gulat ko ay nagtatakbo ako papaalis doon sakto naman na may nabangga ako. Ano ba yan kamalas ko talaga ngayong araw na ito, pangalawa na nabangga ako ha. Hindi ko pala nasabi na natumba ako. Haist!
Well, na blanko yung utak ko pagkabagsak ko pero kilala ko yung amoy na yun. Something familiar ang nakabanggaan ko. Nang pagdilat ko ng mga mata ko ay tama nga ang ilong ko. Napaluha na lang ako ng nakita ko si bestie. Hindi ko alam ng dito pala sya magtratransfer. Sobrang tuwa namin dahil magkasama na kami ulit kaya sabay na kaming kumain.
"Buti na lang at dito ka rin pala nagtransfer, akala ko mag-isa na lang ako."
"Dito kasi napili ng nag-sponsor sa akin ako pag-aralin, gustong-gusto naman nila papa at mama kaya pinili ko na rin. Well, once in a life time lang to kaya sinunggaban ko na." Paliwanag ni Taliya. Masayang masaya ako dahil ngayon ay hindi na ako mag-isa dito sa school. At least, nandito na si bestie.
"Ikaw pala bakit ka nandito?"
"May nag-sponsor din sa akin dito kaya dito na rin ako nag-aral. Gusto rin nila mama at papa kaya wala akong magagawa. Akala ko nga ay talagang mag-isa na lang ako dito pero buti na lang at salamat na nandito ka na. Friends pa rin tayo."
Kumain na kami ng sabay ni Taliya. Sabay na rin kami pumasok pero laking gulat ko na lang na nasa section two si Taliya. Sya ang salutatorian namin sa school pero bakit nasa section two sya?
"Hoy... Bianca dyan ka pala sa section one. Congrats. Balita ko eh talagang mga valedictorian lang ang mga nakakapasok dyan at mga sobrang yaman. Pero nakita mo na ba si Sky Avulante? Grabe ang gwapo nya at ang talino. Biruin mo sya ang naka one hundred percent sa test natin. Sya rin ang student council president. Good in acadamics, good in sports and also good looking genius. Classmate mo sya." Kinikilig nyang sinasabi. First time kong makita si Taliya na kiligin ng ganyan. Ang weird talaga ng taste ng best friend ko. Akalain nyo yun, kinikilig ng dahil kay Alapaap. OO nga pala, hindi kilala ni bestie kung sino talga yung fiance ko. Nagpanggap na lang ako na walang narinig.
"Hoy bestie ano ba!"
"Sorry bes ah... hindi ako nagwagwapuhan sa Sky na yan. Ang sa tingin ko nga ay bakla ang taong iyon kaya ayaw ko." Pagpapanggap ko.
"Grabe ka naman kung maka-bakla! Pero alam mo komportable ako kasi alam kong hindi mo sya gugustuhin kasi meron ka nang Jake Florante." Biro nya. Kung alam mo lang Taliya ang totoo, kung alam nya lang.
"OO talaga... walang hihigit kay bebe Jake my labs ko. Ayan tuloy napapaluha na ako ngayon wala ng bebe Jake na susundan ko kapag break time. Hirap ng ganito best hindi ko nakikita yung taong mahal ko?" What! Did I just say mahal ko? Mahal ko na nga ba si Jake Florante?
Hindi ako makatulog kakaisip sa kanya, lagi akong tulala kapag iniisip sya, halos mabaliw ako kapag kakausapin nya ako at masakit sa kalooban kong nakikita sya na may kasama syang iba. Is this thing called love. Oh my gosh! Inlababo na ba ako kay bebe kahit hindi pa kami?
Pagpasok ko sa classroom, wala pa yung mga classmates ko. Ano ang meron bakit wala pa rin sila. Maya-maya pa ay dumating ang math teacher namin. Isang matandang lalake ang math teacher namin. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit wala pa sila dito. Well, who cares mas maganda nga iyon para mas tahimik.
Nag-turo na si sir, magpapaquiz daw sya mamaya at irerecord nya daw. Papaano yun wala pa yung mga iba. Pagkatapos niyang mag lecture eh nagsidatingan naman itong mga magagaling kong classmates. Nahuling pumasok si Alapaap at friends. Siguro sila ang pasimuno ng cutting class.
Nagbigay si sir ng mga questions, buti na lang at nakinig ako kanina. Tsinek na ni sir yung mga quiz namin at sinabi nya rin ang mga nakuha namin. Grabe first day pa lang may quiz na.
Karamihan ng mga tinawag ni Sir ay nakakuha ng 1 out of 20. Nagtatawanan sila na para bang biro lang. Hoy... 1 lang ang nakuha nyo tapos masaya na kayo? Tapos sinabi na rin ni Sir yung mga nakuha ng friends ni Alapaap. Kokonti lang ang nakakuha ng mga average score at sa tingin ko ay sila rin ang mga scholar dito sa school kagaya namin ni Taliya.
"Rafael got 12, Rose got 12, Vivian got 13, Blake got 14, Gab got 15, Ane Got 17 and Feliciti Got 18."
Teka lang hindi pa sinasabi ni sir ang nakuha ko at ni Alapaap. Bagsak ba kami? Impossible yun, siguro kung si Alapaap ay posible pa. But me, I don't think so.
"Well asual si Mr. Avulante got again a perfect score and our new student na si..." tiningnan ako si sir.
"Bianca Sandro sir." Pagpapakilala ko.
"At si miss Sandro got a perfect score for our very first quiz. Well, now we have two perfect scorer in this class." Napatingin sa akin ang mga classmates ko. Sabay naman na nag ring yung bell kaya lumabas na si sir ng room.
Hindi ko alam kung ako lang ba o itong mga classmates ko ay nagbubulong-bulungan habang tinitignan ako. May nagawa ba akong mali sa kanila? Maya-maya pa ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ang likod ko. Paglingon ko ay si Gab pala at si Blake.
"Good job in your first day Bianca. You got a perfect score. Bagay nga talaga kayo ni Sky." Sabi nito.
Anak ng... bakit nya sinabi yun, nandito pa man din kami sa classroom. Gulo ito kung mangyari. Sana naman ay hindi nila seryosohin.
Nagsitayuan ang mga babae at kinuyog ako.
Oh gosh... ito na nga ba ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...