Mall eavesdropping
Halos mabaliw ako sa pagsasayaw kasama si my labs. Grabe ang lambot ng mga kamay nya. Sana ganun din ang mga kamay ko.
Pagkatapos ng farewell party, niyaya ko si bestie para kumain sa labas. Ililibre ko sya since tinulungan nya akong makasayaw ang lalake na pinapangarap ko. Habang kumakain kami ay bigla na lang akong natigilan ng makita ko ang pagkasamang hangin kasama na rin ang matinding ipo-ipo. Katatapos lang ng masaya kong moment ngayon naman nandito na yung panira. Kasama nya ata ang mga kaibigan nya.
Nakalimutan ko na hindi pala magkakilala sina Taliya at si Alapaap. Mabuti na rin yun para mas tahimik ang buhay ko.
Hinila ko si Taliya para kumain malapit sa kanila. May pinag-uusapan sila. Teka tungkol ata yun sa engagement namin.
"Hey Bro nabalitaan ko na engaged ka na pala. Totoo ba?" Tanong ng isa.
Biglang napaupo ng mahusay si Sky at napatingin sa kanya.
"Huwag ka nga gumagawa ng kwento dyan Blake. Eto si Sky, ang nagiisang Prince ng Domino High School, engage? You must be kidding me." Sabat naman ng isang naka upo sa kanan nya. Napatawa lang sya sa sinagot nya.
Tahimik lang yung mokong. Sabagay mas maganda na rin yun na hindi nya sabihin.
"Badtrip nga pare eh." Pahabol naman ni Alapaap.
Biglang nagulat naman yung dalawa sa sinabi nya. Hindi mo maiipinta ang mga mukha nila habang naka upo lang itong Alapaap na ito.
"So totoo nga na engaged ka na kanino naman? Maganda ba? Mag kwento ka naman dyan." Tinanong nila si sya.
Nagkwento naman itong Alapaap na ito kung bakit nabuo at humantong kami sa ganitong sitwasyon. Hindi naman matigil sa kakatawa itong dalawa nyang kaibigan habang nakikinig sa kwento nya. Sino ba ang hindi matatawa. Pati nga ako ay napapatawa. Ganon pala ang ginawa ni Sir sa kanya at nung wala syang reaksyon ay nabuo ang conclusion sa utak nya na maaring bakla ang panganay nyang anak. May wild imagination pala si Sir Miguel, biruin nyo yun nagawa nyang pag-isipan ng ganun ang sarili nyang anak.
"Grabe talaga si tito kung mag-isip, out of the universe. Biruin mo naisip nyang bakla itong si Sky dahil ayaw pumatol sa babae. Kung ganon din sana si dad eh baka ma-enjoy ko pa." Halakhak naman nung isa.
"Hahaha... oo nga Sky, bakit hindi mo pinatulan yung mga yun I mean once in a blue moon lang ang magkaroon ng ganyan dad. To think na padalahan ka nya ng mga girls. Kung ako yun o si Gab baka pinatulan namin yun." Sabat naman nitong si Blake. Bakit kaya ganito mag isip ang mga lalake puro na lang sarili nila ang iniisip nila.
"Ano ka ba Blake... loyal kaya yan kay Claire. Nanliligaw pa lang yan ha hindi na gumagawa ng Mali." Pahabol naman ni Gab sabay tawa.
Nagulat ako na may nililigawan pala itong mokong na ito akala ko kasi eh wala. Sabagay nasa edad naman na sya para ma in love. Teka lang, kung may nililigawan na pala sya eh bakit hindi sya tumutol sa engagement namin. Takot ko lang Kay mama kung tututol ako sa decision nila baka hindi na nila ako pag-aralin kaya wala akong nagawa. Pero say, meron.
"Tumigil nga kayo." Sayaw ni Sky sa mga kaibigan nya. "Hindi ko nililigawan si Claire. Best friends lang kami. Childhood friends kami noon. Oo may crush ako sa kanya nung mga bata pa lang kami pero ngayon eh hindi na."
"Wew... ang dami mong alam meron ka pang pa childhood-childhood na nalalaman dyan. Wag ka ng pakipot bro gusto ka na nga lang nung chics."
Hindi umimik si Sky at sumandal na lang sa upuan.
"Yan si Sky ang nagiisang prinsipe ng Domino High School. Number one sa lahat." Hirit ni Gab. "Pero bro sino naman itong lucky girl na naging fiance mo? Bakit ka pumayag sa gusto ng papa mo? Do you know that girl or perhaps she is also your childhood friend? As far as I know hindi ka pumapayag sa gusto ng kahit na sino. Or maybe, she is so beautiful or sexy." Tanong ni Gab.
Oo nga sa lahat ng request ni tito sa kanya eh ni isa wala syang pinagbigyan. Bakit pumayag itong si Alapaap this time and not only that, it is now about marriage, forever ito. Ayaw kong maging forever si Alapaap!
Biglang ngumiti ito si Alapaap. "Well about that, she is not beautiful nor sexy neither a babe. Panget kaya yun ang sama pati ugali kala mo kung sino. Masmasahol pa kaya yun sa daga... grabe ang bibig kung makapagsalita. Palengkera talaga."
Aba kung makainsulto sa akin kala mo kung sino.
"Well eh di mayaman sya?" Tanong ni Blake.
"Oh no... anak sya ng driver namin." -Sky.
"Eh bakit ipapakasal ka ng papa mo sa kanya?" -Blake.
"Magkababata kami and close si dad sa tatay nya. As in Best friends sila at tsaka driver na daw ni dad si manong Oscar bago pa daw naging sila ni mama. I can't say that we are childhood friends, more in childhood enemies. Magkaaway na kami noon pa lang... mula pa noong bata pa kami, hindi nga kami magkasundo. Pero may dahilan ako bakit pumayag ako sa engagement. Lets just say that she is my getaway." Sabi ni halimaw.
Meron pa lang itong Balak kaya pala sya pumayag. Pero siyempre ano ang use ko kung magtatagumpay sya. No way na hahayaan kong maging masaya sya tapos ako ay naghihirap. Let's see who will win this game Sky.
Gusto ko pa sanang makinig sa mga uusapan nila pero nag aya ng umalis si bestie kaya tinigil ko na ang pakikinig.
Bastos yang Alapaap na yan hindi ko makakalimutan na tawagin nya akong panget. Humanda sya sa muli naming pagkikita.
Habang papaalis na kami ni bestie bigla kong nakita naman si my labs na papunta sa food court ano kaya ang gagawin nya doon. Baka may tatagpuin syang ibang girl, hindi pwede!
Hinila ko si bestie papunta uli sa food court at laking gulat ko na tama pala ang hinala ko. He is meeting a girl. Who is this crazy girl?
Why is he meeting a girl?
Nakita naman ni bestie kung sino yung tinititigan ko kaya napabuntong hininga sya. Magsasalita na sana sya pero tinakpan ko yung bunganga niya at hinila sya sa gilid.
Nag masid talaga ako ng mahusay at biglang kumirot ang aking puso ng subuan ni my labs yung babae ng ice cream. Ahh! Makakapatay ako ng hindi oras.
Umupo si my labs sa tabi nya at inakbayan nya ito. Kumukulo na ang dugo ko sa babaeng ito parang gusto ko ng sugurin pero pinipigilan ako ni bestie. Pero teka lang sino naman ako para humarang sa date nila.
Biglang kumirot ang puso ko. Hindi kami ni Jake pero sobrang selos ang nararamdaman ko. Ang sakit dahil kumikirot ito na para bang gusto ko nang himatayin. Dapat eh ma disappoint na ako pero hindi eh. Iba ang nararamdaman ko.
I know this is no more ordinary crush.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...