Bianca P.O.V
Jusko po nakakahiya yung ginawa ni Sky. Halikan ba naman ako sa harap ng maraming tao? Pero kinilig talaga ako.
Nakaka-ilang lang dahil Mrs. Avulante na ang tawag sa akin ng mga ka officemates ko. Nung una ang dami nilang tanong sa akin. Minsan paulit-ulit na lang mga tanong nila sa akin. Kadalasan nga eh yung love story daw namin ni Sky, na halos kiligin pa sila hangang sa pagtulog. Nakakakilig naman kasi diba! Who would think that the greatest enemies turned to be husband and wife.
Si Sky naman ay palagi ng busy dahil dumami ang investors namin. Minsan nga hindi ko na namamalayan syang umuuwi kung gabi. Busy rin ako about sa kasal namin. Papalapit na kasi. Nakaka excite talaga ang wedding pero hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Lumipas pa nag ilang araw, naging super busy na si Sky na halos hindi na sya umuuwi. Nag aalala na nga ako sa kanya dahil napapabayaan nya na ang kalusugan nya. Every time na binibigyan ko sya ng food ay ngumingiti lang sya at titikim tapos babad na naman sa computer nya.
Nagdecision ako na hintayin ko sya. Nasa labas ako ng office nya. Hindi na ako pumasok sa loob ng office baka kasi maistorbo ko yung ginagawa nya. Nakakaidlip na ako ng bahagyang sasandal na ako sa pader ng nagulat ako sa pagbukas ng pinto.
"What are you still doing here?" Gulat na sinabi nya.
"Ano pa eh di hinihintay ka? Tapos ka na ba? Tara umuwi na tayo." Bahagyang hihilain ko sana sya ng pigilan nya ako.
"I'm sorry Bianca, but I can't just go home yet. I'm still doing something important." Sabi nya at nakita ko na bakas sa mukha nya na importante talaga.
"Sige uuwi na ako... huwag mong papabayaan ang sarili mo ah. Don't push yourself." Pagkasabi ko ay nagulat na lang ako ng yakapin nya ako.
"I'm sorry for keeping you wait. But I'll promise that I will make this problem be solve quickly." Sinabi nya. Sabay halik sa mga labi ko.
Umuwi na lang ako mag isa.
Ilang linggo na rin hindi sya umuuwi. Nag-aalala na ako sa kanya dahil pinapabayaan nya na sarili nya. Gaano ba kalaki ang problema ng kompanya at halos ilang lingo na syang nagtratrabaho.
Sabado at nagtratrabaho pa rin ang asawa ko kaya naman nagdesedido ako na tanungin si dad about the company's status.
"Dad, may problema ba about sa company? Hindi ba sya stable?" Napatanong ako.
"That's impossible Bianca. The company will run smoothly even we're not around." Kommento ni dad.
"Pero po napapansin ko na sobrang sub-sub sa trabaho si Sky lately? That's why I concluded na may problema ang kumpanya."
"That's odd? Sky just reported last night that the company received 200 million." He said.
"Sige po dad baka nagawan nya ng solution." Napabuntong hininga naman ako.
"Don't worry Bianca, whatever he does, he is doing it with purpose so don't you worry for him. Instead, support him in all times and just trust in him." Pag papagaan ni dad sa loob ko.
Kinagabihan ay hindi na naman umuwi si Sky. Pero hindi ko na inintindi dahil alam ko na ginagawa nya ang lahat para sa kumpanya.
Lumipas pa nag ilang linggo at madalas ko ng napapansin na hindi na umuuwi si Sky sa bahay at madalas na syang nagiging busy sa trabaho.
Hangang napansin na rin ito ng ng mga ka officemates ko. Madalas na rin hindi kasi nya ako tawagin sa opisina nya. Kung wala naman pala problem sa kumpanya eh bakit bibihira lang sya umuwi. Nagpasya akong pumasok sa opisina nya.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...