Chapter 24: Birthday Party

663 29 1
                                    

Birthday Party




Birthday na nung maligno na si Alapaap at katulad ng dati maraming inimbitahan si Sir Miguel. Halos mapuno na ang buong mansion nila kaya naman busy rin sina mama at papa. Ako naman ay tinutulungan yung mga waitres minsan at palakad-lakad lang at siyempre nakikihalubilo din. Utos kasi ni Sir Miguel na makipagusap daw ako sa mga iba nyang bisita. Actually, hindi naman ganito ang pinapagawa ni sir dati, usually hinahayaan na lang ako sa mga ginagawa ko. Pinag-suot na rin ako no sir ng dress pati na rin ang buong pamilya ko.

Halata naman itong kapatid ko na nakikipagsp-soshalan sa iba nyang mga ka-edad.

Dumating naman na yung mga classmates namin at ibinigay nila yung mga regalo nila. Napalingon ako ng may marinig ako nabasag na baso at nakita ko si ate Rowena na dinadampot ito habang sinisigawan naman sya ng isang babae. Tinulungan ko sya.

"Ate tulungan na kita." Pagalok ko. Kaibigan ko naman kasi si ate Rowena. Umalis naman na yung masungit na babae.

Mamaya pa ay may tumawag ng pangalan ko, lumingon ako para alamin kung sino yun. Si Gab lang pala.

"O Bianca bakit mo dinadampot yan? Hayaan mo na si ate Rowena gumawa nyan." Saway ni Gab sa akin. Ewan ko ba sa taong ito kung mabait ba o matapobre. Bipolar ata, kasi naman minsan may pagka-gentleman tapos mamaya magiiba na naman ang ugali.

"Hindi Gab... tutulungan ko na si ate para mapadali." Sabi ko naman.

"Bianca hindi mo dapat ginagawa yan sa harap ng mga taong ito." Yumuko sya konti para tumulong na rin. "Tandaan mo ikaw ang fiance ni Sky at future daughter-in-law ni tito Miguel Avulante who owns the Avulante Mega-Corp. Among this people the Avulantes' are mega people that they are respecting. If makita nila na ang fiance ni Sky ay nagpupulot ng basag na baso, malaking impact ito sa mukha ng pamilya nila. Be considerate Biance just for few hours until this party is over." Ibinulong ni Gab.

"Ay oo nga Bee... sige na kaya ko na to." Hirit naman ni ate.

Being fiance ni Sky kailangan kong maging cold ganun ba. Nakakakilabot man pakinggan at nakakaasar ay totoo ang sinabi nya.
Tumayo na kami ni Gab at pinagpag ang damit ko.

Si Gab lang ata ang nakakausap ko ng matino sa kanilang dawala ni Blake. Minsan kasi si Blake lagi na lang tungkol sa mga babae ang pinag-uusapan. Pero minsan, dahil laki sa yaman itong dalawa ito ay may pagka-matapobre din. Pero mabait naman sila sa akin, maslalo na si Gab, makulit at isip bata naman kasi si Blake.


Umalis naman na sya dahil tinawag sya ng papa nya ata.

Pumunta naman ako sa sulok at nakita ko ang mundo na ginagalawan ng mga mayayaman. Grabe hindi ako bagay dito masyadong high class.

Kumuha na lang ako ng pagkain at pumunta sa isang standing table at doon ko na lang kinain ito. Ang sarap ng mga putahe kaya sunod-sunod ang kuha ko. Nakita ko naman na dumating na rin ang mga ibang teacher namin. Grabe talaga magpaparty ang mga Avulante!


Nananahimik ako sa isang tabi ng dumating naman ang grupo nila Denise kasama ang mga wanna be Alapaap.

"Hindi ko alam kung bakit ka nandidito nung una kiting makita pero seeing you eating here, I know the answer to my question na. You just came for the food. Dead hungry talaga ang mga kagaya mo." Maarteng sabi nitong bruhildang Denise.

"Hoy! Tigilan nyo nga ako at kumakain ako ng tahimik." Sabay irap sa kanya.

"Well dead hungry... you can finish all the food if you want but do not make a scene. Do you see all these people? They are respecting Sky and his dad so do not make a scene and display such barbaric action!" Hinawakan ako sa braso ng bruhildang ito at hinigpitan ang hawak. Sino kaya sa amin ang nagdidisplay ng barbaric action.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon