Bottle wine
Kinagabihan ay nagkaroon kami ng dinner sa labas malapit sa dagat. May bonfire din na kasama. Since minor pa lang kami ni Alapaap ay hindi kami pinayagan na uminom. Samantalang si papa at si Sir Miguel ay lasing na lasing na. Pinapasok na ni mama si papa sa loob pati na rin si Gloria na kanina natutulog sa buhangin. Pinatulog na rin ni mama si River.
Private property nila Sir Miguel yung beach kaya kami-kami lang ang nandoon. Nakita ko naman si Alapaap na papunta na rin sa loob ng bahay ng bigla ko syang harangin.
Ang gentleman talaga nitong malignong ito ni ayaw tumulong magtabi ng kalat. Inirapan naman nya ako. Kung gagalangin ka naman oo, napaka humble talaga nitong hinayupak na ito.
Nakalipas ang ilang oras natapos na rin ako kakaligpit at nang tignan ko ang orasan ko ay 2:30 na pala ng madaling araw. Pero bakit hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Maya-maya pa ay nakita kong lumabas si Alapaap. Papunta sa may bonfire. Talaga naman oo ngayon pa ba naisipang tumulong pagkatapos kong maligpit ang lahat.
Papalapit sya sa akin ng makita kong naka-simagot sya. Ano kayang problema nito at nakasimangot na naman?
Dinaan naman nya ako at umupo sa buhangin. Walang pake, ganun ba?
Habang kinukuha ko yung mga bote sa paligid ay bigla naman syang nagsalita.
"Hoy Bibingka, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nya sa akin. Pero hindi nya ako tinitignan at nakatingin pa rin sa dagat.
"Nagtatanong ka pa kita mong naglilinis." Pagtataray ko sa kanya. Obvious naman nagtatanong pa.
"Pilosopo."
"Nakikita mo na nga lang kasi nagtatanong ka pa." Patuloy kong dinadampot yung mga bote.
"Kamusta naman yung date mo?" Bigla nyang tinanong. Aba anong nangyari at nagtanong ng matino si Alapaap.
Hindi ko sya sinagot at patuloy pa rin akong nagpupulot ng matigilan ako sa susunod nyang sinabi.
"Nagseselos ako sayo." Sabi nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Nakakasakal pero totoo ba ang narinig ko na nagseselos sya.
"May sakit ka ba at ano, ano ang pinagsasabi mo? Nagseselos? Ikaw!" Pagtataka ko pero hindi pa rin say umimik.
Anong problema nito?
"Huwag ka ngang assuming dyan! Nagseselos ako sayo dahil pinayagan ka ni dad na makipagdate sa iba. Samantalang ako..." Hindi nya na itinuloy yung sasabihin nya. Well selos lang pala ng isang anak eh kaya ok lang pero parang gusto ko syang lokohin.
Tumakbo ako sa harapan nya at nakita kong malungkot naman ang mukha nya. Gusto ko sanang asarin sya pero parang naguilty naman ako.
Umupo ako sa sa kabilang upuan mga one metre away sa kanya.
"Well sige na nga kasi seryoso ka, peace treaty muna tayo kahit apat na oras lang."
"Call." Pag-agree naman nito. "Since na kailangan ko talaga ng kausap ngayon. Pag tsyagahan muna kita."
"Aba sabi ko peace treaty tapos naguumpisa ka na kaagad!" Pagsusungit ko sa kanya.
Napangiti naman sya. Aba ngayon lang ako nakakita ng himala. Napangiti si Alapaap ng ilang segundo tapos balik sa dati.
"Mukhang malalim problema mo ah?" Napatanong ako bigla. Awkward. Hindi ako sanay na kausapin sya ng ganito.
Napabuntong hininga naman sya. Halata kasi na problemado sya. "Hindi mo lang alam kung gaano ito kalalim, kaya hindi ako makatulog."
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Fiksi RemajaNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...