Chapter 32: Feelings in the Rain

671 25 0
                                    

Birthday

Bianca P.O.V

Napagpasyahan ko na kakalimutan ko si bebe Jake. Ang sakit kasi. Buti na lang at nandoon si Alapaap para damayan ako. Pero hindi ibig sabihin nun ok na kami, hindi ah, peace treaty uli. Mula kasi noon hindi na ako inaasar ni Alapaap at mas mabait na sya sa akin kesa dati. May kunting pagtatalo pero ok lang yun kasi hindi naman tumatagal.

Hindi na rin nya ako sinisigawan katulad ng dati, siguro nakokonsensya sa mga ginawa nya. Gusto ko na rin sana makipagbati sa kanya kasi ayaw ko naman na kapag mag asawa na kami eh away pa rin kami ng away.

PAUSE

TEKA! Sinabi ko bang mag asawa? No! Erase yun. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Bianca. Mahal pa nya si Margaret na kaibigan mo na girlfriend nya. Wala kang karapatan na ahasin ang boyfriend ng kaibigan mo. Pero diba ako ang dapat may mas karapatan kasi ako ang fiance? Sh*t ka Bianca! Tigilan mo yan pagiisip no!

Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko pero isinantabi ko muna kasi ayaw ko ma stress.

Next week na ang birthday ko at excited na rin ako kasi alam ko na lulutuin ni mama ang favourite dish ko. Yes!

Gusto ko sana na simple lang ang birthday party ko pero si Sir Miguel ang nagiinsist na magpaparty ng katulad kay Alapaap, pero ayaw ko. Promise ayaw ko talaga. Ipinilit ko kay sir na ayaw ko maghanda ng enganyo. Buti na lang at pumayag si sir kung hindi malalagot ako kasi hindi ko maiimbitahan sila Bestie at Margaret.

Nagpasya si mama na icelebrate ang birthday ko sa park. Nagluto sya ng spaghetti, pancit, macaroni salad, sopas, lumpia at ang pinaka paborito ko ang sinigang na baboy. Bumili naman si sir ng anim na box ng pizza, limang bucket ng KFC chicken at binili nya rin yung buong laman ng nagtitinda ng sorbetes.

Alam ni sir na inimbitahan ko si Margaret kaya pupunta si Margaret dito sa park. Sinabi ko na rin kay Margaret na pupunta ang buong pamilya ng Avulante kasi sila ang may sponsor sa scholarship ko. Wala syang alam tungkol sa tunay na position konsa mga Avulante. Sinabi pa nga ni Margaret na baka hindi sila pupunta since alam nyo na ang mayayaman.

Dumating naman na sila Bestie at si Margaret kaya sinalubong ko sila. Napahinto naman silang dalawa nang nakita nila si Sir Miguel at si Alapaap.

"Hindi ka talaga nagbibiro ng sinabi mong iimbitahan mo si Mr. Avulante?" Pagtataka ni bestie.

"Sabi ko sayo eh, malakas ako kay sir Miguel since scholar nya ako at tsaka mas mabait sya kesa sa halimaw nyang anak." Ibinulong ko.

"Napansin ko lang Bianca, never mo tinawag si Sky sa pangalan nya. What I mean is you always call him Alapaap or halimaw?" -Margaret

Napansin nya yon.

"Ah kasi... kasi hindi talaga kami magkasundo nyan." Pagpapalusot ko at tsaka umalis na. Baka kasi marami pa syang itanong.

Pinakilala ko sila sa mga magulang ko at pati na rin kay sir. Bakit parang mali na inimbitahan ko si Margaret dito.

Mayamaya pa ay kailangan ng bumalik ni Sir sa office nya kaya naiwan na lang si River at si Alapaap.

Natapos din ang party at nauna na sila mama at papa kasi sabi ko gusto ko pang lumabas at maglakwatsa kasama sila Bestie at Margaret. Para din kasing uulan kasi madilim na ang mga kalangitan. Kaya gusto ko sa mall para hindi ko marinig and kulog at kidlat.

Mayamaya pa napansin kong wala so Margaret kaya hinanap ko sya. Nakita ko naman yung buhok nya sa likod by puno. Tinatawag ko yung pangalan nya pero hindi sya lumilingon kaya nilapitan ko sya.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon