Chapter 19: Breakfast

690 28 3
                                    

Breakfast

SKY P.O.V

Nagising ako na nakahiga sa sahig. Oww ang sakit ng ulo ko, hindi ko na alam kung papaano ako nakarating dito sa kwarto. Ang naaalala ko lang ay naguusap kami ni Bibingka ng walang away sa may pampang. Tapos uminom ako ng tubig kasi nauuhaw ako, pagkatapos noon wala na akong maalala. Matanong nga mamaya sa kanya kasi sobrang sakit ng ulo ko mamaya hinampas pala nya itong ulo ko. Time check 10:50, wow late na ako nagising.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sila na kumakain, tinawag ako ng nanay ni Bibingka (Sorry nakalimutan ko pangalan nya edit ko na lang kung maalala ko). Umupo naman ako sa tabi ng kapatid ko, nag good morning si River sa akin pati na rin si Gloria. Napatingin ako kay dad at sa papa ni Bibingka, halos hilutin nila ang ulo nila. Masakit din ba ang ulo nila? Yan kasi iinom-inom ng marami hindi naman pala kaya.

Napansin ko na wala pa si Bibingka at matanong sana sya. Well peace treaty naman daw kami ngayon kaya siguro ok din na minsan na hindi kami mag-away. Tsaka rest assured na ako na hindi matutuloy itong engagement since may gusto syang iba. Ipagpatuloy sana nya.

Habang kumakain kami, biglang hinilot ng nanay ni Bibingka ang ulo ng tatay nya. Napatingin si dad, siyempre naiinggit kasi wala sa mundo si mama na pwedeng gumawa sa kanya. Pumunta naman sa tabi ni dad si River at hinilot nya rin ang ulo nito, ang sweet ng kapatid ko no. Ngumiti na lang si dad at hinawakan ang kamay ni River.

Bigla naman sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko bakit ba kasi sumasakit ito. Ang alam ko may ininom kong tubig kahapon na nasa bote... teka tubig ba kaya iyon?

"Gloria nasaan ang magaling mong ate? May gusto sana akong tanungin sa kanya?" Napatanong ako habang nilalagyan ng butter at strawberry jam ang tinapay ko.

Hindi ko alam pero biglang tumahimik.

"Natutulog pa po kuya." Sagot naman nya.

Maya-maya ay nagsalita na si dad.

"Aba anong nangyari at hinahanap mo ngayon si Bianca anak? Ito ata ang unang pagkakataon na hinanap mo sya. May sakit ka ba?"

"I have a headache." Sinabi ko ng wala ng pake-alam.

"And? Is that only your headache?" Pagpupumilit ni dad.

"Sya lang naman kasi ang kasama ko kagabi dyan sa labas habang nag lilinis sya. Hindi ko nga alam kung papaano ako nakabalik sa kwarto ko pero hindi ko maalala ang lahat. Nag-usap lang kami. Therefore I want to ask her, maybe she knows what happened? Don't worry we will not going to fight, we have peace treaty for today." Pagpapaliwanang ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng mali. Napatingin ako sa kanila at nakaharap sila sa akin na para bang nagulat.

Maya-maya pa ay lumabas ng kwarto yung babaeng hinahanap ko.

Bianca P.O.V

Pagkagising ko ay dumeretso na ako sa kusina at nakita ko silang lahat doon. Nakaupo na rin itong si Alapaap. Ang sakit din kasi ng ulo ko pagkatapos kong tunggain ang isang bote ng alak. Diba valid pa ang peace treaty kaya siguro magiging peace din ang morning ko.

"Morning anak." Bati sa akin ni mama.

Umupo ako sa upuan na bakante at tapat yun ni Alapaap.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Gloria.

"Masakit kasi ulo ko. Tinungga ko kasi yung isang bote ng beer na natira kagabi eh para makatulog." Sagot ko. Napatingin naman si mama at bahagyang nagalit. Talaga naman kasing magagalit yun. Minor pa lang ako tapos umiinom na ng beer. Teka bakit naman ako uminom ng beer?

Napatingin ako kay Alapaap na kumakain ng tinapay. Napatingin ako sa labi nya na may nakapahid ng strawberry jam.

Nagflashback ang nangyari kagabi. Oo nga pala! Itong buwisit na Alapaap ang may kasalanan.

Napaturo ako sa kanya at napasigaw.

"Babaliin ko na yung peace treaty! Ikaw! Ikaw ang may kasalana!"

Bigla syang napatayo. "Bakit ako! Ikaw nga itong lasing gera dyan tapos ako sinisisi mo. Siguro ikaw may dahilan kung bakit masakit ulo ko at nakahiga ako sa sahig!"

