Chapter 11: Accidentally

770 29 0
                                    

Accidental fall


Bianca P.O.V

Dumaan ang ilang linggo at dumating na ang pinaka-hihintay ng lahat, ang school festival! Excited na ako na bumili ng mga key chains at mga ibang girly items. Ang dami kasing nagbebenta dito sa tapat ng gym at sa may soccer field.

Binilihan ako ni bestie ng scarf at favourite colour ko pa talaga, blue. Binurdahan nya talaga ito ng pangalan ko para daw hindi ko mawala. Ang swerte ko sa kaibigan kasi nakahanap ako ng friend na katulad ni Taliya. For me, she's all in one.

Pero nung dumating na ang tanghali at bigla na lang naguho ang kasiyahan ko. Mamayang alas tres na ng hapon ang drama. Kahit epic na ang drama namin ay natatakot pa rin ako kasi first time kong umarte sa tapat ng maraming tao.

Alas tres na. OH MY GOSH!!!!!

Nagbihis na ako ng costume ko at naglalagay na ng make-up. By the way, si bestie pala ang naglalagay ng make up sa akin kasi hindi ako marunong. Pero nung natapos nya akong lagyan ng make-up, dali-dali naman syang tumakbo sa dressing room ng crush niya. Hay! Nakikita ko ngayon ang sarili ko dati na kakahabol kay Jake. But Jake is different than Alapaap, mas gentleman kaya si bebe. Well, except for the fact na may girlfriend na ata sya at play boy yun ah. But still, I love him to the depth of being obsess with him.

Nag-umpisa na ang play at laking gulat ko ng makita sila sir Miguel at ang mga magulang ko sa taas kung saan naka-upo lahat ng VIP. Anong ginagawa nila dito?

Habang ginagawa namin ang epic Snow White and the three goblins ay nagsisitawanan naman lahat ng Tao at mukhang enjoy na enjoy. Mas maganda na rin ito kesa sa magpanggap kami ni Alapaap na gusto namin ang isa't isa. Ng papatapos na biglang may itinaas na board si sir gwapo. 'Prince Go Back to The Princess and kiss her cheeks'.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng masulyapan ko ang word na '... kiss her cheeks.' What the hell! Patapos na ang drama bakit may twist pa rin? Napalingon ako sa may VIP seats pero wala na doon si sir Miguel. Sabi ko na nga ba kagagawan ito ni Sir Miguel.

Sky P.O.V

Nagulat ako ng makita ko ang hawak ni sir na board at sinasabing kiss her cheeks. What the hell! Akala ko ba ok na sa kanya ang epic story na ginawa namin pero bakit may kiss her cheeks pa syang nalalaman.Putik. Hindi ko rin gagawin iyon, ano ako tanga! There is No Way in this freaking world na hahalikan ko si Bibingka.

Napatingin ako sa sa likod ni Sir at nakita ko doon sa likod nya na nandoon si dad. Nalintikan na! Bakit nasa likod sya no sir? Sabi ko na nga ba na si dad ang may kagagawan nitong lahat. Ano ba kasi problem nya? Dahil lang ba ito na pinagkakamalan nya akong bakla. Damn it! Another childish act.

Napalingon ako kay Bibingka at nakita ko sya na nakatulala. Ano ba yan bakit ang panget nya? Hahaha. Parang gulat na gulat din ito. Nag react naman ng hindi gaanong obvious ang lahat ng nasa set.

Teka may naiisip akong pakulo. Kung yan ang gusto nila, then so be it, hindi lang naman si Bibingka ang babaeng nahalikan ko diba.

"I turned into frog by believing the three goblins. I do not want to be like this forever. I should have kiss the princess earlier while I still can but then I am not sure if the princess is the witch or the princess. She might be hiding the real princess. I mean looked at her she is hideous and ugly!" Enemphasise ko pa yun ha. Tignan natin kung ano ang sasabihin ng bruhang ito.

Nakita ko naman na tumaas ang isang kilay nito. Huli ka, akala mo ba hahalikan kita, in your dreams bibingka.

"The poor Prince will be like a frog forever. I mean who would want to kiss a slimy creature like him! It's a good thing that I still have a little embarrassment left in me that is why I won't give my precious kiss to that FROG PRINCE!"

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon