CHAPTER 55: The Contract

640 19 0
                                    

Dumating na kami sa bahay ng mga Avulante and asual ganon pa rin ang bahay parang walang pinagbago. Pagkadating pa lang namin ay sinundo na kami ni sir Miguel ng malaking yakap. Umalis na lang si Alapaap at dumeretso sa kwarto nya. Nag pout na lang si Sir ng parang bata. Hindi pa rin talaga nag babago si sir.

Pagpasok pa lang namin sa bahay at sumalubong na rin ang dating makulit na kapatid ni Alapaap.

Nagulat na lang ako sa tangkad nito at tindig nya. Parang sya lang ang kuya nya dati. High school pa lang si River at ngayon ay parang heartthrob na.

Nagkwentuhan muna kami bago humarap sa hapag kanina. Ganun pa rin ang seating arrangement namin. At ganun pa rin ang kilos nila mama at papa pati na rin si Sir Miguel. Ang pagkakaiba lang this time ay panay cellphone sina River at Gloria hindi na katulad ng dati ng lagi sila nag lalaro.

Syempre ang mahal na kamahalan ay nasa kwarto nya. At tatawagin na lang bago kumain.

Nakapag handa naman na si nanay kaya naman tinawag na sa lungga nya ang halimaw.

"Na miss ko ito. Tayong lahat nasa iisang lamesa." Pagdradrama ni Sir.

"Kaya nga po sir ang tagal din bago maulit ito." Sabat naman ni tatay.

"Pero lagi na tayong ganito." Patawa naman ni Sir.

"I will be soon going back to work. Nababagot na ako dito sa bahay laging wala naman si River dito. Kaya I've decided na I've should be going back to work."

"Pero papaano po si Alapaap diba po sya ang may hawak sa company po." Pagtatanong ko.

"Well sya naman ang hahawak ng business meetings for the coming months in ten different countries. Sky and I already talk about that." Sabi ni sir.

Hay salamat hindi ko muna sya makikita kaya napangiti naman ako ng malaki. Napansin ata ng ugok.

"You seems so happy. I am also happy that at least I will not see your face, Bibingka." Sabat naman ni Sky.

"Talaga masaya ako, ay hindi pala masayang masaya pala." I smirked.

"Wait guys. Don't tell me you still use that names?" Sabat ni River.

"Kaya nga ate? Akala ko ok na kayo ni kuya Sky tapos hangang  ngayon pala aso at pusa pa rin pala kayo? High school lang ang peg." Hirit naman ni Gloria.

"Ate Glory is right." Pagsangayon naman ni River.

Natawa naman ang mga magulang namin sa mga narinig nila. Halos napuno ng tawanan ang buong hapag kainan.

"Eh hindi naman kasi nag mature yang si Alapaap." Sabi ko.

"Huh! At ako pa ang hindi nag mature? Sino kaya sa atin ang tawag ng tawag ng Alapaap until now, ha Bianca?" Sabat naman ni Alapaap.

Hindi ko alam kung bakit na lang tumalon ang puso ko sa sinabi nito, ng narinig ko na tawagin nya ang pangalan ko.

Pero siyempre hindi rin ako papatalo.

"Tinatawag lang naman kita nun kasi mas bagay nga sayo ang Alapaap, Sky." Pagbanggit ko.

Bigla naman natahimik ang lahat ng ilang Segundo at biglang nagtawanan.

"Wala talagang papatalo sa kanilang dalawa. Hangang ngayon." Sabat naman ni nanay.

"Oo nga, pero that will change now kasi hindi dapat ganyan ang asal ng mga mag- asawa. Diba mga balae?" Pagbibiro naman ni sir.

"Dad, we are done to this conversation right? We already have an agreement." Pasintabi ni Alapaap.

"Yes we do but I didn't do anything. Well actually, I called you here because we have to celebrate your wedding. Bianca my daughter, you are now officially Mrs Bianca Sandro Avullante." Hirit ni Sir.

Napabuga na lang ako at nasamid sa narinig kong masamang biro. Napatawa na lang ako at napatingin kay Alapaap sabay irap.

"Sir naman... hilig nyo talagang magbiro. Hinding hindi ko pakakasalan ang isang halimaw."

"At ako pa ang halimaw ngayon? I wouldn't dare marrying such nonsense like you."

"Dad what the heck is this?" Gulat na gulat na tanong nya.

"Well both of you signed the marriage contract isn't it? I already submitted it to the fiscal and immediately registered that. Isn't it wonderful? I already got the permission to your parents Bianca. Well, anyway, welcome to the family my daughter in law and heart." Pabirong sabi ni Sir.

"Wait I didn't remember na nag sign ako ng any contract." Biglang naalala namin yung pinirmahan nya kanina. "Don't tell me na that is that paper?" Nagulat sya.

"Yes it is." Pabirong sagot naman no sir Miguel.

Napatingin sya sa akin.

"Didn't you read that before letting me signing it?" He asked.

"Naka sulat dun eh confidential so hindi ko binasa." Sagot ko naman.

"Teka sir, so ibig sabihin yung papers na pinirmahan ko is the same marriage contract?" Pagtataka ko.

"Oh yes." Sagot nya.    

Biglang nanglumo ang mga tuhod ko at nawala sa balance. Umikot ang mga paningin ko at bigla na lang naging itim lahat ng nakikita ko.

Namulat na lang ako sa isang kwarto puno ng mga laruan. Kulay puti ang pintura ng pader. May isang malaking potrait sa harapan ko pero hindi ko masyadong maaninag dahil sa liwanag ng araw pero hindi ko na pinansin. Magaan ang pakiramdam ko sa lugar. Maya-Maya pa ay bumukas yung pinto at may yumakap sa akin na bata.

May nag salita na magandang boses na lalake at niyakap ako tapos hinalikan sa labi. Tapos niyakap ako uli at bumulong sa aking tenga.
"Don't assume that I like you. I just have to do it in front of our child. Get your act together Bibingka."

Nagulat na lang ako ng nakita ko na si Alapaap pala iyon. Napatingin ako sa portrait at nakita ko na kasal nga kami. May singsing pa na nakalagay sa daliri. Napasigaw na lang ako sa takot. Binabangungot ako!  

Napabalikwas ako sa higaan at nakita kong walang tao sa paligid. Pero hindi ko lang alam kung nasaan na ako. Hindi ko matandaan kung kaninong kwarto ang tinutulugan ko.

Biglang bumukas yung pinto at lumabas si Gloria.

"O ate gising ka na pala."

"Gloria nasaan tayo? Hindi naman natin kwarto to ah."

"Nakalimutan mo na ba na nasa bahay tayo nila sir Miguel? Ay oo nga pala nasa bahay tayo ng father in law mo."

Napasigaw na lang ako dahil naalala ko na ang lahat. OO nga at sinabi ni Sir Miguel na kasal na kami ni Alapaap.

Biglang pumasok naman sila mama at papa.

"O anak gising ka na pala. Sige na at pumunta ka na sa kwarto ng asawa mo." Hinila ako ni mama papunta sa kwarto ng halimaw. O my gosh!

Nagpumiglas ako pero kilala ko si mama. Maya-maya pa ay binuksan nila yung kwarto ng halimaw at itinulak ako papasok. Ni lock din nila ang pinto.

Sa totoo lang mga magulang ko ba sila?

Walang tao sa loob ng kwarto kaya naman na upo na lang muna ako sa sofa. Walang pinagbago yung lugar  kaya alam ko rin kung nasaan yung pwedeng maupuan.

Hindi talaga nag aayos ng gamit itong si Alapaap kahit kelan. Papaano ko ito magiging asawa, mamumulubi ako sa kanya taga ayos ng mga gamit nya. Pero dati noon, halos mahihiya ang langaw na pumasok sa kwarto nya.

Mayamaya pa ay bumukas yung pinto ng CR nya. Naka topless lang sya at makikita mo ang abs na sing lago ng bagong bake na monay... ugh bakit ako nagiisip na ganito!
 

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon