BIANCA'S P.O.V
May bagong issue nanaman dito sa opisina na halos lahat sila ay nagkwekwentuhan. Hay naku kung maabutan sila ng halimaw eh siguradong mapapagalitan na naman sila.
"Anong satin? Bakit kayo nagkukumpulan dyan?" pagtatanong ko.
"Bianca. Narinig mo na ba na babalik na si sir Miguel? Ibig sabihin nun mawawala na rin si sir Sky. Kahit masungit sya minsan eh ayaw pa rin namin sya umalis kasi mawawalan na ng gwapo dito sa opisina." Maharot na sabi ng bakla.
"Narinig ko nga pero mas maganda na yun diba? At least wala ng beast mode dito sa opisina." Pagpapatawa ko.
"Ikaw kaya secretarya nya! Swerte mo at lagi mo syang nakikita eh kami minsan lang."
"Hayaan nyo na syang umalis para may peace tayo dito." Pahabol ko naman.
"Alam mo ikaw! Bakit ka laging nega kay sir? Napapansin na lang namin sayo yan. Palagi na lang kung maguusap tayo tungkol sa kanya eh lagi kana lang against. Bakit?" Pagtatanong ng bakla.
"Wala lang naman... naku! Kung makikilala nyo lang sya ng lubusan at baka ma bad trip ka na lang palagi." Pangangatwiran ko.
"Sus... baka may gusto ka na Kay sir tinatago mo lang." Pagtutukso nya.
Pwe! Ako? Magkakagusto dun? NO WAY!
Mayamaya pa ay dumating na rin ang halimaw. At halatang mainit na naman ang ulo. Sus lagi na lang naman mainit ulo nya.
Pumasok na ako sa office nya.
"Sir pinapatawag nyo daw ako?" Maykasamang pagsusungit.
"Yes... you know that dad will be coming soon so start packing my things now." Paguutos nya.
Naku upo pa ang bwisit na to ang sarap talagang ibalibag pagmumuka nitong lalakeng to.
"Sir excuse me po. I'm your secretary and not your maid neither your personal assistant?" Pagtataray ko sa kanya.
"Ano ba miss Sandro! I'm busy and I don't have any time to joke with you around!" Pagdabog nyang sigaw.
Nakita ng mga tao ang pagdadabog nya at nagaaway na kami.
"Sir with all due respect hindi po kasama sa trabaho ko ang magligpit ng mga gamit nyo." Pagtataray ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagbubulong-bulungan na nga ang mga ka office mates ko. Ha! Sige lang Bianca galitin mo lang sya.
"Miss Sandro talaga bang ginagalit mo ko!" Padabog na ibinaba nya ang mga papel na hawak nya.
"Sir pwede akong magreklamo dahil hindi ko po pinirmahan na maging instant alalay nyo po at wala yun sa contrata."
Tuluyan ng nagalit si halimaw kaya tuwang tuwa naman ako. Hahaha buti na lang at nakaganti ako.
"So this is what you want ha! Ok I give what you want!" Paghahamon nya.
"Nasa katwiran ako kaya po pinaglalaban ko." Pang aasar ko sa kanya.
"Ok... just start packing all my things in this office because I said so and it is your job not as my secretary but as my WIFE. MRS BIANCA SANDRO AVULANTE." Pinagdiin nya pa na asawa nya ako. Yuck! Kadiri talaga.
Napalingon na lang ako at isinara ang pinto sa likuran ko.
"What the hell are you thinking! Talaga bang ipagpapalakandakan mo yan accidente na yan?" Mariin na sinabi kong galit ako.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...