Chapter 50: Heart broken

663 25 0
                                    








Playground

"Babe maniwala ka hindi ko sinasadya. Lasing ako noon at akala ko ikaw sya kaya ko naman nagawa yun. Hindi ko sya mahal! Ikaw... ikaw lang ang mahal ko. Please babe maniwala ka." - Harry

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Nagkita kami ni Harry sa coffee shop na pinagusapan namin. Sa katunayan ay nahihiya pa ako sa ginawa namin kahapon pero happy din ako dahil bumalik na ang Harry na kilala ko. Pero gumuho ang mundo ko ng sabihin nya sa akin na nakabuntis sya ng ibang babae at mag aapat na buwan na itong buntis.

Akala ko pa naman na ok na ang lahat pero bakit ganito ang nangyayari.

Tumakbo ako hanggang nakarating ako sa playground at doon na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Minahal ko sya pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nagmamakaawa sya na patawarin ko sya, pero hindi ko kaya.

"Babe maniwala ka hindi ko sinasadya."

Napatingin ako sa kanya at sinampal.

"Hindi mo sinasadya! Hindi mo sinasadya ha!" Binigyan ko sya ng magkapatid na sampal. "Hindi mo sinasadya na mabuntis mo sya! Mag aapat na buwan na pala Harry pero hindi mo man lang sinabi. Kaya pala lagi ka na lang busy. Bakit? Dahil ba hindi ko mabigay ang gusto mo?"

"Babe hindi sa ganon." Pagmamakaawa nya.

"Then what! Then what, tell me? Hindi ba ako sapat? May kulang ba?" Hindi ko na napigil ang mag drama at umiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

Natahimik sya at bumuhos din ang luha nya.

"Babe."

"Anong plano?" Matapang kong sabi.

"Hindi ko alam."

"Damn it! Hindi mo alam! Apat na buwan Harry! Apat na buwan na inilihim mo tapos hindi mo alam! Ano, naglolokohan ba tayo dito!"

"Babe... kailangan akuhin ko ang bata. Anak ko yun eh! Mahal kita. Maniwala ka." Pagmamakaawa nya tumulo na rin ang mga luha nya.

"Sino yung babae?"

Biglang natahimik naman si Harry. Napatingin sya sa akin.


...


...


"Si Rica."

Napa-upo ako sa lupa sa sobrang gulat ko. Kababata ni Harry si Rica at naging matalik na kaibigan ko bago pa naging kaming dalawa ni Harry. Tomboy noon si Rica pero bumalik sa pagkababae pagkatapos namin grumaduate. Masayahin si Rica at palagi pa nga nyang pinagtutulakan sa akin si Harry. Pero bakit nya nagawa ito?

"Matagal na daw syang may gusto sa akin. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kababata ko sya at ngayon ay dala-dala nya ang anak namin hindi ko sya..." Bago pa man nya ituloy ang ang sasabihin nya ay pinutol ko na sya.

"Anak ninyo?...So nakapagdesicion ka na pala. Pero bakit mo ginawa ang ginawa mo kahapon?" Napatingin ako sa kanya.

"Babe sorry."

"F*ck you! Gago ka Harry! Sorry lang ha! Simula ngayon huwag mo na akong lalapitan o kakausapin. Walang hiya ka! Minahal kita pero ito ang igaganti mo!" Sinampal ko sya uli bago ako tumalikod. Tumakbo ako papalayo sa kanya. Sa sobrang sakit hindi ko na alam ang gagawin ko kaya takbo na lang ako ng takbo.

Engaged To My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon