Chapter 25: Break up

728 29 0
                                    

Break up.



Bianca P.O.V

Grabe hectic talaga ang araw na iyon... pagod na pagod ako kasi tumulong muna ako kila ate Rowena bago matulog. Ang laki na tuloy ng eyebags ko. Buti na lang at cancel lahat ng classes namin ngayon buong araw pero hindi pwedeng umuwi ang mga estudyante. Hay! Nakakabagot naman.


Dumeretso na ako sa tambayan namin at nakasalubong ko naman si Alapaap na nakasimangot. Ang aga-aga eh parang nalaglagan ng atomic bomb ang mukha nya. Hehehe maasar nga muna sya kahi konti para mawala naman itong pagkabagot ko.

"Kay aga-aga nabasungot naman yan mukha mo! Sabagay parang hindi naman halata kasi ganyan naman na talaga mukha mo nung una pa eh." Pagbibiro ko naman. Inaasahan kong lolokohin din nya ako para magsimula na naman ang world war. Ah! Teka lang nakalimutan ko na ang number! Pang twenty-four na ba o twenty-five?

"Hoy Bibingka huwag muna ngayon at mainit ang ulo ko." Sagot naman nito. Seryoso ang boses nya at parang galit nga pero wala akong pake. Hmp!

"Pake ko naman kung mainit ulo mo... I mean like I care!" Pagtataray ko sa kanya.

Hindi ko naman inaasahang ganon ang magiging reaction nya. Hinawakan nya ang braso ko at hinigpitan ang pagkakahawak nya. Halos mabali na ang kamay ko sa higpit ng kamay nya. Napatingin ako sa mga mata nya at napaligiran ito ng galit pero may isang sulok na para bang lalabas na ang mga luha nya.

Tinanggal naman nya ang mga kamay nya sa braso ko at umalis. Alam ko kung galit sya o hindi pero this time while I'm looking at his eyes it simply saying that he is neither angry and sad but the combination of both.

Hinawakan ko naman ang mga braso ko at itinaas ang mangas ng damit ko. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya ay parang namamaga at naging kulay violet na ito. Pero hindi ko na ininda at pumunta sa pwesto namin.

Nakita ko naman si Margaret na umiiyak.

"Anong nangyari at bakit ka umiiyak Margaret?" Naging curious ako kasi galit si Alapaap at ngayon ay umiiyak naman itong gf nya.

Biglang yumakap sa akin si Margaret at nasagi nya yung pasa na ginawa ng bf nya. Array! Pero hindi ko pinahalata.

"Bianca... Sky is angry at me! What should I do? I didn't mean to make him mad specially that it was his birthday yesterday and didn't come!" Humagulgol sa iyak si Margaret. Yun lang ba ang problema nung malignong halimaw na yun. Sapat na ba yun para paiyakin nya zng gf nya. MALIGNO TALAGA! Nakakapang init ng dugo talaga!

"Ano bang nangyari?" Tinanong ko sya habang inaayos ang buhok nya.

Napatahimik naman si Margaret. Lumingon ako kay bestie pero nagkubot-balikat lang ito. Mukhang hindi din alam ni bestie.

Tumingin sa akin si Margaret.

"Well... when my father found out that Sky is already engaged, two days before his birthday, he also found out that I am dating him. Our families are enemies that is why I didn't go to his birthday party. Also the sole reason why we cannot let anyone to know about it." Pagpapaliwanag nya. Aba ako rin naman magagalit siyempre sino naman ba ang hindi magagalit. Malaman ko na ang anak ko at nakikipag-date sa taong engaged na. Gush mio! Pero ang hindi ko maintindihan is bakit magkaaway ang mga magulang nila. Sapat na ba yon na rason para hindi nila ipaalam ang pag-iibigan nila?

Kailangan ko rin ipadama na mali ang ginagawa nyang pagtatago sa tatay nya.

"Ano ka ba? Kung ako ang tatay mo siyempre magagalit ako! Sino naman ba ang tatay na matutuwa na malaman na ang anak nya ay nakikipag-date sa isang lalakeng may fiance?" Totoo naman ang sinabi ko diba. Kailangan nya rin maintindihan ang position ng kanyang ama.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon