Fight and hair
Tuesday
Hindi kami nagkikibuan ni Alapaap sa loob ng sasakyan at pati na rin si papa ay medyo tahimik. Inihatid muna namin si River tapos ibinaba na ako ni papa sa may kanto. Naglakad na ako papuntang school. Siyempre awkward pa rin kaming dalawa ni Alapaap. Pinagsabihan ni Sir Miguel na bawal uminom ng alak si Sky until his eighteen. Seventeen na kasi sya sa susunod na lingo at ako naman ay dalawang buwan pa para maging seventeen.
Usual marami na namang girls sa harapan ng school dahil darating na ang kanilang prinsipe. Ang prinsipe nilang halimaw at maligno. Grave ang nangyari sa weekends ko. Nakakastress talaga.
Ikinewento kay Taliya ang nangyari sa amin ni Jake nung nag-date kami. Excited akong sabihin sa kanya yun. Kahit hindi si Jake ang first kiss ko eh ok lang kasi sya naman ang first love ko.
Natapos na ang break time namin kaya pumunta na ako sa classroom. Nasa upuan ni Alapaap si Margaret bahagyang naghihintay sa kanya. Hinayaan ko lang sya since girlfriend nya naman ito. Biglang pumasok ang isa namin classmate at nag announce na hindi papasok ang next teacher namin. Kaya natulog na lang ako.
Naalimpungatan naman ako ng makarinig ako ng away kaya binuksan ko ang mata ko. Nakita ko si Denise at iba pang mga babae na nakapalibot sa upuan ni Alapaap. Who cares diba?
"Hoy... umalis ka dyan sa upuan ni Sky wala kang karapatan." Mataray na pagpapaalis nito. Sino kaya yung kausap nya?
"Denise I am just sitting here? Masama ba?" Sagot ng isang boses na parang kilala ko. Napalingon ako at si Margaret nga.
Oo Denise may karapatan sya kasi sya ang girlfriend. Hindi pa pala sya umaalis.
"Umupo ka na kahit saan huwag lang dyan. Besides you are nothing. Kabago-bago mo pa lang paepal ka na. Umalis ka dyan! Ano ba ang gusto mo aalis ka ng kusa o hahatakin kita dyan?" Pagbabanta na sabi ni Denise. Nag-agree naman ang mga ibang babae. Kawawa naman si Margaret kasi pingatutulungan. Kung ako sa kanya aalis na lang ako.
"I don't want to." Matapang na sagot ni Margaret.
"Ganun ba!" Sigaw ni Denise. Maya-maya pa ay hinila ni Denise ang buhok ni Margaret at natumba sya.
Nagkagulo na ang buong klase kasi pati na rin ang iba ay nakihalo na. Napatayo ako at tinulungan si Margaret. Unfair naman kasi ang laban. Habang tinutulungan ko sya ay sinabunutan na rin ako ni Denise. Array ang sakit parang hinihila ang anit ko.
Wala akong nagawa kaya lumaban ako at pinagsisipa sila. Nang matumba sila ay tinulungan ko si Margaret para tumayo. Pagkatayo ko ay hinila uli ni Denise ang buhok ko kaya napahiga ako.
Gusto ko nang umiyak pero hindi pwede kaya sinampal ko sya ng bonga kaya natumba sya. Sinasabunutan uli ng mga kasam ni Denise si Margaret. Tumayo ako at itinutulak sila.
Iyak ng iyak si Margaret kaya niyakap ko sya. Mayamaya pa ay may humila ng buhok ko at naramdaman ko na lang na may gumupit nito. Natahimik ang buong klase. Tumalikod ako at nakita ang hibla ng buhok ko sa ibaba. Unti-uniting bumigat ang pakiramdam ko.
Dumating naman si Sky na parang pagod kakatakbo kasama sila Gab at Blake. Umiyak si Margaret at mukhang kinabahan. Samantalang ako, napaluhod na lang at tinitignan ang buhok ko sa sahig. Halos nawala ang mga mata sa akin ng niyakap ni Alapaap si Margaret. Pero yung buhok ko.
"Anong nangyari dito!" Sigaw ni Alapaap sa buong klase habang yakap yakap nya si Margaret. Galit na galit ang tono nya samantalang umiiyak pa rin si Margaret.
"Yang babaeng yan kasi nakaupo sa upuan mo. Pinapaalis ko lang dahil diba ayaw mong may umuupo sa upuan mo." Pagpapaliwanag ni Denise. Pero galit pa rin si Alapaap.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...