"Ako pa ngayon ang may kasalanan! Ikaw kaya ang unang nag lasing." Sigaw ko. Nagiinit talaga ang ulo ko.

"Tubig lang yung nainom ko!" Painusenta nyang sagot. Teka wala ba syang maalala.

"Anong tubig! Alak yun baliw! Wala pa sa kalahating bote yun pero na lasing ka! Iiwanan na sana kita sa beach pero nung pinapauwi kita ay dumeretso ka naman sa dagat dahil sabi mo doon ka matutulog. Eh di kargo de konsesya pa kita kung nalunod ka! " Sigaw ko sa kanya.

Napahawak sya sa ulo nya... buti nga at para maalala mo lahat ng ginawa mong kabaliwan. Napatingin sa kanya si Sir Miguel at bahagyang napa tawa pati na rin sina mama at papa. Gusto ko sanang peace ang morning ko pero nabali kasi naman sa ginawa ni Alapaap.

"Eh bakit mo naman ako iniwan sa sahig papaano na lang kung nagkasakit ako?" Napatanong naman sya.

"Hoy hindi kita iniwan sa sahig ibinaba kita sa kama mo tapos nung papaalis na ako napa yakap sa akin na parang bata! Itinulak kaya kita, pero grabe ka makahawak sa bewang ko! Tapos hinalikan mo ako kaya sinapak kita at tumumba ka sa sa...hig." Teka....Teka... Teka lang. Grabe ka Bianca ang daldal mo! Walang preno yang bunganga mo minsan. Pati ba naman yun sasabihin mo pa.

Napatingin sila sa akin na gulat na gulat mas lalo itong si Alapaap. Napalingon ako kila mama at papa, para bang naistatwa sila. Grabe naman kasi pati ba yun sinabi ko.

Napatingin ako kay Alapaap na para bang gulat na gulat. Kinuha nya yung isang supot na tinapay at mga palaman at biglang umalis.
Maya-maya pa ay napasigaw ako sa hiya dahil nagflasback na ang lahat.

Biglang tumayo naman si sir Miguel at itinaas ang dalawa nyang kamay at sumigaw. "Tuloy ang Kasal!"

Napatakbo naman ako sa hiya.

(Bigyan natin ng P.O.V si Sir Miguel)

Sir Miguel P.O.V

Sa totoo lang ay nag-dadalawang isip ako na hindi na ituloy ang kasal dahil may gustong iba si Bianca. Ayaw ko naman sirain ang buhay nung bata dahil sa kagustuhan ko. Nagpakalasing talaga ako para burahin na sa isip ko na ipakasal ang anak ko. Susupurtahan ko na lang si Sky sa kahit na anong gusto nya. Kung bakla sya eh sige.

Sasabihin ko na sana kanina habang kumakain kami na hindi ko na itutuloy ang engagement nila. Pero dahil sa nangyari kaya nagbago ang isip ko.

Alak lang pala katapat ng matigas kong anak. May pagka ako pala si Sky. Sa totoo lang ay dahil sa alak din naman kami nagkita ng mahal kong asawa.

Biruin nyo kung ang viag*a ay hindi umiipekto sa anak ko ano naman ba ang kayang gawin ng alak. Halos binayaran ko ang isang babae para akitin sya at halikan man lang ito pero hindi nya ginawa. Isang kalahating bote ng alak lang pala ang susi para mailabas ang pagkalalake nitong gwapo kong anak. Biruin nyo, nagawa nyang halikan at yakapin ang mortal nyang kaaway dahil doon. Siguro nga kung hindi sya naitulak ni Bianca gawa na rin sa kalasingan ay may nagawa pa itong iba.

Well dahil doon pinagtibay pa ang kompiansa ko na ipakasal silang dalawa.


Sky P.O.V

Tumaas lahat ng dugo ko sa ulo kaya umalis na lang ako doon. Pagkatapos kasing sabihin ng madaldal na Bibingka na yun ay nagflasback lahat. Dan! Hindi lang basta halik ang ginawa ko sa kanya. I freakin French kiss her.

Saan ko natutunan yun?

Kung nagawa ko yun sa kalasingan, buti na lang at naitulak nya ako kung hindi baka ano na. Hindi ko sya mahal at umaasa pa akong hindi na ituloy ni dad yung engagement. Pero parang lumabo na dahil narinig nya yung sinabi ni Bibingka. Ang daldal naman kasi yung babaeng yun, hindi marunong magpigil ng bunganga.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon