Away pa more!
Natapos na ang bakasyon at balik eskwela na naman pero wala pang regular classes kasi enrolment day pa lang for the whole week. Pumunta ako kasama si mama sa school para kunin yung mga credentials ko. Dati-rati ay excited akong magpa-enrol dahil alam kong makikita ko uli si Taliya at si bebe Jake. Sa unang pagkakataon nakabusangot ako dahil ngayong araw ko na rin huling makakasama sila.
Ito ba ang tinatawag na divine punishment dahil pumasok ako sa kwarto ng lalake na walang paalam. Kung alam ko lang eh hindi ko na sana itinuloy ang plano ko. Nagsisisi na po ako. Please po mabago sana yung hangin at makainom sana si mama ng tubig na pangpalimot. Ayaw ko sanang iwanan silang dalawa. Please po magiging mabait na ako kay Alapaap... ay mali... magpapakabait na po ako kung tulog sya.
Habang papalapit na kami sa principal's office, nakita ko si Taliya kasama ang dad nya na naghihintay din sa labas ng office. Bumati ako kay tito Ernest, pero bakit nakasimangot itong si Taliya.
Nagkwento sya na ililipat daw sya ng papa nya, nakakuha daw kasi sila ng isang full scholarship sa kumpanya na pinag-tratrabahoan ni tito. Napaiyak kaming dalawa kasi kahit hindi pala ako umalis eh magkakahiwalay pa din kami. Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari sa akin. Pero teka lang... imbis na mapaiyak sya eh tumawa ng malakas itong loka-loka. Kaibigan ko ba talaga ito o ano?
Pagkauwi namin sa bahay, nakita ko si Alapaap kasama ang mga kaibigan nya na nagtatawanan. Ano kaya pinag-uusapan nila?
Inutusan naman ako ni mama na ihatid yung meryenda nila. Nilapag ko yung mga sandwiches sa lamesa. Napansin naman ako ng kaibigan nyang si Gab, at pinuna ang taon ko parang maging katulong. Pero sumagot itong si Alapaap na para bang nakakaloko. Pinagtawanan ako ng mga kaibigan nya, tawagin ba naman ako manang slash bibingka. Hindi ko sya uurungan."Ay mga kaibigan po ni mokong... paki hawakan na lang po nang maigi yung mga sandwich nyo baka kasi hanginin... ang baba po kasi ng Alapaap eh." Pagtutukso ko kay Alapaap. Bagay lang sa kanya yun sya nauna. Pero parang hindi na gets ng dalawa nyang kaibigan.
"Alapaap?"
Biglang napatingin si Alapaap sa akin.
"Ano ba ang tagalog ng sky? Diba Alapaap." Sarkastiko kong sagot. Ang slow nila hindi nila magets.
Nagtawanan naman sila maliban kay siyempre, sino pa ba ang KJ, eh di si Alapaap.
Nagalit ito at biglang tumayo na para bang sasaktan ako. Sino tinatakot nya. Ako ba? Ako ba! Nek-nek nya... Hindi ako natatakot.
"Sige... sasaktan mo ako. Sige! At malaman din ng mga kaibigan mo na confirmed ka!" Hamon ko sa kanya.
"Confirmed?" Tanong ni Blake.
"Oo... na girl lalu si Alapaap... aka B.A.K.L.A, bakla! Kasi nananakit ng babae." Explanation ko habang napatingin sa kanya. Nakita ko ang pagkainis nito. Habang ang mga kaibigan nya eh walang tigil sa kakatawa.
Hinawakan naman ako ni Alapaap sa kamay, ay may balak pa ata na halikan ako para ma prove nya na hindi sya bakla. Huh! Napanuod ko na yan sa drama tapos ma-iinlove ako sa kanya. Hoy! Sa drama lang yun!
"Sige... alam ko na ang nasa isip mo. Ano hahalikan mo ako para hindi ka na paghinalaan na bakla ka. Hoy... pati po bakla humahalik ng babae. Tsaka baka lumobo pa nguso ko sayo kasi puro hangin lang naman ang dala mo eh. For all I know composition ka ng tatlo at isa doon ay carbon dioxide." Nagsitawanan nang malakas ang mga kaibigan nito. Nakikita ko na asar na asar na sya. Hay salamat kahit ganito man lang eh makabawi ako.
Tinanggal nya yung kamay nya sa kamay ko.
Umalis ako bigla pero hindi ko pinahalata na natakot talaga ako nung hawakan nya ang kamay ko. Hay grabe pero nakakagaan ng pakiramdam.
Sky P.O.V
Grabe talaga yang babaeng yan. Tawagin ba naman akong CONFIRMED. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga sya hahalikan pero biglang lumabas na lang yun sa bibig nya. Ambisyosa talaga si bibingka. Hindi pa ako nababaliw para halikan sya. Saan naman nya nakuha yung idea na yun... kapapanuod nya siguro kasi ng k-drama. Hinawakan ko lang naman ang kamay nya para itulak sya papalayo pero kaagad nakaisip ng pangbara sa akin.
Itong mga kaibigan ko naman, halos malagutan na ng hininga kakatawa mas lalo na si Blake.
Anong nakakatawa sa sinabi nya? Puro panglalait sa akin ang narinig ko. Kaibigan ko ba ang mga ito?
"Dude yun ba ang fiance mo? The way kasi na magsalita sya eh sya yung babaeng ikinukwento mo sa amin? Tinanong ni Gab habang hawak ang tiyan nya.
"Oo nga dude! Grabe talaga halos mamatay na ako kakatawa." -Blake.
"Ano ba! kaibigan ko ba kayo o hindi?" Nagalit ako. Diba dapat ako ang kinakampihan nila.
"Sorry dude... hindi lang namin sigurong matigilan ang tumawa. Siyempre first time namin itong masaksihan. Ikaw... ang always compose, tahimik, number one sa buong school, mapa sport, academic at popularity. The hundred and one percent human ay tinatawag na bakla, mokong at itinansrelate ang pangalan mong Sky into Alapaap ng isang babae. Kung sa school ay isa kang mataas na being para abutin pero dito sa fiance mo isa ka Lang hanging!" Natawang sinabi ni Gab.
Tsk!
Tanong ko lang talaga kung kaibigan ko ba itong mga to para kasing kinakampihan nila si Bibingka.
Nakakarami na yang babaeng yan ha. Namimihasa na tawagin akong Alapaap at kahit na anong pangalan sa harap pa talaga ng mga kaibigan ko.
Humanda talaga sa akin yang babaeng yan sa school. Akala nya siguro na papalagpasin ko ang ginawa nya ngayong araw na ito. Tignan natin kung magagawa nya pa yang pagsagot-sagot sa akin.
Bianca P.O.V
Naku po kinilabutan ako. Nag sama na naman siguro ang amihan at habagat. Hula ko malakas na bagyo yan at ang pangalan eh Baklang Alapaap. Kailangan kong maghanda ng maigi para hindi ako mahagip ng mga rumaragasang mga hangin.
Lumipas ang ilang araw at pasukan na. Oh mg gosh... kinikilabutan ako kasi pupunta na ako sa lunga ng mga maarteng tao. Pinasabay ako ni Sir Miguel sa kotse pero siyempre bumaba ako sa isang kanto malapit sa school. Ayaw ni papa pero pinilit ko sya since tulog naman itong si Alapaap.
Gusto ko ng isang tahimik na buhay at siyempre magagawa ko lang yun kung hindi ko kasama si Alapaap. Panira kasi ng buhay yang tao na yan.
Sinubukan kong magkaroon ng peaceful life inside of this huge den. Sana lang ay maging maayos ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...