Chapter 10: Theatre Play

788 31 0
                                    

Snow White, The Prince

Inumpisahan na pala ni Alapaap ang world war three sa pagitan namin ng hindi ko man lang alam. Ganun pala ang gusto nyang laro ah, madami pala syang mga pakulo na tinatago. Sige game ako dyan, sakitan na kung sakitan. Akala ko pa naman din ay may isang salita sya yun pala eh may pinaplano na pala. Game on na!

Hindi pa pumapasok si bestie, kamusta na kaya sya, sana ok lang sya. Pagpasok ko sa loob ng classroom ay may biglang nalaglag na lang na eraser sa ulo ko. Oo eraser pero siyempre walang dust kasi white board ang gamit namin pero masakit ah. Pinagtawanan naman ako ng buong klase siyempre parang demonyong maka-ngiti itong Alapaap na ito.

Dumating naman si sir gwapo at siyempre na star struck nanaman ako ang gwapo nya kasi. Sinaway naman nya ang mga hinayupak kung mga classmates. Thank you sir, you are now my one knight shinning armour. Nagbigay sya ng quiz at the same pa rin ang kinalabasan, tie pa rin ang score namin ni Sky. Actually nagbigay na sila ng ranking at first sya, second lang ako. Grabe nakakarami na ng atraso sa akin itong mokong na ito ah. Ok lang sana na maging second placer lang ako, pero beneath Sky is unacceptable.

Malapit na rin pala ang school festival namin kaya nag-iisip si sir ng gagawin namin.

"Class may naisip akong idea for our class participation for our coming school festive. Well first time natin itong gagawin kaya dapat lang special din ang mga character." -sir gwapo.

"Sir what do you mean by character? Are we going to do a play?" Excited na tanong ni matangkad na maganda pero maldita. Actually ang pangalan nya ay Denise.

"Yes we are going to do a stage play. Gusto nyo ba?" Lahat sila ang nagsi- agree. Siyempre sino naman ang hindi. "Well we are going to do Snow White and the three goblins."

Ano yun, diba dapat snow white and the seven dwarfs, bakit three goblins? Ang lakas din pala ng trip ni sir.

Lahat sila ay nagsitawanan pero seryoso si sir. Pinaliwanag nya ang konsepto. Yung three goblins ay haharangan nila yung Prince para hindi sila magtagpo ni Snow White. Cool ang concept pero weird.

"Well meron na akong napili para sa character ni Snow White at nung Prince." Sinabi nito.

"Well si Sky Avulante ang Prince at si Denise Diego sana si Snow White."

"Sir bakit sana? Hindi ba ako ang gaganap na Snow White!" Reklamo ni Maldita.

"Sorry Denise pero utos ito ng principal. I personally choose you kung pwede pero magkakaroon tayo ng problema kung ipipilit mo. I don't doubt your acting skills pero this si actually a favour asked by Sky's father." Paliwanag ni Sir.

Parang alam ko na ang hihinatnan nito. Napatayo naman si Sky at lumabas ng pinto. Malamang magagalit yun dahil may kinalaman nanaman yung dad nya. Mag ama sila pero hindi sila magkasundo.

Lumabas na rin ang mga iba kong mga classmates. Sabay naman na nag ring ang bell for our break time. Tinawag ako ni sir sa office nya.

"Miss Sandro alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin kanina. Nagulat nga ako ng malaman kong ikaw pala ang fiance ni Sky."

"Sir... pwede po wala na po sanang makakaalam ng tungkol dito, kasi po alam nyo naman po yung mga babae dito, fans lahat nj Alapaap. Hindi rin naman kasi namin gusto, maslalong ako, na malaman pa ito ng iba. What I mean is, our engagement is something that we both dislike. We are actuallly force into it." Pagpapaliwanag ko kay sir.

"Excuse me Miss Sandro but who is this Alapaap?"

"That is my term for Mr. Avulante. I refuse to call him in his name. I just don't like saying his name." Pagmamatigas ko. Ayaw ko talaga kasing tawagin sya sa pangalan nya. Kinikilabutan kaya ako.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon