Chapter 14: Story Behind

704 28 0
                                    

Dumaan ang sabado at pumunta naman ako talaga sa mall pero wala doon si Jake. Magtetext sana ako sa kanya pero baka nakukulitan na sa akin kaya wag na lang.

Lunes na uli kaya balik na ako sa dati kong buhay. Excited pa naman ako noong sabado pero wala pala akong mapapala. Pero siyempre I won't give up in this unrequited love. Ako pa! Naka first step na nga ako tapos ngayon pa ba ako aatras. No way! This will not be called love if I am going to step back.

Marami nang nagiging kaibigan si Margaret sa school, hindi lang mga babae kundi mga lalake din. Natatawa nga ako kung titigan sya ni Alapaap, para bang gusto ni Alapaap na paggugulpihin yung mga lalakeng umaaligid sa kanya. Ay... kawawa naman si Alapaap dahil hindi nya kayang bugawin yung mga langaw sa paligid ng girlfriend nya. Good for him! Bad ko no!

Pumunta ako sa music room at nakita ko na nandoon si Margaret at tumutugtog ng piano. Tumingin muna ako sa paligid at nakitang wala naman yung ugok na yun kaya pumasok ako.

Nginitian naman ako ni Maragret. Mabait naman pala sya eh masasayang lang kung mapupunta sya sa malignong Alapaap na yun. Halimaw kaya yun.

Pinanood ko syang maglaro at naeenganyo ako sa kanya.

"Ang galing mo naman." Sinabi ko sa kanya.

"Thanks. Ikaw pala yung nasa likod ko diba? Your name is Bianca Sandro, right?" Sinabi nya sa akin.

"Oo please to meet you. Sorry ha kasi hindi kita nilalapitan sa loob ng classroom ang dami mo kasing friends eh kaya hindi ako makalapit sayo." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Do you know how to play piano?" Nginitian nya ako.

"Konti lang." Sabi ko naman. Siyempre dalawang peice lang ang alam ko.

Pinaupo nya ako sa tabi nya at humiling syang tumugtog ako. Eh nangangati na kasi akong tumugtog kaya naglaro na ako. Yung tinutugtog nya nung nakaraang araw ang nilaro ko. Memorize ko kasi yun since ang mommy ni Alapaap ang nagturo sa akin nun.

Nagulat naman sya dahil nabuo ko ang piece na iyon.

"Are you a pianist? Alam mo bang nahihirapan ako sa piece na yan? Pero ang  galing nagawa mo." Pinuri nya ako. Oo talaga na mapeperfect ko yun eh yun kaya yung peice na paulit-ulit na nilalaro ko nung bata pa ako.

"Ayan lang kasi ang alam ko nung bata pa ako. Itinuro sa akin yan ng isang napakabait na tao. Pero kung gusto mo ituro ko rin sa iyo yun. Kung ok lang sa yo?" Sinabi ko sa kanya. Pumayag naman sya kaya itinuro ko sa kanya.

Makalipas ng ilang minuto ay nakuha nya rin. Mag riring na yung bell kaya umalis na ako. Pero patuloy nya paring tinutugtog.

Sky P.O.V

Nakakabwisit naman yung meeting na yun ang tagal-tagal malapit na mag bell at hindi pa ako nakikipagkita kay Margaret. Sana hindi pa sya umaalis sa music room. I really want to see her. Kahit ganito ang situation namin ay ok lang basta nakakasama ko sya.

Nangmalapit na ako sa music room ay narinig ko naman yung tunog ng piano kaya lumapit ako para pakinggan. Salamat naman at nandoon pa sya. Napangiti ako dahil tinutugtog nya ang favourite kung piece na tinutugtog din ni mama dati. Yun nga lang ay hindi nya napeperfect pero ok na rin.

Naghihintay ako na magkamali sya bago buksan yung pinto pero nagulat na lang ako na nagawa nya yung peice ng buo. Napangiti naman ako para sa kanya.

"Babe... I'm so proud of you na nagawa mo na yan." Bati ko sa kanya.

Napatayo naman sya at ngumiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Thanks. Actually hindi ko pa sana yan magagawa kung hindi yan itinuro ng isa sa classmates natin. You know what... I can say that she is a good pianist because the way she moves her hands are flawless. I can't believe in the first place that she can play but then she did it and she taught me." Sinabi nya sa akin. Wait... Pero Sino naman ang nagturo sa kanya. Wala naman akong alam na magaling mag piano sa classroom namin.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon