* PLEASE VOTE *
"Alapaap?"
...
...
...
"That's rude you know, calling your new boss like that." Banggit ng tao na nasa harapan.
Bigla na lang ako nabalik sa katotohanan. Napatingin ako kay sir Miguel at tumango naman sya. Hindi talaga ako makapaniwala na ang bagong CEO at boss ko ay walang iba kundi ang ex-fiance ko!
Wala naman kaming galit sa isa't isa pero awkward pa rin tignan.
Bianca be professional and set aside everything that is in your head. Get a hold of yourself!
"Forgive me sir... Avulante. I didn't mean to disregard you, I guess that I was shocked seeing you here. I actually didn't expect it. Anyway sir, I came here to bring these papers." Nilapag ko yung mga papel na hawak ko sa lamesa nya.
"May I introduced myself anyway. I am Bianca Sandro your Secretary." Pagpapakilala ko.
Hindi sya umimik at umupo na lang sa swivel chair nya. Napatingin naman ako kay sir Miguel at tulad ng dati, he smiles cunningly. Alam ko na ganito talaga ang mga kinahihinatnan ng mga plano ni Sir Miguel, bakit ba hindi na ako nasanay.
Bumalik na ako sa table ko sa labas lang office ng bago kong boss. Pero shocked pa rin ako sa mga pangyayari. Any tagal naming hindi nagkita na halos makalimutan ko na ang tungkol sa kanya tapos bigla na lang lilitaw.
-------------------------------------
"Sabi ko sayo na makalaglag panty yung bagong CEO eh!" Pagtitili ni Diane. Anong makalaglag panty eh si Alapaap lang naman yun.
"Tumigil ka nga dyan Diane at baka marinig ka ng iba. Sabihin na natin na gwapo si Sir pero hindi naman to the extent na makalaglag panty." Komento ko.
"Kill joy! Palibhasa may boyfriend ka na!" Pagsusungit naman ni Diane.
Tama sya na may boyfriend na ako kaya dapat lang na hindi na ako kiligin sa iba. Tama.
-----------------------------------
Nakalipas na ang dalwang linggo at hindi pa rin kami nag uusap ni Alapaap ng maayos. Puro about sa work ang pinaguusapan namin pero ok lang naman sa akin.
Ok na rin to para iwas gulo.
----------------------------------
Sa dami ng ginagawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras, 9:30 na pala at hindi pa ako umuuwi. Kasi naman busy pa ang boss ko. Biglang tumunog naman yung telepono.
"Miss Sandro, order some food." Utos ni bossing tsaka bigla nya na lang binaba ang telepono.
Akalain mo nga naman hanggang ngayon wala pa rin modo, bastos pa rin.
Dumating naman yung inorder ko, dinala ko sa loob at nakita ko sya na nasa laptop nya. Pagkalapag ko pa lang ay kinuha nya na ito kaagad at kinain. Papalabas na sana ako ng tigilan nya ako.
"Miss Sandro, take some food then eat." Sabi nya. Aba may improvement.
"I also ordered some food for me sir, but thank you." Tsaka ako lumabas.
Mayamaya pa ay lumabas na sya ng office kaya naman dali dali kong hinila yung bag ko sa tabi ko at tumakbo sa elevator.
Pagkababa sa ground floor ay nagmadali akong tumakbo sa harapan kung saan lagi ang taxi pero wala na. Actually, may date kami ni Harry ng 10:00 pero 10:10 na kaya ako nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Novela JuvenilNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...