Ballroom dance
Isaang buwan na akong nagaaral dito sa Domino high school at ni isang tao ay wala pang kumaka-usap sa akin maliban kay bestie. Mas mabuti na rin iyon para mas tahimik ang buhay. Pero isang buwan na rin kaming nagtatapat sa grade ni Alapaap. Nasurprise nga ako na may utak pala si Alapaap akala ko kasi puro hangin lang. Nakakaasar dahil lagi na lang syang perfect sa lahat ng tests at quizzes namin eh hindi naman nagrereview. Lamang lang sa akin yan ng points dahil sa P.E. wala kasi akong hilig sa sports eh. Well isang buwan na rin kong hindi nakikita si bebe Jake ko.
Well... bumaliktad na rin ang mundo. Noon ako ang sinasamahan ni bestie para kay Jake my labs ko pero ngayon ako naman ang sumasama sa kanya para icheer si Alapaap. Kadiri nga eh pero anong magagawa ko kung crush nya si Alapaap na fiance ko. My best friend is heads over heels over to my fiance. Weird. Pero yung ang nangyayari.
Buti na lang at hindi ako pinapahirapan ni Alapaap, aba may isang salita pala sya, nangako kasi sya sa dad nya na hindi ako mabubully dito.
Sky P.O.V
Akala siguro ni bibingka na hindi ko na sya papahirapan, yun ang akala nya. Binigyan ko lang sya ng one month peace treaty para malasap naman nya ang buhay studyante. Pero ngayon tapos na ang buwan na yun at oras na para pahirapan sya. She should say goodbye to her peaceful days.
Bianca P.O.V
May P.E kami ngayon at ballroom dancing ang gagawin namin. Sino kaya nag magiging partner ko? Please naman po huwag si Alapaap kahit sino na huwag lang sya. Magaling akong sumayaw pero kung sya naman ang partner ko sisiguraduhin kong tatapakan ko ang paa nya.
Tinawag na ni ma'am ang mga partners, pero bakit ganun, gustong-gusto talaga kami ng tadhana eh hindi naman kami ment to be.
Oo we ended up being partners and this is the start of war. Nagkatinginan kami ni Alapaap at ayun nga sumiklab na nag world war 3.
Tinapak-tapakan ko ang paa nya, walang mintis yun ah. Napatingin na lang sya sa akin tapos biglang nanglaki ang mga ito. Ay... galit.
Siyempre tinapakan nya rin ang paa ko. Ay... gumaganti ang loko. Ang dapat na ballroom namin ay naging tapakan ng paa. Sana naman po sa bigat ni Alapaap eh hindi mapano yung daliri ko. Huwag naman po sana.
Natapos din ang kalbaryong P.E kaya dumeretso na ako sa toilet para magbihis. Habang nagbibihis ako ay may mga babaeng naguusap.
"Nakita nyo ba yun kanina? How dare that new girl step on Sky's foot? Nakakaasar talaga. Napaka-feeling." -kumento ng isang babae.
"I saw... halos mamaga na nga ang paa ni Sky dahil sa kakatapak nya. Akala ko nung una eh clumsy lang talaga sya pero I think na sinasadya nya yun. Ang bait-bait ni Sky para hindi magreklamo pero I will not accept it. Kala mo kung sino... hindi naman maganda. Matalino pero akala mo kung sino. To think na sponsorship sya ng dad ni Sky tapos ganun ang gagawin nya. The nerve diba!" Naasar na kumento ng isa. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya. Tama ang sinasabi nila. For the past week's eh hindi ako ginawaan ng masama ni Sky pero tinapakan ko pa rin ang mga paa nya kanina.
"You know what girls, I think that girl deserve a revenge. Tahimik ang buhay nya sa school dahil hindi sya pinapatulan ni Sky pero I think this time she will not scape. Now that she angered Sky." Sinabi ng isa.
Umalis na rin sila pagkatapos nilang magusap. Nakabihis na rin ako. Lahat ng sinabi nila ay totoo, ako talaga ang may kasalanan.
Pagbalik ko sa classroom, nakatingin sa akin lahat ng classmates ko. Alam kong ang ginawa ko kanina ay immature.
Break na namin kaya pumunta ako sa kanteen. May sakit si Taliya kaya naman hindi sya pumasok sa school. Habang kumakain ako biglang may umupo sa tabi ko ang binuhusan nya ng toyo yung buong pagkain ko. Tapos umalis sya.
Ano yun? Napuno ng toyo ang pinggan ko. Hinayaan ko na lang at umalis sa kanteen. Bumili na lang ako ng tinapay at doon ko kinain sa tabi ng puno.
Habang kumakain ako may biglang patak na lang ng luha ang naramdaman ko sa pisngi ko. First time ko kasing makaramdam ng ganun.Napahiya ako dahil din iyon sa kasalanan ko kaya walang dapat sisihin.
Pagbalik ko sa classroom ay wala na ang upuan ko kaya hinanap ko ito at nakita ko sya sa loob ng toilet. Ano ba ang nangyayari? Dahil ba ito sa pagtapak ko sa paa ni Alapaap?
Habang naglalakad ako sa koridor papunta sa classroom namin may mga babaeng humarang sa akin at pinatid ako. Natumba ako at nasagi yung kamay ko sa handle ng upuan ko. Parang kinalmot ako ng pusa. Grabe ang sakit. Tatlong babae iyon at parang nabobosesan ko sila. Alam ko na narinig ko na yung mga boses nila, tama siguro sila yung mga babaeng narinig ko na naguusap sa toilet.
"Hoy subukan mo uling tapakan ang paa ni Sky hindi lang yan ang aabutin mo. Tandaan mo yan!" Banta ng pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Para syang isang model. Makinis ang kutis nya at matangkad.
"Hindi ko naman sinasadya. Hindi lang talaga ako magaling sumigaw." Pagsisinungaling ko. Sana hindi ako parusahan dito sa kasalanan ko.
"Kahit hindi mo sinasadya wala kaming pake-elam dahil nasaktan mo na sya! Pero sige dahil bago ka pagbibigyan ka namin. Sky is a sky for us in this school kaya wala dapat makasakit sa kanya. Actually mabait pa nga kami kasi hindi namin sinabi ito sa ibang fans nya kasi kung sinabi namin sa kanila mas malala pa ang aabutin mo."
Grabe naman itong mga ito kung maka-proteckta kay Alapaap parang sila yung girlfriend nya ha.
Umalis na sila at naiwan naman ako doon. Hay! Ano ba yan? Well... kasalanan ko naman talaga dahil ako yung nauna.
Lumipas ang ilang oras at uwian na. Gusto ko na sanang umuwi pero nagmatigas si papa na hintayin ko daw si Alapaap para sabay na daw kami. Pero nakauwi na ang lahat ng estudyante pero hindi pa rin lumalabas itong Alapaap na ito. Peste ang dami ko pa namang gagawin. Pumunta ako sa student council pare i-check sya doon at ayun nanonood lang pala ng Spiderman: Homecoming.
"Hoy... Alapaap tama na yan hinihintay tayo ni papa. Sa bahay nyo na lang yan panoorin." Sabi ko. Hoy infernes hindi ako galit nung sinasabi yun.
"Just wait."
Just wait... just wait mo mukha mo, yun lang ang alam nyang sabihin, halos ilang oras din akong naghihintay dito tapos just wait.
"Hoy Alapaap! Tara na naghihintay si papa."
"After this movie."
Anong after this movie eh nasa gitna pa lang sya ng movie. Meron naman syang tv sa kwarto nya bakit ayaw nya doon manood? Tsaka si papa hindi pa ata kumakain.
"Alapaap tama na yan. Sa bahay nyo na lang ikaw manood. Maskumportable ka pa doon kesa dito." Pagmamaktol ko. Bakit ba kasi sya nanonood dito?
Maya-maya pa ay pinuntahan ko yung likod ng tv at hinila ko yung chord.
"What's your problem!" Nagalit ito. Siyempre sino naman hindi magagalit pagkatapos kong patayin yung pinapanood nya.
"Diba sabi ko na aalis na tayo. Tsaka pwede mo naman yan panoorin sa bahay nyo bakit dito mo pa pinapanood!"
"Wala kang pake-elam." Napatigil sya tapos kinuha nya yung bag nya. "Alam mo kung ako sayo mag-iingat na ako kasi yang sugat mo dyan sa kamay mo ay wala pa sa kalingkingan ng mararanasan mo. I gave you one month peace treaty pero that peace is about to end." Banta nya.
Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya.
"Yung toyo kanina sa kanteen ay kulang pa."
Ah ganun... sya pala ang nagpagawa nun na buhusan yung pagkain ko ng toyo. Ganun pala... may papeace-treaty, peace treaty pa syang nalalaman dyan. Akala nya siguro na uurungan ko sya. Nek-nek nya. Handa na ako.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...