Chapter 15: 2x Fight

705 24 1
                                    

Fight and Fight


Bianca P.O.V

Ang ganda ng araw ko ngayon dahil nag text sa akin si bebe Jake ko. Sino naman ba ang hindi? Gusto nya na mag-date...ay este magkita kami, pero para sa akin pareho lang yun. Ah basta sa sabado taken ako... SA SABADO!

Huwebes na kasi ngayon at dalawang tulog na lang ay makikita ko na si bebe Jake my labs ko. Aieeeee!!!!!! Ano kayang paguusapan namin? Sana this time sabihin nyang, "Bianca, I love you since the day I laid my eyes upon you. Hindi ko lang kayang sabihin noon dahil nahihiya ako at natatakot na mabasted pero ngayon wala na akong paki-elam. Please.... will you be my girlfriend?" Ahhhhhh! Take me now! Ang ilusyonada ko noh. Pero go lang ang day dream ko. Walang kokontra girls.


Iyong araw din na yun ay nakita ko si Alapaap at si Margaret na nag-uusap nanaman sa tagpuan nila. Grabe halos ata araw-araw pero who cares diba. Tapos may bigla akong naisip, what if, kung may tagpuan din kami ni Jake. Biglang namula ang pisngi ko at gusto kong gumulong-gulong sa lupa ng meron akong naramdaman na may bumatok sa likuran ko.

"Ano naman ang ginagawa mo dyan ha Bianca?" Sigaw ni bestie. Siya pala ang pumutol sa happily ever after ko. Kaasar naman o, minsan kasi basag trip din itong si Taliya.

"Bestie naman... iniimagine ko si bebe kung anong gagawin namin sa sabado. Maguusap na naman ba kami about life. Sana nga ikasal na kami bukas o kahit ngayon eh okay lang sa akin. Kahit walang wedding gown, ok lang talaga. May pupuntahan kasi kami sa sabado mag didate kami." Kinilig ako nag sobra. Grabe talaga ako makaimagine no. Wala eh... I am crazily in love with Jake.

"Ewan ko sayo. Baliw ka na ata... eto ka at nagpapanggap na cool and chilled girl pero sa totoo lang ay halos mabaliw ka na makita lang sya." Pagsusuplada ni bestie. Bitter ni bestie.

"Bestie alam ko na ang whole meal mo for the rest of your life." Hirit ko.

"Ano?" Tanong naman nya.

"Breakfast mo eh ginisang ampalaya sa kamatis. Lunch mo naman, ginisang ampalaya sa itlog. Dinner mo naman, pinapaitan ng napakaraming apdo. Hahabol pa ang drinks mo na ampalaya juice. Kasi naman bestie napaka bitter mo sa buhay!" Pagbibiro ko sa kanya tapos tumawa, kaya nabatukan na naman nya ako.

Napangiti naman sya at hinila na ako sa puno kung saan kami kumakain. Wala kasi gaanong tao dito kaya mas komportable kami dito kumain.

Bumalik na kasi sa pagiging bitter si bestie. Teka lang, bakit kaya? Anong nangyari sa pagpapantasya nya kay Alapaap. Ay baka nagsawa na, sino naman ba kasi ang makakatagal sa Alapaap na yun. Except for Margaret. Girlfriend nya kasi eh, poor her, dahil ang sama ng ugali ng boyfriend nya.





Biyernes

Walang pasok ngayon kasi umalis lahat ng mga teacher ng grade 11, dati kasi nalulungkot ako kapag walang pasok pero ngayon halos mapatalon ako sa tuwa. Nagpapabeauty rest ako para sa date namin ni Jake bukas. Pinuno ko ng pipino at kamatis ang mukha ko habang naka higa sa may bandang garden na malapit sa pool.

Maya-maya pa ay biglang bumuhos ata ang malakas na ulan at basang basa ako. Teka hindi naman kumukulog ah. Napatayo ako at pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang pagkasama-samang hangin na may ipo-ipo na may hawak na timba.

"Putek naman Alapaap nakikita mo naman na nagbubeaty rest ako! Anong problema mo ha!" Sigaw ko sa kanya. Guluhin ba naman ang ginagawa ko ng walang dahilan.

"Ikaw ang problema ko!" Sigaw nito. Galit na galit sya.

"Ano naman ba ang ginawa ko sayo!" Oo nga, ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Wala pa naman akong ginagawa ah.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon