Chapter 5: Plan

904 30 2
                                    

The Plan

Lumulutang ang ulo ko matapos kong makita ang crush ko na nakikipag date sa iba. Why is it so painful? Sinisi ko ang sarili ko dahil umasa ako ng todo at ngayon nasasaktan ako.

Hating gabi na at nasa labas pa rin ako. Tinititigan ko ang mga bituin pero ang nasa utak ko, ay ang nakita ko sa mall. Lumabas naman si mama para uminom atat ng tubig at nakita ako ni mama na naka upo sa hagdan. Umupo sya sa tabi ko at tinanong ang problema ko. Halata ba na problemado ako?

"Ma... panget ba ako para hindi magustuhan ng isang lalake?" Napatanong ako kay mama. Alam kong nakakahiya pero biglang lumabas na lang kasi sa bibig ko yung laman ng isip ko.

"Hindi ah. Ikaw kaya ang pinakamagandang anak sa balat ng lupa." Sabi ni mama.

"AT, ganun, so ang panget ko pala since sa lupa lang pala naihahambing ang face ko. Tsaka ikaw lang naman mama ang nagsasabi nyan sa akin dahil anak mo ako. Ito naman si mama bobolahin pa ako. Asus ma alam ko na yang style nyo. Hindi na sa akin uubra yung mga ganyan. Ali pa niloko nyo." Papilosopo kong sagot kay mama kaya yan binatukan ako sa ulo.

"Pilosopo kang bata ka. Sige matulog ka na at ano-ano pa ang naiisip po." Yan tuloy pinapatulog na ako.

"Pero ma seryoso, bakit ayaw sa akin ng taong gusto ko? May problema ba sa akin? Todo na ang pagpapapansin ko pero wa epek." Reklamo ko kay mama. Napatingin sya sa akin. Niyakap nya ako. Wow for the first time nangyari ito.

"Kasi naman anak baguhin mo ang style mo magpapansin. Ikaw ang babae dapat mahinhin ang kilos mo. Papaano ka magugustuhan nyan eh napaka gaslaw mong kumilos." Payo sa akin ni mama.

"Ma eh di kung magiging mahinhin ako kahit kunwari lang eh baka magustuhan nya ako?"

"Oo... siyempre ang mga lalake mas gusto ang mahinhin kesa magaslaw. Sige bukas mag ayos ka palagi para mapansin ni Sir Sky na hindi ka na magaslaw." Sabi ni mama.

Teka papaano nasali sa usapan namin yung ugok na Alapaap na iyon.

"Pwe! ... Ma naman, ungoy lang ang magpapaganda kay Alapaap. Over my beautiful face and gorgeous body na magkagusto ako doon." Kumento ko.

"Diba si sir Sky ang pinag-uusapan natin?" Tanong ni mama. Ay oo nga pala hindi kilala ni mama si Jake my labs.

"Hindi ah! No way! Papaano ako magkakagusto dun eh halos isumpa nya na ako sa lupa at ako din sa kanya. Ma naman, bakit pa kasi si Alapaap ang gusto nyo para sa akin. Si Alapaap pa ang pinili nyo. Anong mapapala ko sa kanya eh ni hindi nga marunong maglinis ng kwarto nya yun. Eww... pa ang paguugali nya. Mas masahol pa sa aso yun eh. Kakambal nya pa yung orangutan doon zoo. Ang tinutukoy ko na crush ko eh yung schoolmate ko na si Jake my labs, my darling at my honey... ai kinikilig ako." Bigla akong nahimasmasan sa pagiging down ko.

Binatukan ako ni mama at kinurot sa tenga. Masakit yun ah.

"Etong batang to... my fiance na nga at lahat lahat nag papantasya pa rin sa kung sino sinong lalake. Sige bumalik ka na sa kwarto at matulog bago pa kita paluin ng walis dyan. Kalandian lang ang alam mo!"

Pumasok na ako sa loob at mamaya pa ay baka magkaroon ng latay itong gorgeous body ko. Hahawakan pa naman ni bebe Jake itong kamay ko kaya dapat hindi magaspang at baka pagbunutin din ako ng damo. Loka-loka talaga ako pagdating kay bebe Jake. I'm so crazy in love.

Bakasyon na namin kaya wala na kaming pasok. Tinutulungan ko naman si mama sa pagtitinda ng isda at paglilinis ng mansyon nila sir. Umiiwas na nga lang ako pag dadaan si Alapaap. Kasi lagi naman nangaasar. Alam naman nya kasing basa yung sahig eh dadaan pa with matching putik pa na dala yung sapatos nya. Kaasar talaga itong si Alapaap.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon