Chapter 6: Goodbye my Happy Life

879 31 1
                                    

Goodbye my Happy Life

SKY P.O.V

Habang naliligo ako, bigla na lang akong nakaramdam ng isang presensya ng isang tao sa loob ng kwarto ko. Hindi ko kasi gusto na may ibang tao sa loob ng kwarto ko kaya laking galit ko na lang kay dad nung pinuno nya ito ng mga babae. Siguro pumasok si River sa loob para maglaro. Ilang beses ko na ba pinag sabihin sya na huwag papasok sa loob.

Nagulat na lang ako ng nakita ko si Bibingka sa loob ng kwarto ko at nung sinita ko sya ay para syang may tinatago sa likuran nya. Bakit hawak-hawak nya yung diary ko? Kaya naman sinubukan kong agawin ito. Nakakaasar bakit ba kasi sya pumasok dito sa kwarto. Nang sinubukan kong agawin ito at bigla na lang syang natumba sa kama ko at napatid naman ako kaya bumagsak ako sa kanya. Sa oras din na yun eh pumasok si River para tawagin ako. Nakita nya kami at nakapagbitaw ng salita na hindi magandang pakinggan sa tenga.

Kaagad akong tumayo at pinaalis itong si Bibingka. Talaga naman oo... yang babae na yan talaga ang sumisira sa araw ko!

Pagkababa ko sa kwarto dumeretso ako sa garden area kung nasaan si papa. Nandoon na rin si River, sana hindi nya sinabi ang nakita nya. Ngumiti lang si dad ng nakakaloko. Nalintikan na, sigurado ay nasabi ni River. Hindi ngingiti ng ganyan si dad... believe me.

Bianca P.O.V

Tumakbo ako sa bahay at nagkulong doon buti na lang ay wala si mama at si Gloria lang. Biglang nag-init ang buo kong katawan at para bang umiinit din ang aking mukha. Siyempre sino ba ang hindi mahihiya sa ganong sitwasyon tapos nakita pa ngbata. Kaya nagpagulong-gulong ako sa kama dahil nakaramdam ako ng matinding hiya.

"Hoy ate... umayos ka nga dyan. Nababaliw ka na ata dyan. Pinapatawag ka ni mama at ni papa sa garden nila sir Miguel. Buti ka pa may pa garden-garden breakfast dyan. Swerte mo ate dahil ikaw ang napiling maging fiance ni sir Sky. Kung mas matanda lang ako sayo eh di ako sana ang pinili eh di hamak na mas maganda pa rin ako sayo." Sabi ni Gloria.

Bigla akong bumangon sa kama at hinawakan ko yung kamay ni Gloria. Hindi ko na pinansin yung mga sinabi nya.

"Glory... anong sabi nila mama at papa, bakit daw nila ako pinapatawag." Kinakabahan ako sa maaring sabihin nila. Siguro sinabi na ni River yung nakita nya, baka magkamali sila ng interpretation.

Pumunta ako sa garden at nakita ko sila mama, papa, si River, si sir Miguel at si Alapaap. Naku po parang alam ko na ang hinaharap nito.

Biglang tumayo si mama at lumapit sa akin, tapos hinawakan nya yung tenga ko. Siyempre alam nyo na ang susunod nyang ginawa. Napatingin ako kay Alapaap... loko yun tatawa-tawa pa.

"Bakit ka pumasok sa kwarto ng lalake ha! Yan ba ang itinuro ko sa inyo!" Galit si mama habang sinisigawan nya ako.

Kailangan kong mag-explain ng mabuti para hindi ako mamisinterpret. Mahirap kayang pagkamalan noh.

"Ma, Pa... Sir, actually po is hindi talaga sana ako pupunta sa kwarto nitong si Alapaap. Sino naman po ba kasi ang may gustong pumunta doon, Kaso po sa mga nakaraang araw eh naasar po ako sa kanya kaya po gusto ko sanang gumanti pero sa kasamaang palad eh nahuli po ako. Gusto ko po sanang malaman ang mga kahinaan nya para naman po makaganti. kaya ko po binasa yung diary nya. Nahuli nya po ako sa kwarto nya at pilit inaagaw nya yung notebook nya eh napatid po kami sa kama nya. Sakto po binuksan ni River yung pinto kaya yun... alam nyo na po yung the rest." Sinabi ko yung totoo siyempre para iwas gulo.

"Is that right son?" Tanong naman ni sir Miguel sa anak nya. Tumango lang itong buwisit na Alapaap na ito.

Humingi naman ng tawad sina mama at papa sa ginawa ko. Pero itong si River eh hindi pa rin ata maka-move on at ngumingiti pa dyan sa gilid.

"Well... malinaw na talaga ang lahat pero may gusto sana akong sabihin sa inyo. Especially sa inyo Oscar at Glorifina. Ang gusto ko sanang mangyari eh lumipat si Bianca sa school ni Sky."

Nagulat akong bigla. Ayaw kong lumipat ng school, sa school na nga lang ako malaya dito kay Alapaap tapos ngayon ay pupunta pa ako sa school nya. No way. Hindi ko pwedeng iwanan si Taliya, she is my best friend and most importantly eh si bebe Jake ko. Ayaw kong isipin na hindi ko na sya makikita pang muli! Ayaw ko!

"Dad are you being serious?" Tutol ni Jake. Salamat naman at ayaw nya din.

"Well ano sa tingin nyo since engaged naman na sila diba mas maganda na mag-aral sila sa iisang school?" - Sir Miguel.

Mama huwag kang papayag.

"Sir gustuhin man namin eh wala kaming pera para mapagaral sya sa magarang eskwelahan ni sir Jake." Sabi ni mama. Tama si mama wala kaming pera para sa school ni mokong. Tsaka puro kaartehan lang naman ang nandoon. Poor kami kaya hindi pwede.

"Huwag nyo nang-isipin pa yun. Bianca is my future daughter in law na mapapangasawa ng anak ko. She will be an Avulante in the future, so tama lang na ngayon pa lang ay masanay na sya na nakikita parati si Sky." Pahabol ni sir Miguel.

Mukhang nagalit si mokong. "Dad! I am not going to agree to this. Being engaged to that female perv eh tama na. Pero letting her na mag aral sa school ko, no way!" Tutol nito.

"Hush Sky!" sagot naman ng kanyang ama.

"Oscar at Glorfina, think also for the future of your daughter. Kung makakagraduate sya sa isang kilalang school eh hindi na sya mahihirapan hanapan ng kolehiyo." Pagkukumbinsi ni sir Miguel.

Mama please huwag kang papayag. Nag tinginan sina mama at papa tapos sabay tingin sa akin. Umiling naman ako, senyas na tutol ako sa idea.

"Sir, kung libre ang matrikula nya bakit hindi. Gusto naman namin ang mabuti sa aming anak. Natatakot lang po kami dahil na mahirap sya ay baka tuksuhin sya doon. Ayaw naman po namin yun." Sabi ni papa. Go papa. Please gawa ka pa ng dahilan.

"About the tuition, ako na ang bahala doon. Student council doon si Sky, kaya sa mga bully eh sya na ang bahala. I don't think naman na pababayan sya ni Sky." -Sir Miguel.

Napatingin si Sky sa papa nya. Ano kaya ang nasa isip ni sir? Alam naman nyang mainit ang dugo sa akin ng anak nya.

"Sige sir pumapayag na kami." sabi ni mama.

Oh no... bakit mama pinagkalulumo ang maganda mong anak. What about my Jake na, sino na ang mag-aalaga sa kanya. Sino na ang magiging friend ni bestie.

Umalis na sina papa at si sir papuntang opisina. Umalis na din si mama papuntang palengke. Lutang na lutang ang utak ko. Wala na bang mas-lala kesa sa araw na ito? June 13 2***, friday, isinusumpa kita.

Papunta ako sa bahay namin ng hinarang ako ni Alapaap.

"Do you think you will get away out of this?"

"Tabi! Tumabi ka dyan Alapaap kung ayaw mong masipa dyan."

"Sabi ni dad na akong bahala sayo... yes i will guarantee that. Hindi kita pababayaan... na maging masaya habang nasa school ka." Banta nito. Umalis sya kaagad at pumunta sa kwarto nya. Sabay titig din sa akin ng masama.

Nagwala naman ako sa inis at galit sa kanya. Ngayon goodbye na sa happy school life ko. Goodbye na rin sa love life ko, ayaw kong iwaanan si bebe Jake my labs. Marami pa namang mga bruha sa paligid nya, baka kulamin sya. Ako muna sana ang unang kukulam sa kanya.

Ha!!!!

Kaasar talaga si Alapaap!

Hindi ko sya aatrasan!

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon