Chapter 99

1.4K 24 1
                                    

[Trisha's POV]

Kahahatid ko lang kay Blunt sa school, pupunta naman ako sa supermarket para mag-grocery. Ubos na kasi ang laman ng fridge namin.

Kasama ko si Ebony, dala na naman nya ang credit card ni Syred.

"Best, alam mo ang bait ng anak ko. Hindi ko akalaing lalaki sya ng ganun." Ebony.

Ang tatanda na namin pero #BFFGOALS pa din kami, ito ang patunay na FRIENDSHIP LASTS, tama ba? Haha o(^^o)o(^^o)

"Hindi na nga ako makapag-hintay e, gusto ko nang makita ang anak ko." Sabi ko.

"Dalawang taon na lang." Ebony.

Ngumiti naman ako, una kaming nagpunta sa canned goods section. Inubos kasi ni Blunt ang mga luncheon meat sa bahay, pati ang mga softdrinks.

"Best, ano kaya kung dito ko na lang sya pag-aralin ng 3rd and 4th year college?" Ako.

Napaisip naman ang kaibigan ko, bright idea di ba? :) Humarap sya sa akin at nagthumbs up.

"Perfect best." Ebony.

"E ang tanong papayag ba ang biyenan ko?" Sabi ko.

Naglakad na kami papunta sa meat station, chicken lang naman ang bibilhin ko dahil binabaon yun ni Blunt araw-araw. Hindi sya nagsasawa sa fried chicken.

Hindi pa din kami tumitigil sa pagkekwentuhan, kaya naman sumosobra yung mga nakukuha naming items.

"E di kausapin mo sya, anak mo yun kaya mas may karapatan ka. Ano naman yung sya ang nag-paaral doon?" Ebony.

"Bahala na. Kakausapin ko muna si Blake." Sabi ko.

Nandito na kami sa cashier, punong-puno ang mga carts namin :) Hihi. Buti dala ko ang kotse ko, then dederetso din si Ebony sa bahay.

Wala naman kasi syang magawa sa bahay nila kaya sasamahan na lang nya ako.






----*






Nandito na kami sa bahay, ofcourse #BFFGOALS mag-iinom kami at ang pulutan ..






Nachos and the sauce is made with wasabi and mayonnaise.






Flavored beer naman ang iniinom namin kaya keri lang 'to mga beshies. Nasabi ko na din kay Blake na sya na ang sumundo kay Blunt.

Nanood na naman kami habang nag-iinom, ayaw namin mag-videoke :) Baka batuhin kami ng mga kapit bahay.

"Best, ngayon na lang ulit tayo nakapag-bonding!" Ebony.

"Oo nga e. Busy kasi tayo sa mga anak natin." Sabi ko.

"Alam mo ba si Syred may dinadala nang babae sa bahay. Sabi nya friend nya, e syempre lahat naman doon nagsisimula e." Ebony.

Napangiti naman ako, e ang anak ko kaya? Nakikipag-date na ba sya, may nanliligaw na kaya sa kanya?

Hays! -___- Ang hirap.

"Nasa tamang edad na naman si Syred e." Ako.

"Oo nga. Pero Best alam mo bang lagi silang magkausap ni Trixie? One time nahuli ko yun sa sala, nagvideo call silang dalawa. Parang mag-jowa." Ebony.

Nagulat naman ako sa sinabi nya, haha. Ang utak talaga ng kaibigan ko napaka-kitid.

"Nag-video call lang magjowa na? Atsaka bata pa si Trixie." Ako.

"Best naman, ilang years mo na sinasabi yan!" Ebony.

Tumawa naman ako. Siguro nga takot lang akong tumanda ang anak ko, pero kung ako lang ang tatanungin ayoko talaga na maging sila ni Syred.

Para na kasi silang magkapatid, pero hindi naman ako mag-iisip ng kung ano kasi nga di ba may iba namang dinedate ni Syred? Malay mo BFF's din gaya namin ni Ebony.

Mahirap manghusga, hindi ko pa naman alam ang kwento e.






Oras na para sunduin ko si Blunt, isinabay ko na din si Ebony. Pagdating namin sa school, nasa labas na ang baby ko.

"Sorry baby." Sabi ko.

Ngumiti lang sya at tahimik na sumakay sa kotse, may hawak syang papel. Ano naman kaya yun, ayaw nya kasing ipakita sa akin e.

Malamang sasabihin nya kapag kasama na namin ang daddy nya.

She's The BOSS (ABKA book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon