Chapter 9: OMG!

2.8K 51 0
                                    

Nandito na kami kina Ebony, nandito din si Alex. Kalmado naman ako e, kalma lang lagi para maganda din lagi.

Naupo kami.

"So, final na ha? Sa Saturday ang reunion." Shawn.

"Depende yun kung wala akong activity sa school." Sabi ko.

Tumingin naman sa akin si Blake and he looks disappointed.

"Oo nga pala, pwede ka namang sumunod e. Kasi 3 days naman tayo dun." Shawn.

"Try kong magpaalam." Ako.

Hinawakan naman ni Blake ang kamay ko, parang nag-aalala sya. Tiningnan ko ulit sya, ang sad na ng face nya.

Hays :( Bakit naman kasi ngayon pa kayo nag-set ng reunion kung kailan sobrang busy ko na? Nananadya naman ata kayo ah, grabe naman kayo sa akin.

"Sana payagan ka." Blake.

"Sana nga e." Sabi ko.

Nagserve naman si Ebony ng pagkain para sa amin.

"Final na ba lahat?" Alex.

"Yes Bro." Shawn.

"E pano nga pala si Syred? Iiwan nyo yan?" Tanong ko.

Nagtinginan sila sa akin, may mali ba akong nasabi? Concern lang naman ako sa bata e.

"Best, isasama namin sya." Ebony.

OMG. They are so crazy! Hindi sila nag-iisip, pati yung bata idadamay pa sa kalokohan nila. Naiinis na naman tuloy ako!

Hinawakan naman ni Blake ng mahigpit ang kamay ko dahil ramdam nyang naiinis na ako.

"Okay." Matipid kong sabi.

Tahimik na lang akong kumain at nakinig sa pinag-uusapan nila. Pinainit na naman nila ang ulo ko, isa pa 'tong si Ebony na hindi nag-iisip.

Habang tumatagal lalong bumabata ang isip!

"Bukas magpaalam ka na Trisha." Shawn.

"Okay sige, una na kami ha? Maaga pa ako bukas." Paalam ko sabay hila kay Blake.

Pagdating namin sa labas, napansin kong nakasimangot si Blake. Pumasok na ako sa kotse.

Tahimik naman syang nag-drive pauwi, pareho kaming walang imik. Pataasan tayo ng pride mahal kong asawa.

Nasa kalahati na kami ng byahe pero wala pa din kaming imik sa isa't isa, kahit tingin nga wala din e.




----*




Nandito na kami sa condo, agad naman syang naglagay ng wine sa baso at nanood ng TV.

Naupo naman ako sa kama at inilabas ang lap top, gagawa pa ako ng lesson plan. But first, magpapalit muna ako ng damit.

Pagtapos magpalit ay inalok ko sya ng pagkain.

"Vegetable salad?" Ako.

Tiningnan nya yung hawak ko sabay balik ng tingin sa TV. Hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"Sige doon ka na sa mga kaibigan mo." Saad ko.

Naupo na ako sa kama para gawin yung nasa lap top.

"Bakit ba kasi ang init lagi ng ulo mo?!" Blake.

"E bakit ba kasi hindi nyo ako maintindihan?" Sabi ko.

Lumapit si Blake sa akin, okay kung sasaktan mo ako bahala ka!

"Naiintindihan ka namin, kaya nga hihintayin ka naming magpaalam e." Blake.

Nag-start na akong umiyak. Ano ba naman 'to? Ayoko na ng ganitong mga drama.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon