Date
Saturday
Hindi kami nagkibuan ni Alapaap pagkatapos ng nangyari during the epic play. Sino naman ang magkikibuan kung may nangyari ganun diba? Tumahimik ang buong mansion ng mga Avulante dahil wala na ang nagbabangayan. Siyempre nakakahiya kung magsasalita pa ako. Ang iniisip ko na lang eh papaano sa lunes? Malamang mayayari ako sa mga bully doon.
"Wow ang nangyari bakit walang gera ngayon? May peace treaty ba?" Walang alam si Gloria sa nangyari dahil hindi sya dumalo nang play namin.
Napatingin naman ako sa kanya at bahagyang tiningnan sya na para bang sinasabi na tumahimik ka. Maya-maya pa ay dumating si River at naupo sa tabi ng malignong kuya nya.
"Ate, kuya why are you both so quiet today?" Napatanong sya. Tumingin naman si Gloria Kay River at kinausap sya. Ang cute talaga ni River kung nagtatanong.
"Was it because ate bibingka kiss kuya infront of the whole congregation yesterday during their play? It was normal isn't it since they are engaged." Walang malay na sinabi ni River sa harapan naming lahat. Binabawi ko na ang sinabi tungkol sa kanya, hindi na sya cute.
Sabay naman kaming nag-react sa sinabi ni River. Naibuga ni Alapaap ang juice na iniinom nya at samantalang napatapik naman ako sa noo ko.
Biglang nag-react si Gloria at tumawa ng malakas. Tumawa na din sina mama at papa pati na rin si sir Miguel. Ano ba kami sa kanila, clowns?
Si River ang klase ng bata na walang paki-elam sa iba basta masabi nya lang ang gusto nyang sabihin. Pesteng bata to oh! Hindi nya ba alam kung anong ibig sabihin ng be sensitive in occasion like this.
Napatayo naman si Alapaap sa inuupuan nya at nag-walk out. Aba ako ang babae dapat ako ang mag-walk out at hindi sya. Kaya tumayo naman ako para umalis.
Pumunta ako sa mall para naman maka-hinga ng malalim at para na ring walang sagabal. Habang naglalakad ako sa isang shopping center ay bigla akong napatigil dahil nakatanaw ako ng napaka-gwapong nilalang sa buong mundo. Si bebe Jake may labs ko! Grabe ang hot nya tignan.
Sinundan ko sya at napatigilan na lang ako ng umupo sya sa food court. Naalala ko tuloy ang nangyari dati, baka mayhinihintay sya uli kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para wala ng umupo pa sa tabi nya. Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni bestie. Sinagot naman nya ito at para ba syang galit sa pagtawag ko.
(Cellphone conversation)
"Hello bestie kamusta ka na." Pagbati ko.
"Hindi okay kasi tumawag ka, alam no naman na busy ako tuwing sabado tapos tatawag-tawag ka!" Pasigaw na sabi ni bestie. Ano ba to galit nanaman. Ngumiti ako ng malapit na ako sa upuan ni Jake. The moves din noh.
Malapit na ako sa upuan ni Jake.
"Bakit? Hindi ka ba makakapunta dito. Nandito na ako sa mall. Kanina pa ako dito."
"Anong sinasabi mo dyan babae ka? Wala naman akong naaalala na may usapan tayo. Tsaka istorbo ka sa ginagawa ko!" Pagsigaw nya. Tapos binaba nya na ang linya.
Array naman. Sige na nga at nandito na ako sa tapat ni Jake sana makilala nya ako.
Nagpanggap ako na nasa linya pa rin si Taliya.
"Hindi ka na ba makakpunta sige na nga ako na lang dito mag-isda." Tapos binaba ko na yung cell phone ko. Sabay naman na lumingon ako sa kanya.
Siyempre pa mysterious effect naman daw. Pero hindi ako nabigo kasi kinausap nya ako.
"Ikaw ba yan miss genius?" Tanong ni Jake. Ahhh... kinikilig ako dahil tinawag nya akong miss genius. Abay dapat lang kasi ang galing ng ginawa kong drama kuno.
BINABASA MO ANG
Engaged To My Mortal Enemy
Teen FictionNagkaroon ng isang instant arrange marriage sina Sky at Bianca matapos paghinalaan ng dad ni Sky na bakla si Sky. Mortal na magkaaway sina Sky at Bianca mula pa noong bata pa lang sila. Ayaw nila talaga sa isa't isa at kulang na lang ay magsuntukan...