Cinema
Sabado
Umalis na sila papuntang tagaytay, siyempre naiwan ako para sa special date namin ni bebe Jake. Para hindi naman halata na head-over-hills ako sa kanya eh nag suot lang ako ng pantalon at puting t-shirt. Siyempre V-neck para konting pang-aakit. Syems! Pumunta ako ng maaga para abangan si bebe Jake. Napaka gentleman talaga ni bebe dahil hindi naman sya na late.
Nagkwentuhan kami tungkol sa school at ano pang mga bagay. Uuwi na sana sya ng ayain ko na mag-cine kami, gosh, napaka desperada ko talaga. Ako pa ang nag-ayang manood ng cine. Nanood kami ng horror, syempre alam niyo na ang kahinaan ng mga babae diba. Kaso ngalang hindi ako takot sa mga horror movies. Habang nanonood kami, yung nasa climax na ng istorya yung mga nakakatakot. Sumigaw yung mga tao at gumaya naman daw ako at biglang yakap kay bebe. Hahaha... imbis na matakot ako eh kinilig ako bigla. Bakit kasi an talino ko na maharot. Nayakap ko kasi ang crush ko ng hindi ako nabubuko na may gusto sa kanya.
"Naku nakakatakot pala yun, sana hindi na natin pinanood." Pagpapanggap ko na natatakot. Kunwari pa nga na naiiyak ako para hindi halata.
Pag-harap ko sa kanya ay namumutla sya. Naku! Bakit namumutla si bebe, may sakit ba sya? Hindi ako mapapanatag kung magkakasakit sya. Masyado kasing malamig sa loob eh. Kapag nagkasakit si bebe Jake talagang magrereklamo ako sa head office ng sinehang ito. Mark my word.
Hinawakan ko yung likod nya para tanungin kung ok lang sya.
Tapos...
Tapos...
Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng pagkahigpit. Nakabaon ang ulo ko sa dibdid nya at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Naririnig ko at nararamdaman ang bawat paghinga nya sa bawat segundo sa aking leeg.
Ano to? Natakot ko ba sya.
"Jake... uhm... pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Bulong ko sa kanya. Ahhh... this is once in a life time na yakapin ako ng bebe Jake. Peste naman kasi itong mga taong ito, dumaan na lang sana sila at huwag na kaming pansinin.
"Sorry." Humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin. "Kasalanan mo naman kasi eh... bakit kasi nanonood ka ng horror." Pagrereklamo nito.
"Teka takot ka ba sa mga horror movie? Hindi ko naman kasi alam..." Pagtatanong ko. Maya-maya pa ay narealise ko na takot talaga sya. "Teka... huwag mong sabihin na ang pinaka cool guy sa school natin ay takot pala sa mga horror movie." Pagtutukso ko sa kanya.
"Hinid ah!" Defensive na sagot nya. Bingo! tama ako.
"Talaga lang ha... eh halos mamutla ka dyan kanina." Pang-aasar ko.
Biglang namula naman si bebe Jake. Ahhh!!!! Bakit mas naging cute sya ngayon. Never kong nakita syang ganyan. Jake tama na ang pamumula mamaya baka ano pa ang magawa ko sayo.
"Hindi ako takot!" Naaasar nyang sagot. Pero ang gwapo nya pa rin.
"O sige na hindi ka na takot." Pang-aasar ko. "Jake bakit may kamay sa paanan mo?" Pagbibiro ko sa kanya.
Bigla ulit syang napayakap sa akin at nataranta. Hahahaha... hindi pala takot eh kung makayakap wagas. Pero ok na rin at least dalawang beses na. Teka takotin ko na lang ka sya para may free hug ako palagi. Good thinking miss genius.
"Ikaw ha... akala ko ba hindi ka takot pero kung makayakap ka wagas."
Bigla naman syang humiwalay at ngumiti... waww!!!! Ngumiti sa akin si bebe Jake my labs ko!
Nagtawanan kami ng parang baliw.
"You know what miss genius, you are really funny. Akala ko kasi snob ka at walang pake-alam sa mundo but it turns out na you are fun to be with." Sinabi ni bebe Jake. For you bebe, I can do all things kahit pa maging baliw ako para patawanin ka.
"Nah... you are just funny as I am." Sabi ko na parang hindi ako kinikilig, pero hindi nya alam na halos matumba na ako sa kinatatayuan ko.
"Well, Bianca, it is fun having you as a company. Can we be friends? I would like you to be my friend." Kahit more than friends pa ok lang my labs.
"Thats fine with me, Jake. Being with Taliya is fun but we only do thing girly stuff well we are both girl. But now, you as my new friend hanging with you is fun." Sabi ko naman.
"Well, if Taliya is girl friend mo eh di ako naman ang boy friend mo." Sabi niya. Wait nabibingi ba ako? Did I just heard BOY FRIEND?
Huminto ako at napatitig sya.
"Teka lang boy friend is not a term to use, male friend." Sabi nya. Kasar naman si bebe binawi pa yung sinabi nya, sayang. Pero sooner or later mahuhulog ka rin sa karisma ko bebe Jake.
Nagpaalam naman na sya at umuwi na. Tumawag naman ako kay papa para sunduin ako sa mall. Grabe ilang oras kaya ang aantayin ko makarating lang sya dito.
Biglang tumawag naman si papa at nasa baba na daw sya. Wow ang bilis. Tanga lang ba? Siyempre alam nyang susunduin ako dito sa manila kaya maaga umalis doon.
Pagkasakay ko naman eh naka kuha kaagad ako ng matatalim na tingin.
"Bianca... hindi kita pinalaki para maging malandi ah! Anong ginagawa mo ah! Narinig ko kay sir na kaya ka wala doon kanilang umaga sa resort eh nakipagdate ka muna!" Galit na sabi ni papa. Ngayon ko lang nakita si papa na magalit.
"Pa... puso nyo." Pagpapakalma ko.
"Hindi mo lang ba naisip yan sa umpisa! Nakakahiya kila sir, nandito ko na nakikipagtagpo sa kahit na sinong lalake samantalang yung fiance mo ay naghihintay sayo! Hindi ka ba nahihiya!" Kitang-kita sa mga mata ni papa ang galit at pagkadismaya.
"Pa pumayag naman si sir ah."
"Eh ako? Pumayag ba kami? Sino ba kaming nanay mo sa buhay no? Wala ka na bang natitirang respeto sa amin. Porket bang pumayag na si sir eh hindi mo na kami igagalang!" Napa-taas ang boses ni papa. Oo tama sya at mali ako pero nung nagdesisyon sila na ipagkasundo ako kay Alapaap tinanong ba nila ako?
"Pa bakit nung nagdesisyon kayo na ipagkasundo ako kay Alapaap, tinanong nyo rin ba ako kung gusto? Alam nyong hindi kami magkasundo pero pumayag pa rin kayo!" Sabi ko na medyo napataas din ang boses ko. Napatulo na lang ang luha ko. Hindi ko naman inaasahang lumabas yung iniisip ko sa bunganga ko.
"Kaya mo ba sinusuway kami? Pumayag kami arriange marriage para rin sayo. Sa tingin mo hindi kami nasasaktan tuwing nilalait ka ni Sir Sky, pero alam namin na hindi ka nya hinuhusgahan dahil mahirap lang tayo. Nagreklamo ka ba noon, diba hindi." Nakita ko ang mata ni papa sa rear mirror. Umiiyak ba sya? Nakikita ko kasi sa rear mirror na mapupula ang mata nya. Bigla naman akong naguilty, never kung nakita si papa na lumuha kasi lagi syang masaya.
"Pa sorry."
"Hindi naman kita pinagbabawalan na makipagtagpo kahit na kanino. Pero ang gusto ko lang, namin ng nanay mo, eh sabihin mo man lang. Yun lang Bianca. Patawarin mo kami kung hindi namin nasabi sa iyo kung bakit kami pumayag pero para rin sayo yun." Paliwanag ni papa. Oo hindi masyadong strict si papa kaya naman mas close ako sa kanya. Alam ko na mali ang ginawa ko.
"Sorry po uli papa."
"Anak alam kong hindi mo mahal si sir Sky at ganun din naman sya sayo. Kitang kita ko naman eh dahil hindi ako manhid o bulag, pero sa mata ng ibang tao ay magfiance kayong dalawa. Ikaw ang babae pero ikaw ang nakikitaan ng motibo. Ayaw kong balang araw na yan mismo ang sisira sayo. Hindi ko rin alam kung tototohanin ba ni sir Miguel ang engagement o panakot nya lang ba yun sa anak nya." Pagpapaliwanag ni papa. Sabagay tama sya. Hindi pa naman masyadong lantaran ang engagement namin kaya hindi pa masyadong magulo.
Nakarating kami sa tagaytay bago pa lumubog ang araw. Namangha ako sa ganda ng paligid at ang simoy ng hangin kasama pa ang tunog ng hampas ng mga alon sa baybayin. Hindi ko maiwasan ang mamangha sabayan pa ng kulay ng Alapaap na Orange. Ang ganda talaga.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...